Chapter 17: You're next

3.9K 132 22
                                    

A/N: Sana mapahaba ko pa 'tong story na 'to. Well nakadepende naman 'to sa daloy ng utak ko. Hahaha. Sige yun lang. Continue reading honeybabies. :*

--
JENNIE.

Ano ba yan, bigla-bigla na lang nawawala si Arth. Asan na ba yun?

Dahil sa free-time naman namin ngayon. Buong oras hinahanap lang namin si Arth. Hindi namin alam kung asan na ba napunta yun. Basta ang alam namin, bigla na lang siyang nawala sa grupo.

Maya-maya pa bigla na lang nag-vibrate yung phone ko. Pagtingin ko si Glazel tumatawag sa akin.

"Uy ano nakita mo na si Arth?" Tanong sa akin ni Glazel.

"Hindi ko pa nga nakikita eh. Kayo nakita niyo na?"

"Hindi din" Sabi niya sa kabilang linya.

"O sige mamaya na lang. Basta tawagan niyo ako kapag nakita niyo na si Arth ah" Sabi ko sabay end nung call.

Malaki kasi masyado 'tong school namin kaya nahihirapan kaming hanapin yun. Baka naman umuwi na yun. Hayy naku malalagot talaga sa akin yun kapag nalaman kung umuwi lang yun.

Kung nagtataka kayo kung bakit magkausap kami ni Glazel. Isa lang ang sagot, nakipag-bati na ako sa kanya. Kani-kanina lang.

Dahil sa hindi ko makita talaga si Arth. Nagbaka-sakali akong baka andun siya sa likod ng stage, minsan kasi nakikita ko siya dun kapag break-time, nakatambay.

Dahil sa nagbabaka-sakali ako, agad ko namang tinungo yung likod ng stage. Kaso habang naglalakad ako, nakakita ako ng isang box ng chocolate malapit sa isang tuyong dahon.

Mukhang masarap yung chocolate. Halata mo naman kasi sa itsura at mukhang mamahalin pa. Siguro may nakaiwan nito dito o kaya may nakahulog.

Dahil sa parang inaakit ako nung box ng chocolate na nakita ko dito malapit sa likod ng stage. Naisipan kong damputin para na din kainin, kasi sayang talaga eh.

Nang dadamputin ko na. Nagulat ako ng may sumigaw malapit dun sa may taas ng puno ng mangga. "Jennie wag mong pupulutin yan" Pagtingin ko kung sino yung nagsalita. Nagulat ako ng bumaba si Arth dun sa may taas ng puno.

"Arth andito ka lang pala. Alam mo bang mahigit isang oras ka na namin hinahanap" Medyo naaasar ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

"Sorry na. Basta wag mo lang pupulutin yang chocolate na yan. Halika na balik na tayo sa room" Utos niya.

Hayss bakit bawal? Sayang naman. Tss!

JUSTIN.

"Guys nahanap na daw ni Jennie si Arth. Balik na daw tayo sa room" Sabi ko sa kanilang lahat. Hay buti naman nahanap na yun, akala ko kinuha na nung doppelganger ni Samonte eh. Haha.

Kaso ang nakaka-asar lang, meron pa kaming last subject. So ibig sabihin kailangan pa naming pumasok. Tss! gusto ko ng umuwi eh.

Pagbalik namin sa room. Nakita namin si Jennie at Arth magkatabi. Mukhang nag-uusap pa nga eh.

"Guys buti andito na kayo. Pagalitan niyo nga 'to si Arth. Kung saan-saan kasi pumupunta. Tapos ayaw naman sabihin sa akin kung bakit siya umalis" -Jennie.

"Saan ka ba galing Arth? bigla-bigla ka na lang umaalis ng hindi namin nalalaman. Yan tuloy kailangan ka pa namin hanapin kasi baka kinuha ka na nung doppelganger ni Samonte" Sabi ko kay Arth na mukhang natatawa pa.

"Seriously? Haha hindi niya ako makukuha no" Parang may kakaiba sa sinabi ni Arth. Parang confident talaga siya na hindi talaga siya makukuha nung doppelganger ni Samonte.

PARANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon