Chapter 11: Continuation ..

4.1K 91 6
                                    

GLAZEL's POV

"Glazel bilisan mo dyan, may naghihintay sayo dito. Classmate mo daw!" Sigaw sa akin ni mama galing sa sala namin.

Actually andito ako sa may kwarto ko, nag-aayos pa lang ng buhok. Classmate? Baka si Jennie lang yan. Si mama talaga makakalimutin.

"Wait lang Ma! Sino ba yan?" Tanong ko kay mama, habang nag-aayos dito sa kwarto ko.

"Marvin daw! Classmate mo nga, dalian mo dyan"

Marvin? Ano ginagawa niya dito. "Saglit lang daw Ma!"

Dali-dali ko naman inayos yung mga gamit ko sa bag pagkatapos dumiretso na ako sa may sala. Ano kaya kailangan ni Marvin sa akin.

"Uy Glazel sabay na tayo pumasok, may itatanong lang kasi ako sayo eh!" Sabi niya, sabay tayo sa sofa namin.

Ano naman kaya itatanong niya sa akin. "Ma alis na kami" Paalam ko kay mama. "Sigee mag-ingat kayo!"

-

Habang naglalakad kami papuntang school, napansin ko na bigla siyang tumahimik. Akala ko ba may itatanong siya.

"Marvs ano ba itatanong mo?" Tanong ko sa kanya.

"Glazel, tungkol doon sa napagusapan natin noong nakaraang araw. Yung dapat sasabihin mo kaso hindi natuloy dahil kila Aira"

Aah yun ba. Hindi niya pa din pala niya nakakalimutan yun.

"Saan na ba tayo nun? Medyo nakalimutan ko na eh" Tanong ko sa kanya.

"Dun na tayo sa may part na nakita mo si Samonte na lumabas dun sa 'bahay' na tinuluyan natin sa PARANG"

Akala ko nakalimutan na niya, hindi pa pala. Bakit kaya gusto niyang malaman.

"Sige. Noong gabing kasing yun, nung natutulog tayo sa may 'bahay' na tinuluyan natin. Nagising ako nun at nakita ko si Samonte na lumabas ng bahay, dahil sa tulog naman kayong lahat, hindi ko na kayo ginising at sinundan ko si Samonte sa labas mag-isa, habang sinusundan ko siya nun, nagulat ako kasi ang direksyon niya ay papunta kung saan nandoon yung tangke. Nagulat din ako nun kasi hindi ko naman inaasahan na malalaman niya na sinusundan ko siya" Paliwanag ko sa kanya.

"Yung sinabi mong hindi mo alam kung pano nahulog sila Justin at Lloyd sa malaking butas at sinabi mo din na siguro tulad din ng nangyari sayo, kung paano ka nahulog doon" Sabi naman niya.

"Yun nga, dahil sa nalaman niya na sinusundan ko siya, pinalapit niya ako sa kung saan siya nakapwesto. At laking gulat ko ng makita ko ulit yung malaking butas na kung saan doon natagpuan ang bangkay ng kapatid ko. Ang alam ko kasi wala na yung malaking butas na yun eh, hindi ko alam kung paano napunta yun doon ulit" Sabi ko.

"Tama ka. Noong pumunta tayo doon, hindi ko napansin yun. Kaya nga nagulat ako kung paano nagkaroon ng malaking butas dun"

Bakit ganito parang nasasaktan na naman ako pagna-aalala ko yung sa kapatid ko. Dapat nakamove-on na ako eh. Takteng yan.

"At alam kong masakit sayo na alalahanin ulit yun Glazel, pero kailangan ko talaga malaman lahat ng nangyari sa inyo noon. Pasensya na talaga" Sabi niya na parang nag-aalala.

"Hindi okay lang, wag kang humingi ng pasensya" Sabi ko sa kanya, para naman hindi siya mag-alala.

"Yun nga, nang makalapit ako kung saan siya nakapwesto, nagulat ako ng bigla niya akong itinulak sa malaking butas na yun. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nun, at lalo ko pang ikinagulat ng makita ko sila Justin at Lloyd na nandun din. Bigla naman kaming sinabihan ni Samonte na if ever na makita niyo kami, wag na wag daw kaming magtatangkang magsumbong sa inyo, dahil papatayin nya daw tayong lahat, pero hindi pa daw ngayon, sa tamang oras at sa tamang panahon"

PARANG (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें