Chapter 38: The Truths Behind My Dream

2.9K 79 0
                                    


Marvin's Point Of View.

Pumasok ako sa bahay namin na hindi ako nagawa ng kahit anumang ingay, dahil baka magising sila mama at papa. Geez sana makapasok ako sa kwarto ko ng hindi ko sila nagigising.

"Saan ka galing kuya?" Nagulat ako ng magsalita yung kapatid ko.

"May binili lang sa labas. At bakit mo naman tinatanong sa akin yan? Gabi na gising ka pa" Sabi ko sa kanya.

Pagkatapos nun dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga na.

Hays ang dami ko talagang iniisip ngayon, yung mga assignment namin hindi ko na din nagagawa ng dahil dito. Tapos puro bakante na yung upuan sa room namin, hindi naman namin masabi sa kanila yung nangyayari.

Kailan ba 'to matatapos? Pagod na pagod na ako, kami.

Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na napansin na huwebes na pala ngayon at bukas biyernes na. Wait biyernes na bukas?

Bukas din kasi kami pupunta sa PARANG at biyernes din nung huli kaming pumunta sa PARANG. Hays ano ba 'tong nangayayari, baka coincidence lang.

Makatulog na nga.

----- -- ---

Sandali lang, asan ako ngayon?

Nilibot ko yung tingin ko sa buong paligid at napagtanto ko na ito yung school. Yung PARANG NATIONAL HIGHSCHOOL.

Nagtataka ako kung bakit nandito na naman ako hanggang sa nakita ko ang sarili kong nagtatago sa may damuhan malapit sa may Guard House.

Ito yung pangyayari kung saan iniwan nila si Sophie.

Nakita ko naman yung sarili ko na nakatingin dun kay Manong Guard at dun sa Principal. Nagtataka ako kung bakit kailangan ko pa 'to makita, at bakit napapanuod ko ang sarili ko. Ang weird talaga ng mga nakikita ko.

Hanggang sa lumabas na yung Principal, at nakita ko yung sarili ko na tumayo at kinausap si Manong Guard. Hanggang ngayon nandito pa din ako nagtatago kasi baka mamaya makita nila akong dalawa, yung sarili ko at yung Guard.

"O andito ka pa din?" Tanong nung Guard dun sa sarili kong tumayo.

"Ah opo. Hihi" Yun na lang yung nasabi ng sarili ko.

Hindi ko alam pero parang mababaliw na ako sa nakikita ko. Feeling ko para akong nagtime-travel na hindi ko maipaliwanag.

"Dad palabasin mo ako dito" Dinig kong sigaw ni Sophie sa loob ng Guidance Office.

Dahil dun napatingin yung sarili ko sa kinalalagyan ni Sophie, at agad niya itong pinuntahan. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari dito, ito yung tatawagin ko siya na hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa yun, kasi parang may kakaiba.

Lumapit ako doon para makita ko ang sarili ko. Pakiramdam ko talaga may kakaiba dito eh. At buti na lang may halaman na nakaharang dito kaya hindi ako makikita ng sarili ko.

Kaso nagulat ako ng may usok na lumitaw sa may likuran ko, I mean dun sa sarili ko. May binulong siya, ang sabi niya tawagin ko ang pangalan ni Sophie.

Para siyang devil na aswang na ewan ko kung anong itsura kasi sobrang nakakatakot yung mukha, at maya-maya pa nawala na lang bigla yung usok pati yung bumulong sa sarili ko. Hays naguguluhan na ako.

"Sophie?" Tawag nung sarili ko malapit sa may pintuan.

Now I know kung bakit may kakaiba at bakit nakaramdam ako ng kakaiba nung time na yun, kung bakit ko ba natawag yung name ni Sophie sa di malamang dahilan.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now