Chapter 22: HF or HS

3.3K 108 13
                                    

A/N: Hidden Feelings or Hidden Secret po ang meaning niyan. Pinaiksi ko na lang po kasi mahaba.

ARTH.

Tatlong araw na simula nung mawala si Aira. Hanggang ngayon pinaghahanap pa din siya. Wala ni isa sa amin sa mga kaibigan niya ang nakaka-alam kung nasaan siya. Sa ngayon nakakaramdam na din kami ng kaba at takot. Kaba kung sino ang susunod, takot na kung anong maaaring gawin sa kanila.

Pero mayroon pa silang dapat malaman, pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila. Gaya ng napag-usapan namin, ililihim ko muna 'to.

"Arth asan si Ma'am?" Tanong ni Jennie sa akin.

Isa pa 'to sa mga nililihim ko sa kanila. Lihim na matagal ko ng kinikimkim. Sabi din sa akin ng iba, masyado daw akong halata. Kahit si Marvs at Justin nahahalata na may gusto ako kay Jennie. Oo may gusto ako dito sa babaeng 'to.

"Ah-eh ano hindi daw siya makakapasok kasi may meeting yung ibang mga teacher" Tugon ko sa tanong niya.

"So wala tayong teacher ngayon?"

"Wala" Tipid kong sagot.

Sinubukan ko namang pigilan yung nararamdaman ko sa kanya kaso mahirap na. Sa tuwing lumalapit ako sa kanya at sa tuwing lumalapit siya sa akin lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Sa tingin ko mahal ko na si Jennie.

Pero sa tingin ko hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Kaya nga medyo lumalayo na ako sa kanya, hindi ko na siya minsan nilalapitan, kasi ayoko ng mas lumalala pa 'tong pagtingin ko sa kanya.

"Arth okay ka lang?" Tanong niya ulit sa akin

"Ah-ano. Oo" Medyo pautal-utal na sabi ko.

Medyo na-miss ko din 'tong pag-uusap namin ni Jennie.

"Sure ka?"

"Oo bakit ba?"

"Ahm wala. Sige na nga alis na ako"

"Wag!" Sabay hawak ko sa braso niya na bigla naman niyang ikinagulat.

Hindi ko alam pero parang ayaw ko pa siya umalis sa tabi ko. Gusto ko dito lang siya katabi ko .......... Kaso hindi pwede.

"Arth bakit ba?" Tanong niya ulit na may halong pagtataka.

"Ah- ano wala, sige na nga, pumunta ka na dun"

Mas mabuting lumayo na lang ako sa kanya at hintayin na lang na mawala 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Tiningnan ko lang siya haggang sa nakaupo na siya katabi si Justin. Pagkatapos ng ilang saglit bigla na lang siya tumayo at pumunta na sa upuan niya.

Nung makita ko yung mukha nung Jerome, nakakaramdam ako ng inggit. Inggit dahil katabi niya ngayon si Jennie. Kaso kaya ko naman siyang tabihan at kausapin, ang ano ko lang, ayaw ko ng mapalapit sa kanya.

Sigurado akong ramdam niya ang pag-iwas ko, pero pinapabayaan ko lang siya. Pero lagi kong iniisip kung bakit siya pa. Pwede naman sa iba. Pero ganun talaga, imposibleng hindi ka mainlove sa bestfriend mo.

Tapos bigla na lang nag-flashback sa akin yung naging usapan namin dati.

Flashback ...

"Alam mo Jennie yung sabi nila na kapag sobrang lapit mo sa isang kaibigan, matutunan mo syang mahalin? Kaya wag kang lalapit sa akin ha? At baka mahalin kita .. Tapos yun pala para sayo "Friend" mo lang ako" Sabi ko sa kanya ng pabiro.

"Baliw ka talaga minsan Arth. Pero sana wag kang mainlove sa akin, kasi alam mo naman ang magiging sagot ko. Alam mo naman na para na kitang kapatid. Pero alam ko naman na hindi ka magkakagusto sa akin"

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now