Chapter 12: Teacher's POV

4K 92 2
                                    

THE TEACHER's

"Ma'am!" Ay pusang kalabaw. Sino ba yung kumalabit sa akin?

"Ayy grabe naman po kayo Manong Janitor, ginulat niyo po ako" Sabi ko sa kanya, habang nakahawak pa sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

Si manong Janitor lang naman pala, akala ko kung sino. Kilala naman niya ako at kilala ko rin naman siya. Kaya walang problema.

"Ma'am pasensya na po. Tanong ko lang po na kayo diba yung teacher nila" Sabay turo malapit sa room namin" .. "tingnan nyo po yung mga estudyante nyo sa may taas, parang may kinakausap?" Turo sa akin ni Manong Janitor.

Dahil sa maaga pa, para magturo. Kailangan ko munang ipa-photocopy 'tong activity nila para mamaya. Kaso napunta ang atensyon ko kila Glazel at Marvin na parang may kinakausap sa taas.

"Oo nga po eh. Hindi ko din po alam kung bakit ganyan kinikilos nila. Pero feeling ko, hindi pa din sila nakaka-moveon sa pagkawala ng kanilang kaibigan" Sabi ko kay manong janitor.

"Siguro po. Siguro mahal na mahal nila yung kaibigan nila na yun at hanggang ngayon hindi pa din nila tanggap na wala na ito"

Madalas na napapansin ko sila na ganyan, na parang may kinakausap kahit na wala naman. Kahit yung sarili nilang kaklase natatakot na din sa kanila.

FLASHBACK ...

Habang nage-encode ako ng grade nila dito sa faculty. Bigla namang lumapit sa akin si Andrei, dahil may sasabihin daw siya sa akin.

"Ano yun Andrei?" Tanong ko sa kanya.

"Ma'am natatakot na po kami kila Marvin. Kasi po minsan pag nakikita namin sila, parang may kinakausap sila na hindi po namin nakikita. Minsan po sila Alyssa, Justin, Lloyd, Petil" Sabi niya sa akin na parang natatakot talaga.

Ako din minsan, napapansin ko sila. Lalo na habang nagtuturo ako.

"Wag kayong mag-alala, kakausapin ko sila. Sige bumalik ka na sa room niyo" Utos ko sa kanya.

Siguro kailangan ko silang kausapin kasi hindi na normal ang ginagawa nila.

END OF FLASHBACK

Siguro kailangan ko na silang kausapin, kasi kakaiba na kinikilos nila. Noon hinahayaan ko lang sila, kasi alam kong masakit pa rin sa kanila ang pagkawala ng isa nilang kaibigan. Feeling ko hindi pa rin sila nakakamove-on sa pangyayaring yun. Pero hindi na tama na yung nangyayari sa kanila, pati classmate nila natatakot na din sa kanila.

MARVIN's POV

"Glazel sure ka bang siya talaga" Tanong ko sa kanya, habang hinahanap namin si Samonte.

Oo si Samonte yung pumasok agad sa isip namin na pwedeng maglagay ng kutsilyo sa bag namin ni Glazel.

"Posibleng siya Marvs, diba kanina habang akbay-akbay niya tayo. Feeling ko dun niya pinapasok yung kutsilyo sa loob ng bag natin"

"Eh bakit parang hindi ko naman naramdaman" Hindi ko talaga naramdaman na may nilalagay siya sa bag ko. Ang galing naman niya ata.

"Ako din naman eh. Kaya siguro niya nilagay yun, para mapahamak tayo. Diba nga, gusto niya tayong patayin. Siguro gumagawa na siya ng hakbang. Kailangan na natin siyang unahan kasi baka mamaya, isa sa atin yung gawan niya ng masama" Sabi ni Glazel sa akin.

Pero nagtataka ako, eh kung siya naglagay ng kutsilyo sa bag naming dalawa, bakit hindi nakita yun ng guard. Eh habang naglalakad kami may guard naman malapit sa may gate, dapat nakita niya yun habang ginagawa yun ni Samonte.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now