Chapter 9: Doppelganger or what?

5.1K 108 2
                                    

JESSICA's POV

Ngayon naniniwala na ako kila Jennie at Marvin. Totoo nga yung sinasabi nila kahapon. "Jessica, halika na sabay na tayong pumasok" Tawag sa akin ni Aira.

"Aira, sabihin kaya natin sa kanila yung tungkol sa nakita natin kagabi"

"Oo kailangan nilang malaman, kaya halika na" Hila sa akin ni Aira palabas ng gate namin.

FLASHBACK ...

"Marvs diretso na kami Aah!" Sabi namin ni Aira sa kanya. "Sigee diretso lang kayo, wag kayong liliko" Hahaha mukhang badtrip talaga eh.

"Aira sabi ko sayo badtrip talaga yun sayo. Ikaw naman kasi eh, nag-uusap pa yung dalawa, ginulo mo" Sabi ko kay Aira.

"Hahaha hayaan mo siya, bukas ko na lang siya kakausapin" Sabi niya sa akin.

Pagkapaalam namin kay Marvs, dumiretso na agad kami, kasi dito daan papunta sa amin, yung kila Marvs kailangan pa niyang lumiko. Medyo mag-gagabi na din, kasi 6:30 na pagtingin ko sa phone ko.

"Jessica ano kayang pinag-usapan nung dalawa na yun? Na-cucurious ako, ang seryoso kasi nila eh" Sabi ni Aira sa akin. "Aira kailan ka pa naging pakielemera?" Tanong ko.

"Pag-curious nangingielam na agad. Hayss bukas na nga lang, si Glazel na lang tatanungin ko"

Dahil sa medyo maggagabi na, binilisan na lang namin yung lakad, kasi lagot ako nito kay mama, kahit kasama ko pa 'to si Aira. Habang papalapit kami sa may gate ng bahay namin, may nakita kaming babae na nag-aabang sa labas ng bahay namin.

"Aira sino yan?" Tanong ko kay Aira. "Ako pa talaga tinanong mo? Malay ko"

Hindi namin maaninag yung mukha kasi nakayuko siya na katulad sa mga batang umiiyak. "Jessica lapitan mo! Dalii!" Sabay tulak sa akin. Sigee Aira napaka-supportive mong pinsan.

"Miss, sino ka? Bakit andyan kayo sa may gate namin? Mawalang-galang na kasi kailangan na naming pumasok eh, hindi kami makadaan dahil sayo" Sabi ko sa babaeng nasa harap ng gate namin.

Pagkasabi ko naman nun, bigla siyang tumingala sa akin, at parang nakipag-eye contact, feeling ko na-hypnotize niya ata ako at hindi ko maialis ang mata ko sa mata niyang nanlilisik sa akin.

Ilang minuto din akong nakatulala nun at nakatingin sa kanya. Bakit siya nandito? "Uy Jessica, ano ba yan? Bilisan mo" Sigaw ni Aira sa likod ko.

Maya-maya pa biglang tumakbo si Samonte sa loob ng bahay namin. Oo si Samonte yung nakita ko, bakit siya andito? Bakit ganun itsura niya? May nangyari ba sa kanya?

"Aira halika, samahan mo 'ko sa loob ng bahay, si Samonte yung nakita ko, bigla siyang tumakbo sa loob"

"Huh? Si Samonte? Panong? ..." Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at dali-dali ko siyang hinila papasok sa bahay. Hinanap namin si Samonte, pero hindi namin siya makita.

"Jessica, sure ka bang si Samonte yun? Itsura pa lang nun, parang hindi na si Samonte eh!" Sabi sa akin ni Aira. "Sure akong siya yun, nakipag eye-contact pa nga eh" Sabi ko, habang hinihingal. Tumakbo ba naman kami papasok.

"Wait lang Jessica, baka yung nakita mo ay yung nanggagaya kay Samonte. Ano ba tawag dun? Doppelganger?" Sabi ni Aira.

"Siguro nga, so totoo yung sinasabi ni Alyssa na may nakita siyang kahawig ni Samonte sa loob ng bahay nila pati na din si Jennie"

"Oo, siguro" Sabi ni Aira.

Habang kinukwento kasi nila yun kanina, medyo hindi ako naniniwala, kasi sabi ko kapag nagpakita lang sa akin dun lang ako maniniwala. So totoo nga yung may nanggagaya kay Samonte. Ang pinagtataka ko, bakit sa aming magkakaibigan lang?

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now