Chapter 37: Moment of Truth (Part2)

2.8K 80 4
                                    


Arth's POV

"Pero yung sa may kabaong talaga. Nagtataka ako kung sino ba ang nandun?" Tanong ni Maika. Kahit ako din naman iniisip ko kung sino ang nandun.

"May naisip ako guys kung anong pwedeng gawin. 'Di kaya hukayin natin yung kabaong na pinaglibingan nun para malaman natin kung sino ang nandun" Marvin.

Mukhang maganda nga yung idea niya.

"Ano deal?" Sabi ni Alyssa.

"DEAL!" Sabi naming lahat.

"Mamayang 10:00 ng gabi, pupunta tayo sa may sementeryo para hukayin yun. Mas maganda kung gabi dahil walang makakakita sa atin, mahirap na kasi kapag umaga baka mahuli tayo" Sabi ni Marvin.

Gabi? So kailangan ko pang tumakas mamaya kila mama at papa.

"Sige, sige" Sabi ko at yung iba nag-agree naman.

"Bago pala tayo umuwi guys, sasabihin ko na sa inyo yung dapat kung sasabihin sa inyo kanina sa room. Yung tungkol dun sa nalaman ko kagabi, maaaring yung tita Sophie mo Samonte ang may gawa nito, gaya nga ng sabi mo may nakita ka sa di kalayuaan na kahawig mo. Naaalala mo ba yung sinabi mo sa akin kagabi na sinabi sayo ng mama mo na may pagkahawig ka sa Tita Sophie mo, para ka nga daw mini version niya, sabi sayo"

"Oo, tama ka Arth" Tugon ni Samonte.

"Huh?" Sabi nila.

Mukhang hindi nila naiintindihan. May kinuha ako sa bulsa ko at ipinakita sa kanila.

"Para saan 'to Arth?" Tanong ni Alyssa.

"Dyan nakasulat yung mga posibleng sagot sa mga tanong natin" Sabi ni Jessica.

"PARANG NATIONAL HIGHSCHOOL, SOPHIE, P, R ,G?" Tanong ni Maika.

"Yang school na yan ay dating paaralan sa mismong lugar ng PARANG, yang Sophie na yan ang papa niya ang may-ari ng school at the same time principal din ng School na yan. Si Sophie ay tita ni Samonte na kung saan kapatid ng mama ni Samonte" Paliwanag ko sa kanila.

"Paano mo nalaman lahat 'to Arth?" Tanong ni Marvin.

"Kasi dating school din yan ni mama, tas yung Sophie isa daw siya sa mga kaibigan ni mama nung mga panahon na yun. Hindi lang yun, nalaman ko din na ang ating mga magulang ay magkakaibigan nun"

"Huh?" Sabay-sabay ulit silang nagsalita.

May nilabas ako sa bulsa ko at ibinigay sa kanila yung picture na ipinakita sa akin ni mama kagabi.

"Omg! Mama ko 'to ah!" Sabi ni Jennie.

"Mama ko din 'to" Turo naman ni Maika.

"Wait bakit may kambal? At parang kamukha ni Samonte?" Tanong ni Jennie.

"Yan ay si mama at ang kambal niya na namatay na" Sabi ni Samonte.

"At paano mo naman nalaman Arth na maaaring siya?" Tanong ni Marvin.

"Base sa napanaginipan mo at base na din sa sinabi sa akin ni mama. Nagkaroon daw ng sunog ng mga panahon na yan at sinabi mo nga sa akin Marvs na si Sophie ang nasa loob nung Guidance Office. Dahil sa pagkamatay ni Sophie, pinagiba ang school, dahil na din sa ayaw na nilang maalala ang mga pangyayari. Sa tingin ko, sa mga kaibigan niya talaga siya maghihiganti sa nangyari sa kanya na kung saan ang mga magulang natin yun. Dahil siguro hindi siya makapaghiganti sa mga magulang natin, tayo ang pinaghihigantihan niya, dinamay niya tayo. Para ipadanas sa mga kaibigan niya kung paano mawalan ng anak kung saan nagsisiwalaan sila Aira at ang iba"

PARANG (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant