Chapter 30: True or False

3K 88 1
                                    


Maika's POV

Isang linggo na ang nakalipas ng mabalitaan namin ang pagkawala ni Julia, ganun din ang kay Aira. Hanggang ngayon nasa akin pa din yung red note na ibinigay ni Carla sa amin nung time na yun.

Nung oras nga nun hindi ako makapaniwala kung paano nalaman ni Carla ang tungkol dun sa pulang papel.

Ang pagkaka-alam ko kasi hindi kami nagku-kwento sa kanya. Kaibigan namin siya pero hindi namin siya ganun ka-close, pero masasabi kong slight lang.

"Maika!" Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko galing sa likod ko. Pagtingin ko si Marvin lang pala. "Uy!" Sabi ko.

"Dalian na natin baka ma-late pa tayo. Akala ko ako na lang yung late, hindi pa pala" Sabi niya.

Tiningnan ko naman yung orasan ko. 5:45 na pala, ilang minuto na lang magsisimula na din ang klase namin.

Nang malapit na kami sa gate ng school namin, nakita naman namin sila Jennie at Glazel na magkasabay.

"Late din kayo?" Sabi ni Glazel sa amin.

"Hindi naman!" Sabi ni Marvin.

Oo nga, may 15 mins pa naman eh.

"Bakit ba tayo nag-uusap dito sa labas, halika na nga sa room, doon na lang tayo magusap-usap" Sabi ni Jennie.

Oo nga naman may point siya.

Pagkapasok namin ng gate, nagulat kami kung bakit andito yung mama ni Joshua at Justin habang kinakausap si Ma'am. Habang papalapit kami sa kanila, nakaramdam naman ako ng kaba.

"May nangyari ba?" Tanong sa akin ni Jennie na katabi ko ngayon.

"Hindi ko alam" Tugon ko.

"Miss Cordero at Miss Visleño andito na po pala ang mga kaibigan ng anak niyo. Siguro mas mabuting kausapin niyo din sila sa nangyari at baka may nalalaman din sila sa pagkawala nila Joshua at Justin"

Halos mahulog ang panga ko sa sinabi ni Ma'am. ANO???!!!

"Anong nawawala? Nawawala po sila Joshua at Justin?" Tanong ni Marvin.

"Oo" Sabi ng mama ni Joshua.

"Pero paano po nangyari yun?" .. Tanong ni Glazel.

Kahit may alam kami sa mga pagkawala nila, hindi namin pwedeng sabihin yun. Kasi sigurado naman kami na hindi din sila maniniwala kaya mabuting kami na lang ang kumilos.

"Ilang araw na silang nawawala. Atsaka akala ko si Justin lang ang nawawala, si Joshua din pala" Sabay tingin ng mama ni Justin sa mama ni Joshua.

Halata naman ang lungkot sa mukha nila, pero pasensya na po hindi namin pwedeng sabihin.

"Kung tatanungin niyo po kami tungkol sa pagkawala nila, wala po kaming alam. Pero wag po kayong mag-alala tutulong po kami sa paghahanap" Sabi ko.

Tumingin ako kila Marvin, Glazel, at Jennie pagkatapos kong sabihin yun. At mukhang na-intindihan naman nila ..

Glazel's POV

"Paano na 'to?" Tanong ni Lloyd sa amin.

Sa katanuyan nasa balkonahe kami at nakaupo ng palibot habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa kanila. Hindi na kami nag breaktime dahil dito.

"Sa tingin ko hindi na lang 'to nagkataon, talagang may balak siyang ubusin tayo" Sabi ni Arth.

"Alam kong hindi magandang tanong 'to, pero .. Buhay pa kaya sila ngayon?" Nagulat kami sa tanong ni Alyssa.

PARANG (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang