Chapter 6: Nightmare?

5.3K 126 8
                                    



"Kasi Marvs..."

Ano ba yan ang tagal naman sabihin ni Justin.

"Justin kung may sasabihin ka, sabihin muna! Ano ba yun? Tungkol ba yan kanina?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

"Ahh! Wag na pala, nevermind."

Okay pa-mysterious type ka pa Justin.

"Aish, bahala ka nga." Medyo nairita ako, akala ko pa naman kung ano na.

"Sige matulog ka na. Matutulog na din ako."

Andami niyang alam. Wala naman palang sasabihin. Pero bakit feeling ko may gusto talaga siyang sabihin. Parang may pumipigil lang sa kanya na sabihin ito.

Tapos yung malaking butas talaga sa PARANG kanina. Sure akong wala talaga yun don. At ang ipinagtataka ko kung bakit don nahulog sila Justin, eh obvious naman na kapag nakita mo yon syempre hihinto ka na at hindi ka na tutuloy. Matalino naman sila para hindi na mahulog don kung nakita man nila.

At saka ang dali lang makita non. Sa laki ba naman ng butas na yon. Malayo pa lang kami pero tanaw na ni Alyssa yung butas, at hindi din malabo na makita din namin yon. Aish, makatulog na nga. Bukas ko na lang isipin yun, sa ngayon kailangan ko munang matulog at makapagpahinga.

----- --- --

"MARVS TULUNGAN MO KAMI! Please!" Sigaw ni Aira sa akin.

Wait, ano 'to? Anong lugar 'to? Nasa PARANG ba kami?

"MARVSSS TULUNGAN MO KAMI!"

Natauhan ako bigla dahil sa malakas na sigaw ni Aira. Napatingin ako sa direksyon nila at nakita silang lumulubog sa may kumunoy kasama sila Alyssa, Jessica at Jennie. Kalahati na ng katawan nila yung nakalubog.

"Wait .." Sabi ko at tumakbo papalapit sa kanila. Medyo natataranta na rin ako. Sa ngayon huwag ko munang isipin kung paano kami nakapunta dito, ang importante ay mailigtas ko sila. Pero bakit kami lang ang nandito. Nasaan yung iba?

Nagmasid ako sa buong paligid hanggang sa may nakita akong kahoy na mahaba sa 'di kalayuan. Hindi na ako nagpaligoy at pumunta na ako doon para kunin yon. Ito lang ang naiisip kong paraan para mahila ko sila sa kumunoy.

"Guys kumapit lang kayo dito." Sabi ko sabay bigay ng mahabang kahoy. "Hihilain ko kayo pataas." Agad silang kumapit don sa kahoy na hawak ko bago pa sila lumubog. Buti na lang, medyo malambot pa yung putik kaya naiahon ko sila don.

Pagka-ahon ko sa kanila sa kumunoy, agad ko silang tinanong. "Guys okay lang ba kayo?" Kaso laking gulat ko sa mga kinikilos nila ngayon. Anong nangyari sa kanila?

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tawa lang sila ng tawa na parang nababaliw habang nakatalikod pa rin akin.

"Guys ano ba! Natatakot na ako. Umayos nga kayo." Oo seryoso natatakot na talaga ako sa ginagawa nila. Hindi ko sila makausap ng maayos.

"ANG TANGA MO NAMAN. AT HINDI LANG YUN ANG BAIT MO PA. NAGAWA MO PA TALAGA KAMING ILIGTAS." Sabi ni Aira habang nagpapagpag ng palda niya. Pero hanggang ngayon nakatalikod pa rin silang tatlo sa akin.

"Kailangan ko talaga kayong iligtas kasi kaibigan ko kayo. Ano ba!" Nakaramdam ako na parang may kakaiba sa lugar na 'to. Hindi ganito yung pakiramdam ko nung huling punta namin dito. May kakaiba dito.

"HAHAHAHA YUN NA NGA EH." Pagkasabi nila non. Agad naman silang humarap sa akin, NA MAY DALANG KUTSILYO! The Fvck ano 'to?

"Guys ano 'to?" Tarantang sabi ko habang paatras ng paatras.

"HAHAHAHA WALA KA BANG HULING SASABIHIN BAGO KA NAMIN PATAYIN MARVS." Shit! anong nangyayari sa kanila.

Sa kaka-atras ko, nagulat na lang ako ng may bangin na pala sa likod ko. Pero paano nagkaroon ng bangin dito sa PARANG? Hindi na ako pinapatahimik ng lugar na 'to ah!

Maya-maya pa bigla na lang silang tumalon sa harap ko na may hawak pa rin na kutsilyo. Hindi ko na din nagawang makakilos gawa ng sobrang takot ko.

Napapikit na lang ako at hinihintay na lamang na tumama yung kutsilyo sa katawan ko. Pero bakit ganun? Parang wala ni isa ang tumatama sa katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata ko...

----- --- --

Halos mapabangon ako sa higaan ko dahil don. Panaginip lang pala. Halos hindi ako makahinga dahil pawis na pawis ako na parang totoo yung nangyari. Pagtingin ko sa orasan sa kwarto ko, 2:30AM na pala ng madaling araw.

Sandali, sabi sa nabasa ko sa Facebook dati kapag daw nagising ka ng around 2:00-3:00 AM ng madaling araw, isa lang ibig sabihin non. May nakatingin daw sayo.

Bigla namang nagsitaasan yung mga balahino ko sa kamay habang tinitingnan ko ang paligid ng kwarto ko. Naramdaman ko din ang biglaang paglamig ng hangin na nanggagaling sa may bintana ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit.

Dali-dali akong nagtakip ng kumot ko. Ako pa naman mag-isa dito. Nandoon kasi silang lahat sa kabilang kwarto. Kaso bigla akong napaisip kung bakit napunta na naman ako sa PARANG kanina. Kahit alam kong panaginip yon, pakiramdam ko totoo talaga eh.

Nagulat na lang ako ng biglang may tumulong dugo sa may kamay ko na nanggagaling sa mata ko. Ano 'to? Umiiyak ba ako ng dugo.

Dali-dali kong tinanggal yung kumot sa katawan ko sabay hawak sa mata ko na patuloy pa rin sa pag-dugo. Kaso habang pinupunasan ko yung dugo, eh halos manlaki yung mata ko ng mapatingin ako dulo ng kama ko. May nakita ako doong nakaupo. Nanlilisik yung mga mata niya habang nakatingin sa akin. Wahhhhhh!!

----- --- --

Holy shit, ano yon? Panaginip na naman ba? Pagtingin ko sa orasan ko 5:00AM na ng umaga. Mag-uumaga na din pala eh, so panaginip lang talaga yun lahat. Pinagmasdan ko yung paligid ng kwarto ko, pero wala namang kakaiba.

Tiningnan ko din yung sa dulo ng kama ko kung may nakatingin ba talaga. Pero wala akong nakita. Panaginip lang talaga.

Bigla na lang ako napahawak sa mata ko, chinicheck ko kung dumudugo ba talaga. Hindi siya dumudugo, so panaginip lang talaga siya.

Kahit alam kong panaginip lang yun, pakiramdam ko totoo talaga yun. Lalo na yung kila Aira, hindi ko inimagine na magagawa nila sa akin yun, KAIBIGAN ko kaya sila. Pero isa lang yung nasa isip ko ngayon, kailangan ko sila makitang lahat.

Dali-dali ko namang dinial yung phone number ni Jennie sa phone ko. Wala pang 1 minuto, sinagot din naman niya ito.

"Marvss, buti tumawag ka!" Feeling ko, takot na takot si Jennie ngayon.

"Bakit may nangyari ba?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Kasi kanina, parang totoo ..."

"Napanaginipan mo din ba?" Parang alam ko na kung anong isasagot niya.

"Oo Marvs, natatakot ako, parang totoo kasi siya eh, kahit na panaginip lang. Bakit napanaginipan mo din ba?"

"Oo eh. Wait sabihin mo sa kanila na magkita-kita tayo mamaya sa may tapat ng school, kailangan nating mag-usap lahat"

"Okay sigee, bye!" Pagkatapos inend na nya yung call ko.

Kailangan ko silang makausap tungkol dito.

Itutuloy...

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now