Chapter 8: Saying the truth

5.6K 120 8
                                    

"Sayo din Alyssa!?" Sabi ni Jennie kay Alyssa.

Sa ngayon unti lang ang nagsipunta, yung iba hindi daw makakapunta, busy. Sa ngayon kami lang ang nandito si Arth, Justin, Glazel, Lloyd, Jennie, Alyssa, Jessica, Aira. Andito kami sa may covered court ng school namin.

"Oo Jennie, actually kanina lang yun, kaya nga dali-dali akong pumunta dito eh sa sobrang takot ko" Sabi ni Alyssa kay Jennie.

"Tsk! Tinatakot niyo lang sarili nyo, bakit sa amin hindi naman nagpapakita yung nanggagaya kay Samonte, ano ba tawag dun? Doppelganger?" Sabi ni Lloyd.

"Ewan ko sa sa'yo Lloyd, basta sa akin kani-kanilang, natatakot na tuloy ako umuwi. Wala pa akong kasama sa bahay, mamaya pa uuwi yun" Sabi naman ni Alyssa kay Lloyd.

"Alam niyo, feeling ko lang Aah! Parang may conncection tayo sa lugar na yun. Kita niyo, nung napunta lang tayo doon, kung ano-ano na nakikita natin. Kahit sa panaginip ko din kanina" Sabi ni Jennie.

"Sa akin din kagabi eh, sa panaginip ko nandun na naman ako ulit sa PARANG at balak nyo akong patayin" Turo ko kila Alyssa, Jennie, Jessica.

Nagulat na lang kami ng tumawa ng malupit si Jessica. (*Oo, malupit. Hahaha)

"Hahahahahahaha, nakakatawa ka, kung balak ka namin patayin Marvs, matagal na" Sabi ni Jessica, habang tumatawa.

"Pero seryoso Marvs, hindi namin magagawa yun sayo" Sabi ni Jennie. Buti pa 'to si Jennie may concern sa akin.

"Alam ko naman yun eh, diba sabi mo Jennie ikaw din?" Tanong ko kay Jennie.

"Oo kaso dun naman, nakita ko si Glazel na nakabulagta dun sa may ilog"

"Pano nagkaroon ng ilog sa panaginip mo, diba walang ilog dun nung pinuntahan natin" Singit ni Arth (*Yieee Arnie Teliaga. Hahaha)

"Yun nga din pinagtataka ko eh" Sabi ni Jennie kay Arth.

Habang kami dito nagkukwentuhan, lahat naman sila nakikinig lang sa amin. Kahit hindi nila ipahalata, kita mo naman na natatakot na din sila.

Pansin ko lang bakit doon nakaupo si Glazel, imbis na dito malapit sa amin at ang tahimik din niya, kanina pa siya walang reaction. Mapuntahan nga "Glazel okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Iniwan ko muna silang nag-uusap doon at pumunta ako kung saan nakaupo si Glazel, kailangan ko siyang kausapin, mukhang may problema siya eh.

"Aah, wala. Bakit may kailangan ka?" Tanong niya din sa akin. "Huwag mo nga akong lokohin alam kong may problema ka, ano nga yun?"

"Wala akong problema. Pero may sasabihin ako, sayo ko lang 'to sasabihin, na kahit kay Jennie hindi ko pa 'to nasasabi" Sabi niya. "Sigee, tungkol saan ba yan?"

"Tungkol sa kapatid ko at sa PARANG" Nung binanggit niya yung PARANG, parang bigla akong kinabahan sa sasabihin niya. Kapatid? Alam ko wala siyang kapatid eh.

"Sigee, makikinig ako sa'yo" Sabi ko.

"Halos lahat naman kayo alam na wala akong kapatid at walang nakaka-alam kahit sino man na mayroon akong kapatid, maliban kay Jennie at sayo, syempre at sa pamilya ko. Oo alam ni Jennie na may kapatid ako, pero hindi niya alam kung paano namatay ang kapatid ko" Patay na kapatid niya. "Ikaw pa lang ang makaka-alam. Kung anong meron sa PARANG dun lang naman siya pinatay. Kaya nung una nating punta dun, ayaw kong pumunta ay dahil sa ayaw ko ng maalala ang tungkol sa kapatid ko ...." Kaya pala parang kakaiba yung kinikilos niya that time.

"Sorry Glazel, hindi ko naman alam eh, ako talaga may kasalanan, kasi ako yung nag-yaya sayo" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na lang siya niyaya. Pasensya na.

PARANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon