Chapter 25: Red Note

3K 97 3
                                    


MARVIN.

"Ma alis na po ako" Pagpapa-alam ko kay mama na nasa kusina ngayon.

"At saan ka na naman pupunta?"

"Practice po namin" Pagsisinungaling ko.

Sa katanuyan pupunta talaga ako sa bahay nila Julia ngayon, kailangan naming puntahan sila Alyssa at Jessica dun.

"Maika asan ka na?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Papunta na ako sa school" Sabi niya. Pagtapos nun inend ko na yung call at tumungo na ako sa school. Dun kasi ang usapan namin eh.

Pagpunta ko dun, nakita ko na agad si Maika.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi kakarating ko lang. Halika na"

Pagkasakay namin ng Jeep ni Maika, agad ko namang tinawagan yung number na ginamit ni Alyssa kanina.

"Marvin asan na kayo?" Tanong ni Jessica.

"Papunta pa lang, hintayin niyo lang kami"

Tumawag lang ako para ipaalam na papunta pa lang kami. Kasi baka mamaya isipin nun wala kaming balak pumunta dun.

Pagka-para namin ng Jeep agad naming pinuntahan yung bahay nila Julia, pagkapunta namin bumungad sa amin yung aso nila Julia na si Shawty.

"Kaibigan din ba kayo ni Julia?" Tanong nung lolo na nasa may gate lang ng bahay nila Julia. Siguro lolo niya 'to.

"Opo" Sagot ni Maika.

Pagkatapos hinawakan nung lolo si Shawty para makadaan kami. Pagkadaan namin agad namang bumungad sa amin ang malungkot na mukha nila Alyssa at Jessica. Isama mo na din yung mga magulang ni Julia.

"Maika, Marvin" Sabay na tumayo sila Jessica at Alyssa at niyakap kami.

"Magiging okay din ang lahat" Bulong ni Maika kay Alyssa habang nakayakap dito.

"Maupo muna kayo" Sabi sa amin ng mama ni Julia.

"Ano po bang nangyari sa kanya?" Tanong ko.

"Hindi namin alam kung anong meron sa kanya kung bakit siya nagkaka-ganun kagabi bago siya mawala. Kayo ang tinawagan namin kasi alam namin na sobrang malapit kayo sa anak namin kesa sa amin" Paliwanag nung mama ni Julia.

"Ano pong ibig sabihin niyo?" Tanong ni Maika.

"Malayo kasi ang loob ni Julia sa mga magulang niya. Ni hindi daw nagsasabi si Julia sa kanila ng mga nangyayari sa buhay nito. Kaya tayo ang tinawagan nila kasi alam nila na kahit papaano nagkukwento sa atin si Julia" Paliwanag ni Jessica kay Maika.

Maya-maya may inabot sa amin ang papa ni Julia na isang papel at sa tingin ko isa 'tong letter. Ano naman kayang meron dito?

"Bakit niyo po 'to binibigay? Ano po bang meron dito?" Takang tanong ko.

"Basahin niyo" Utos sa amin ng papa niya.

Agad naman naming binuksan yung letter, at nagulat kami sa laman nun. May nakasulat dun na hindi ganun kaayos na sulat pero naiintindihan pa din kung iintindihin mo. May nakasulat na salitang 'TULUNGAN NIYO AKO!' na nakasulat sa malalaking letra. At sa huli ng salita may nakasulat dun na 'mahal na mahal ko po kayo mama at papa'

At dun na din nagsimulang umiyak ang mama ni Julia habang pinapatahan ng papa niya ito.

"Umaasa kami na kahit papaano meron kayong alam. Nag-report na din kami sa police at sinabi nila na hindi daw muna nila pwedeng i-consider na nawawala siya hangga't hindi nag-24 hours since kagabi lang siya nawawala" Paliwanag nung papa niya sa amin.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now