Chapter 24: Unknown Caller

3.3K 92 2
                                    


MARVIN.

"Maika may dala kang badminton ngayon?" Tanong ko kay Maika na medyo hinihingal pa. 'Ba naman kasi 2nd floor pa room namin.

"Oo, hahaha easy lang"

Buti naman, kasi kahapon busy ako sa kaka-update nung story ko sa wattpad kaya nakalimutan ko magpabili.

"Maika partner na lang tayo please" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Haha oo na"

Dahil dun nakahinga na din ako ng maluwag. Litsi kinabahan ako dun, kasi panigurado lagot ako nito kay sir kapag wala akong dala.

Hayss nakalimutan ko din pala na Mapeh pala ang first subject namin ngayon. Yun kasi ang nakalagay sa schedule namin.

"Guys lumabas na daw po tayo ng room dahil pupunta po tayo sa gym, pakidala na lang din po yung mga badminton, yun lang po ang sabi ni Sir" Sabay alis ni Joshua na naka-PE uniform. Mukha hindi naman ata niya pinaghandaan yun.

Pagkatapos nun hinila ko na si Maika palabas ng room, kaso nakita ko si Arth na medyo malungkot na nakatingin kay Jennie na kasama ngayon ni Jerome. Ohh!! Si Arth talaga.

"Arth baba na daw tayo, at baka mamaya malusaw na yan si Jennie" Tapik ko sa balikat ni Arth.

"Marvin mauna na ako sa gym ah!" Sigaw ni Maika.

"Oo"

"Hays masyado na akong napaghahalataan" -Arth.

"Okay lang yan, basta wag mo lang ipapahalata kay Jennie"

Pagkatapos nun nagpasya na kaming bumaba at pumunta sa gym. Pagkababa namin nagulat ako ng mag-ring yung phone ko. Pagtingin ko unknown caller, hindi naka-register ang number niya sa phone ko kaya number lang. Bigla naman akong kinabahan nung biglang nag-flashback sa akin yung time na may tumawag din sa akin nun na hindi ko kilala ang number.

Ayaw ko na maulit yun atsaka hindi ko matandaan yung number niya kasi binura ko agad. Siya kaya 'to?

"Marvs ano nangyare? Bakit hindi mo sinasagot yang tumatawag sayo. Kilala mo ba?" Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Arth, nakalimutan ko na kasabay ko pala 'to.

"Ah wala. Punta na tayo gym" Pagkatapos inend-call ko na. Ayokong sirain ang araw ko dahil dito.

Pansin ko lang bakit wala pa sila Alyssa, Julia at Jessica ngayon, asan na yung mga yun. Pagkadating namin sa gym agad ko namang tinanong si Maika. ..

"Maika asan sila Alyssa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko nga din alam eh. Himala nga na hindi sila pumasok, o kaya naman late lang ata sila" Paliwanag niya. Hmmm, siguro na-late lang yun.

Maya-maya pa, pinaliwanag na sa amin ni Sir kung paano ang gagawin. Pagkatapos nun nag-umpisa na kaming mag-badminton. ..

"Mukhang sanay na sanay ka na Maika Ah!" Sabi ko sa kanya.

Ba naman kasi lagi kong hindi nahahabol yung bola, pero si Maika nagagawa niya lagi. Ang galing din niya sa pag-serve.

"Naging hobby ko na kasi 'to, kaya siguro ganun"

Sabagay.

Mga ilang minuto nagpahinga muna kami ni Maika. Umupo muna kami sa bleacher na nasa loob ng gym. Medyo nakakapagod din palang mag-badminton pero si Maika mukhang hindi pa napapagod.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko habang nagpupunas ng pawis.

"Napapagod din unti, pero gusto ko pang mag-laro"

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now