Chapter 36: Moment of Truth

2.8K 76 1
                                    


Jennie's POV

"Kuya pakisabi kay mama na papasok na ako" Pagpapa-alam ko kay kuya na busy sa cellphone niya.

"O sige bunso ako na bahala"

Naglakad ako palabas ng bahay kaso nagulat ako kung sino yung naghihintay sa labas, si Jerome. Oo si Jerome, ano naman kaya ang pakay nito sa akin.

"Oh?" Bati ko sa kanya at nag-umpisa ng maglakad.

Kita ko naman na parang sumusunod siya sa likod ko.

"Hmm Jennie?" Sabi niya galing sa likod ko.

"Kung may sasabihin ka, sabihin muna" Nakakainis kasi ayaw pang diretsuhin.

"Alam mo na yung tungkol kay Glazel?" Sabi niya.

Nung narinig ko yung pangalan ni Glazel, hindi ko maiwasang malungkot. Oo hindi ako iiyak kasi tapos na ako dyan, nung nakaraan pa ako umiyak at hanggang kahapon, hindi ako pumasok at nagbigay na lang ako ng excuse letter.

"Pasensya na kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol kay Glazel"

Kung nagtataka kayo kung anong nangyari kay Glazel, natatandaan niyo pa ba nung JS Prom namin hindi siya umattend, yun yung araw na nawawala siya at pinaghahanap. Kaya pala hindi siya umattend dahil dun, akala ko kasi nasa ibang table lang siya.

Pero nung kinausap ako ni tita yung mama ni Glazel, hindi ko sinabi ang nalalaman ko kahit may alam ako, masakit man pero kailangan at alam ko unting panahon na lang makikita na namin sila, sana lang buhay pa sila.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating na ako sa room namin, pero buong oras ng paglalakad ko ni hindi ko narinig na nagsalita si Jerome.

"Jennie bakit ka absent kahapon?" Tanong sa akin ni Marvin.

"Ah wala" Ayaw ko munang pag-usapan yun.

"Asan si Glazel?"

Hays sabi ko na nga ba tatanungin niya ito. Pero sasabihin ko pa lang sana ng bigla ng pumasok yung adviser namin sa loob, kaya yun nagmadali na siyang pumunta sa upuan niya.

----- -- ---

Natapos ang apat naming subjects na wala akong ginawa, ni magsulat at makinig hindi ko ginawa, dapat pala hindi na lang ako pumasok.

"Jennie ayos ka lang ba?" Si Jessica naman ang nagtanong.

"Oo bakit?"

"Punta muna tayo sa labas, may pag-uusapan daw tayo nila Arth" Sabi niya sa akin.

Yung balkonahe sa labas ng room namin nagiging meeting place na namin.

Yung tungkol kay Arth, medyo okay na na ako dun, alam ko naman na ginawa niya lang yun dahil sa kaibigan niya din si Samonte. Dahil sa likas na madaldal ako, sa hindi sinasadya nasabi ko kay Alyssa ang tungkol dun.

"Pinapunta ko lang kayo dito kasi .." Sabi ni Arth na bigla naman niyang pinutol. Sa tingin ko parang si Arth yung nagiging leader namin dito, siya yung gumagawa ng paraan para mahanap sila kahit na minsan tumutulong din kami, kaya wala akong dapat ikagalit sa kanya.

Kaso parang nagkaroon lang ng unting ilangan dahil na din dun sa pag-amin niya sa akin. Parang sa tuwing kakausapin niya ako may ilang akong nararamdaman.

"Ano ba yun Arth ituloy muna" Sabi ko.

Lahat naman sila tumingin sa akin na parang nabigla. May nakakabigla ba dun?

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now