Chapter 35: Why?

2.8K 89 4
                                    


Arth's POV.

"Kuya kakain na!" Sigaw ng kapatid ko galing sa labas ng kwarto ko.

"Sandali lang, sabihin mo susunod na lang ako"

Andito kasi ako sa kwarto ko habang iniisip yung mga nakalagay sa pocket notebook ko na sinulat ko kanina. Pinili ko dito kasi tahimik at medyo makakapag-isip ako ng maayos.

Kaso kanina ko pa talaga inaalala kung saan ko ba narinig 'tong pangalan ng school na 'to atsaka 'tong Sophie na 'to. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang sagot.

Siguro kakain muna ako at baka mamaya maalala ko na.

Tumayo na ako sa kama ko at dumiretso na ako sa lamesa.

"Ma wala pa si papa?" Tanong ko kay mama na kumakain.

"Wala pa, bakit?"

"Ah wala lang po"

Kumuha na ako ng plato at nag-umpisa na akong maglagay ng kanin. Pagkatapos kong maglagay, naglagay na ako ng ulam at nag-umpisa nang kumain.

Habang kumakain ako, bigla na namang pumasok sa isip ko yung kanina.

"Ma, may alam po ba kayong school na ang tawag ay PARANG NATIONAL HIGHSCHOOL?" Sa 'di malamang dahilan, bigla ko na lang naitanong yan kay mama.

Dahil sa tanong ko na yun, bigla namang napatigil si mama sa pagkain niya.

"Saan mo nalaman yan?" Sa tono ng pananalita ni mama parang may alam siya.

"Mama may alam po ba kayo dun?" Medyo naging interesado ako ng biglang magsalita si mama.

"Dati ko yang school, atsaka matagal na yun, kasi ngayon wala na yun dahil sa giniba yung school na yun" Mama.

Dating school ni mama?

"Ibig sabihin po matagal na yung lugar ng PARANG?" Ako.

"Oo matagal na yun"

"Pero bakit po giniba yung school? Anong dahilan?"

"Giniba yun dahil sa isang aksidenteng nangyari. Nagkaroon kasi ng sunog ng mga panahon na yun, dahil sa ang may-ari ng school na yun ay ang principal namin, pina-giba niya yun dahil sa pagkamatay ng kanyang anak"

Para siyang puzzle na unti-unting nabubuo.

"Ang anak po ba nung principal na yun ay si Sophie?"

"Oo. Paano mo nalaman?" Medyo naguguluhan na si mama sa mga tanong ko.

Sabi na eh.

"Paano niyo po nakikilala yung Sophie?"

"Si Sophie ay matalik na kaibigan namin noon, pero hindi ko nga alam kung paano namin naging kaibigan yun, sa sobrang sama ba naman ng ugali nun, magkaibang-magkaiba sila sa ugali ng kambal niya"

Kambal?

"Sino pong kambal?"

"Si Sara Fernandez, siya ang kambal ni Sophie Fernandez, kaibigan namin silang pareho" Mama.

Sara Fernandez? Diba yun ang pangalan ng mama ni Samonte. Ang apelyido kasi ni Samonte ay Fernandez.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Kumain ka na nga muna, mamaya na lang tayo mag-usap"

Maaari kayang may koneksyon talaga yung Sophie na yun sa mga nangyayari ngayon. Kasi ang mama ni Samonte at yung Sophie na yun ay kambal. Kaya posibleng tita niya si Sophie na matagal ng patay.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now