Chapter 31: Dream

2.7K 83 2
                                    


Marvin's POV

"May susuotin ka na Marvs?" Tanong sa akin ni Maika habang naglalakad kami pauwi. Parehas lang kasi ang daanan namin pauwi kaya ganun.

"Oo. Si mama na ang nag-asikaso ng lahat!" Sabi ko.

Bukas na din kasi yung Js Prom namin.

"Sana bukas i-enjoy lang natin yung Js Prom, wag muna nating problemahin lahat ng yan. May oras para dyan" Sabi ko.

Sa tingin ko kasi iniisip na naman niya yung tungkol sa pagkawala ng mga kaibigan namin. Hindi ko nga alam kung kailan ba 'to matatapos eh.

Simula kasi ng magsimula ang lahat ng 'to, nakakalimutan na naming magsaya. Hindi tulad noon ang saya-saya pa namin. Lagi kaming gumagala kung saan-saan, foodtrip o kahit ano pa man.

Pero ngayon ang dami na naming iniisip.

Kung paano ba sila makikita.

Kung sino ba ang may gawa nito.

Nakakainis na kasi paulit-ulit na lang.

"Sige Marvs mauna na ako. Text mo na lang ako kung anong oras ka aalis papuntang venue ng JS"

Dahil sa medyo lutang yung isip ko, hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa bahay ko. "Hays oo. Sabay-sabay na lang tayo ah!" Sabi ko.

"Sige!" At nagsimula na siyang maglakad pauwi.

Pagkatapos ko magbihis, kumain na ako, pagkatapos nun dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Sana naman kahit bukas maging masaya kami, kahit bukas lang.

Pagkatapos nun back to reality na.

Tumayo ako saglit sa kama ko para tingnan yung tuxedo na susuotin ko bukas. Okay naman siya. Nagpapasalamat nga ako kay mama kasi inaasikaso pa din niya ako kahit madami siyang ginagawa.

Maya-maya pa, nakaramdam na din ako ng antok.

----- -- ---

"DADDY PALABASIN MO AKO DITO!!!! DADDY!"

Dinig ko yung sigaw sa may Guidance Office.

Sandali bakit ako nandito ulit.

Tinignan ko si Manong Guard pati yung principal, sabay na lang silang napailing sa sigaw ni Sophie. Oo tama si Sophie.

Pero bakit andito ako ulit.

Ano nga bang school 'to? ..

Oo ito yung PARANG NATIONAL HIGHSCHOOL.

Pero bakit ganun medyo natatandaan ko pa 'to.

Hindi ko alam pero parang may kailangan pa akong gawin dito.

"Daddy palabasin mo ako dito!!!!" Sigaw ulit ni Sophie.

Pagkalabas nung daddy ni Sophie na kung saan yun din ang principal ng paaralan na 'to, nagpasya na akong lumabas sa tinataguan ko.

"O andito ka pa din?" Tanong sa akin nung Guard.

"Ah opo. Hihi" Sabi ko.

Pagkasabi ko nun, agad naman akong tumakbo papunta doon sa kinalalagyan nung Sophie. Hindi ko mawari kung naaawa ba ako sa kanya o hindi.

"Dad palabasin mo ako dito" Sabi niya habang umiiyak.

"Sophie?" Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. Parang may kakaiba dito. "Sino yan? May tao ba diyan?" Tanong niya.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now