Chapter 29: His Secret

2.8K 73 0
                                    


Arth's POV

"Ma alis na po ako!" Sigaw ko sa labas ng bahay namin.

Hindi naman ata halata na excited ako.

Oo excited ako dahil ngayon yung araw na napag-desisyunan ko na aamin ako kay Jennie. Excited na may halong kaba yung nararamdaman ko ngayon at sana lang walang umepal.

Dahil sa maaga pa naman, naglakad na lang ako papunta sa bahay nila Jennie. Para exercise na din sa katawan ko.

Pagkapunta ko sa bahay nila Jennie nagulat ako nung nandun si Jerome pati Glazel. Naku naman, wala pa nga akong ginagawa palpak na.

"Hmm Jennie mauna na pala ako, kasi may gagawin pa ako sa room natin. Nakalimutan ko cleaners pala ako" Sabi ni Glazel kay Jennie.

Pagka-alis ni Glazel, nagsimula na kaming maglakad na tatlo.

Dapat talaga moment namin 'to ni Jennie kung hindi lang umiksena 'tong Jerome na 'to. Kahit kailan talaga hadlang 'to sa mga plano ko.

Ah alam ko na, may naisip na akong pwedeng gawin. Pero sana hindi 'to iniisip ni Jerome ngayon.

"Jennie akin na bag mo!" Nagulat ako ng biglang hawakan din ni Jerome ang bag ni Jennie. Putspaaa!! Mapapa-ano ka na lang talaga sa inis eh.

Sige Jerome kotang-kota ka na.

Yung excited na may halong kaba na nararamdaman ko kanina, napalitan ng inis ng dahil sa Jerome na 'to. Epal kasi masyado.

"Ah hihihi wag na guys, ako na lang" Sabi sa amin ni Jennie.

Pakiramdam ko tuloy naiilang na sa amin si Jennie.

Pagkapunta namin sa loob ng classroom dumiretso na ako sa upuan ko, at ganun din ang ginawa ni Jerome. Kahit kailan talaga gaya-gaya 'to.

Hayss badtrip ako ngayon kasi hindi natuloy ang plano ko.

Habang nakaupo lang ako dito sa upuan ko habang nag-iisip, bigla namang pumasok sila Lloyd at Alyssa ng SABAY? Pero wait, bitbit ni Lloyd yung bag ni ALYSSA?

Naku! Wag niyang sabihin na nililigawan na niya si Alyssa. Para sa akin naman okay lang din kasi desisyon niya yan. Kahit ano pa man ang gawin niya suportado na lang namin siya.

"Arth gusto mo ba bumili?" Tanong sa akin ni Carla.

"Mamaya na lang Carla sa breaktime. Sandali nga, bakit ka pala nagbebenta niyan? Wag mong sabihin na kinakalaban mo na paninda ni Joshua?" Tanong ko sa kanya.

"Hahaha hindi ah. Pinapatinda lang sa akin 'to ni ate. Pero mamaya Arth ah, bumili ka!" Sabi niya.

Mukha namang masarap yung tinda niya kaya bibili ako.

Maya-maya bigla ko na lang pumasok sa isip ko yung sinabi niya sa akin tungkol sa panaginip niya. Kahit kailan kasi hindi pa pumalya ang nasa panaginip niya. Lalo na yung kay Aira at Julia.

At ang mas kinakatakot ko, dalawa daw ang nakita niyang mawawala. At ang malungkot dun hindi niya mamukhaan yung dalawa. Iniisip ko kung sino ba yung pwedeng dalawang mawala. Atsaka din pala dun sa mamatay at matitira.

Hindi ko lubos maisip na bakit kailangan may mamatay.

Tinignan ko yung mga kaibigan ko, sila Marvin, Jennie, Lloyd, Alyssa, Jessica, Glazel at Maika. Maliban lang kila Aira, Julia, Bobby at Samonte. Kumpleto naman sila.

Sandali parang may kulang sa binanggit ko kanina.

Inisip ko yung kulang at napagtanto ko ..

Asan sila Joshua at Justin? ..

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now