Chapter 34: Warning

2.8K 82 0
                                    


Marvin's POV.

Lunes na pala ngayon. Parang ang bilis lang ng panahon.

Dati siya ang hinihinilaan namin na may gawa ng lahat ng 'to, pero simula nung malaman namin na buhay siya nung araw ng JS, lahat yun nagbago.

"Ma alis na po ako" Pagpapa-alam ko kay mama.

"Sige" Mama.

Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa school ko. Medyo nakaramdam din ako ng kaba dahil panigurado si Samonte ang magiging topic naman namin na kung saan ayaw ko munang pag-usapan.

Pagkatapos kasi nung nangyari nung sabado sa JS wala ng nagtangka pang pag-usapan pa yun. Kaya pakiramdam ko ngayon nila uungkatin yun.

Tungkol din pala dun sa napanaginipan ko. Simula ng Js hindi ko na siya ulit napanaginipan, pero alam ko pa din yung mga detalye sa napanaginipan ko nun. Ang weird nga nung panaginip ko kagabi eh.

Pagkapasok ko ng classroom, nagulat ako kasi ang tahimik. Anong nangyari?

Eh hindi namin kasi ganito yung naaabutan ko kapag napasok ako dito. Ang lagi kong naaabutan ay yung ingay nila tapos labas pasok ng room.

"Anong meron?" Tanong ko kay Jessica.

"Ewan, ganito na kasi yung naabutan ko dito eh. Buti napansin mo din"

Kahit siya ganun din ang napansin niya.

Nilapag ko yung bag ko tsaka ko nilibot yung tingin ko sa buong classroom.

Nakita ko naman si Arth na nakaupo dun sa may hulihan. Bakit kaya, eh hindi naman dun yung upuan niya.

Napansin ko din na wala pa si Jennie at Glazel kasi bakante yung upuan nila. Tanging si Jerome lang pati yung iba naming kaklase ang nakaupo sa row nila.

----- -- ---

Pagkatapos ng apat naming subject, agad naman ako lumabas kasi may sasabihin daw sa amin si Arth.

Lumabas na ako ng room at umupo na sa tabi ni Jessica habang nakapabilog kami. Pansin ko lang din na kanina pa sila nakasimangot. Ano bang araw ngayon? Araw ba ng kalungkutan ngayon?

"Alam ko lahat kayo naguguluhan hanggang ngayon" Paguumpisa ni Arth.

Ako-Jessica-Maika-Arth-Alyssa-Lloyd lang yung nandito. Si Jennie at Glazel absent.

"Buti alam mo Arth" Sarkastik na sagot ni Alyssa.

"Patawarin niyo ako" Arth.

Patawarin? Bakit? May ginawa ba siya?

"Anong patawarin Arth?" Maika.

"Patawarin niyo ako kasi matagal ko ng alam na buhay si Samonte. Hindi ko lang sinasabi sa inyo kasi ayaw niyang ipasabi. Noong una, naguguluhan ako kung paano nangyari yun pero inintindi ko na lang siya kasi alam kong may dahilan siya"

Matagal na niyang alam?

"Bakit hindi mo sinabi sa amin Arth?" Lloyd.

"Tss." Alyssa.

"Hindi ko sinabi kasi yun ang napag-usapan namin ni Samonte. Kahit alam kong magagalit kayo, sinunod ko na lang siya" Arth.

"Kaibigan mo kami Arth kaya maiintindihan namin yun. Tapos ano? Buong akala natin, namin na si Samonte lahat ng may kagagawan nito, pero hindi pala" Maika.

"Wag na tayong magaway-away pa, ang importante ngayon ay alamin natin kung sino ang salarin sa lahat ng 'to at kung saan dinala sila Aira at yung iba pa nating kaibigan" Jessica.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now