Epilogue

2.9K 80 0
                                    



Marvin's Point Of View

7 months ago ...

"Marvs ano oras ka pupunta sa sementeryo mamaya?" Tanong sa akin ni Maika sa kabilang linya.

Ngayon kasi yung araw na bibisitahin namin sila sementeryo. Medyo matagal-tagal na din kaming hindi nakakadalaw sa mga kaibigan namin, at baka mamaya magtampo yun at multuhin kami.

"Anong oras ba ang usapan?" Tanong ko sa kanya pabalik.

"1:00 daw" Sabi niya.

"O sige bago mag-1:00 puntahan mo ako sa bahay, sabay na tayo"

Pagkatapos nun inend ko na yun call. 7:00 pa lang naman kaya pwede pa akong magready. Naisipan kasi namin na mag-picnic sa sementeryo kasama sila. Medyo hindi na kami nakakapag-bonding na magkakaibigan pagkatapos nung insidenteng yun.

Alam kong matagal na yun pero para sa akin sariwa pa din yung mga pangyayari. Minsan nga napapanaginipan ko sila, minsan naman nakikita ko sila. Siguro para na din hindi namin sila makalimutan kaya nila yun ginagawa.

Kahit ano namang gawin nila, hinding-hindi namin sila makakalimutan.

Pumunta muna ako sa grocery saglit para mamili ng mga kakainin namin mamaya. Habang namimili ako, nakasalubong ko naman sa loob si Jessica na bumibili din.

"Uy Marvs dito ka din bumibili?" Tanong niya sa akin.

"Oo eh. Mamaya nga pala 1:00 daw ang punta sa sementeryo sabihin mo din dun sa pinsan mo ah"

Saglit lang kami nagkausap at umalis na ako.

Pagkatapos din pala nung insidenteng yun, nalaman ng mga magulang namin na ang kanilang mga anak ay magkakaibigan din. Simula nun parang bumalik yung dati nilang pagkakaibigan, yung pagkakaibigan nila na nawala ng ilang taon.

Mukha pa nga silang bata kaysa sa amin eh.

"O saan ka galing?" Tanong ni mama sa akin pagkapasok ko ng bahay.

"Namili lang ma ng mga kakainin namin sa picnic mamaya. Dadalawin kasi namin yung puntod ng mga kaibigan namin" Paliwanag ko kay mama.

Pagkatapos nun hindi na ako tinanong ni mama kasi naiintindihan naman niya.

Pagkatapos ko kumain ng tanghalian, naligo na ako at nagbihis. Sakto lang din ang dating ni Maika sa bahay.

Pagkalabas ko ng bahay nagulat ako kasi nandito silang lahat.

"Akala ko ba ikaw lang Maika?"

"Haha halika na nga" Sabi niya.

Sumakay na kami ng Jeep papunta dun sa sementeryo, medyo malayo-layo din yun. Private Cemetery kasi.

Pagkapunta namin naglapag na sila ng malaking blanket at nilapag na yung mga pagkain katabi ng puntod ng mga kaibigan namin.

"Nakakamiss din pala sila no" Sabi ni Alyssa.

"Hays miss ko na din sila, lalo na si Bobby" Sabi naman ni Samonte.

Nagtirik lang kami ng kandila at naglagay ng mga bulaklak.

Pagkatapos nun nagkwentuhan na kami.

Bakasyon na kasi namin kaya medyo namiss namin yung isa't-isa.

Dapat ganito lang kami kasaya kahit na wala na yung iba naming kaibigan. Hindi naman kasi ibig sabihin nun na habang buhay na lang kaming malulungkot dahil sa pagkawala nila. Tanggap na din namin kung ano talaga ang nangyari.

"Guys maggagabi na" Tawag sa amin ni Jessica.

Nagbibike kasi kami, malay ba namin na pwedeng mag-rent ng bike dito.

Pagkabalik namin ng bike dumiretso na kami kung nasaan sila.

Nakita namin na nililigpit na nila yung mga kalat namin. Bawal kasi magkalay dito eh. Pagkatapos nun isa-isa na kaming nagpa-alam sa kanila.

Alam namin na hindi na namin kailanman maibabalik ang kanilang buhay, pero ang kanilang mga alaala ay mananatiling buhay sa amin. Dahil yun naman talaga ang totoong pagkakaibigan ..

Ang tunay na kaibigan kailanman hindi malilimutan ..

End.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now