Chapter 21: Street food

3.5K 102 2
                                    

GLAZEL.

"Good morning Jennie" Sabi ko kay Jennie na ngayon ay nakabusangot ang mukha. Hindi ko alam kung bakit ganyan na naman expression ng mukha niya. Ki-aga aga!

"Walang maganda sa umaga Glazel"

"Sayo wala, sa akin meron" Tugon ko.

"Bakit na naman kasi ganyan ang mukha mo ngayon? May nangyari ba?" Tanong ko.

"Glazel natatandaan mo ba yung sabi ko sayo noon na may bagong lilipat sa katabi naming bahay" Sabi niya. "Oh ano meron dun" Sabi ko.

"Sila Jerome yung bagong lipat dun" Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ...

"Oh besss. Destiny na 'to" Sigaw ko sa kanya.

"Anong destiny ka dyan. Pwe walang ganun" Pagmamatigas niya.

"So siya ang dahilan kung bakit ganyan ang mukha mo" Sabi ko.

Tumango na lang siya bilang tugon.

"Hi Crush!" Nagulat kami ni Jennie ng biglang nagsalita si Jerome.

"Crush mo mukha mo. Tse!" Hahahaha ang cute nilang tingnan.

"Crush naman eh, bakit ka ganyan" Nakita ko pang ngumingisi-ngisi si Jerome. Hayss baliw talaga.

"Pwede ba lubayan mo na lang ako. Wala nga akong crush sayo. Bakit ba ang kulit mo? Mahirap ba intindihin yun" Medyo napalakas yung sabi ni Jennie dahilan maagaw niya yung atensyon ng mga kaklase namin.

Dahil sa medyo naiirita na siya sa upuan niya, tinapik ko naman si Jerome at binigyan ng 'Tama-na-looks' pagkatapos nun na-gets naman niya at umupo na katabi si Jennie.

Pagkaupo ni Jerome, agad namang tayo ni Jennie.

"Labas nga muna tayo Glazel. Nasisira lang araw ko dito"

Dahil sa maaga pa naman, sumunod na lang ako sa kanya sa labas.

----------X

JENNIE.

Nakakainis siya. Grabe parang kumukulo yung dugo ko sa kanya. Lecheng lalaking yun. At kung mamalasin ka nga naman kapitbahay pa namin. Lord ito na po ba yung mga kapalit ng mga bad kong ginagawa? Please lord hindi na po mauulit, hindi ko na po aasarin yung ngongo sa may kanto namin basta alisin niyo lang si Jerome o kaya palipatin niyo ng bahay.

"Hoy Jennie, easy ka lang. Masyado kang highblood" Tapik sa akin ni Glazel.

"Anong easy. Isa ka din eh, sinasakyan mo din trip niya, imbes na tulungan mo ako"

"Hahaha sorry na. Ang cute niyo kayang tingnan" Sabay ngisi.

"Anong cute. Kadiri siya!" Sabi ko.

"Anong kadiri ka? Grabe ka, kahit papaano naman naging crush mo siya"

Eew lang talaga. Hindi ko alam kung paano ko naging crush yung baliw na yun. Pero Am beri syur na hindi ko na siya crush ngayon.

Pagkatapos namin makabili ng pagkain sa canteen, bumalik na kami sa room. Oo ganito talaga ako pag naiinis ako, pagkain agad hinahanap ko.

"Kaya ka tumataba eh" Sabi sa akin ni Glazel.

"Oo na" Sabi ko.

Pagkabalik namin sa room wala pa din yung teacher namin. Bakit kaya?

"Arth asan si Ma'am?" Tanong ko kay Arth.

"Ah-eh ano hindi daw siya makakapasok kasi may meeting yung ibang mga teacher" Tugon niya.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now