Chapter 16: Conversation (2)

3.9K 133 10
                                    

BOBBY.

Gaya nga ng sabi ko kahapon sa kanila. Papasok ako ngayong araw.

Pero bago ako pumasok dumaan muna ako sa burol ng kaibigan ko. Nalaman ko din na bukas na pala siya ililibing. Sabi sa akin ni tita.

Atsaka bukas din pala, baka siguro aabsent na naman ako. Syempre libing na ng bestfriend ko. Kailangan andun ako.

"Uy Bobby himala pumasok ka ngayon? Ang tagal mo kasi umabsent eh" Ganda naman ng bati sa akin ni Andrei.

"Ah may inasikaso lang. Pero okay na ako" Sabi ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun, dumiretso na ako sa loob ng classroom. Feeling ko andaming nagbago dito.

Well ilang araw ba naman kasi akong umabsent.

Andito lang ako sa upuan ko, hinihintay yung ibang kaklase ko. Sila Marvin pati yung iba pa. Unti pa lang kasi kami dito.

Atsaka napaaga kasi yung pasok ko. Pero may excuse letter naman ako kung bakit ako lumiban ng ilang araw.

Habang nagmumu-muni ako dito malapit sa bintana ng room namin. Napansin ko lang yung langit, parang ang sarap titigan kasi ang payapa ng itsura.

Sabayan mo pa ng medyo malamig na hangin na nanggagaling sa bintana. Mahangin dito kasi nasa 2nd floor yung room namin. Kaya ganun.

Habang nagmumuni-muni ako dito. Bigla na lang akong napatingin sa baba. Nagulat ako kasi nakita ko si Samonte na nakatingin din sa akin sa baba.

Pagkakita ko sa kanya. Parang gusto ko siyang lapitan. Kaso nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko.

"Uy Bobby okay ka lang? Parang kang nagulat sa nakita mo diyan ah!" Si Lloyd pala.

Pagkatapik ni Lloyd sa akin. Bigla akong napatingin sa kanya. Wala lang tiningnan ko lang siya pagkatapos binalik ko ulit yung tingin ko kung saan ko nakita si Samonte.

Kaso pagtingin ko wala na siya. Siguro guni-guni ko lang yun.

"Ah wala lang. May naalala lang ako" Sabi ko kay Lloyd para hindi na din siya mag-isip ng kung ano-ano.

"Ganyan talaga yun akala mo mahal ka niya per--" Pinutol ko yung sasabihin niya kasi alam kung huhugot na naman siya.

Medyo na-miss ko din 'to si Lloyd.

"Lloyd tumigil ka na. Huhugot ka na naman" Tapos nagtawanan na lang kami.

Maya-maya pa dumadami na din yung tao sa room. Nakita ko na din sila Aira tsaka Jessica. Himala ata na maaga sila ngayon. Haha!

"Uy aga niyo atang dalawa? Himala ah" Bati ko sa kanila.

"Uy Bobby na-miss ka namin" Sabay yakap sa akin ng dalawa.

Grabe para namang isang buwan akong nawala, eh ilang araw lang naman.

"Uy hindi na ako makahinga. Enough na" Sabi ko sa kanila. Medyo na-miss ko din sila.

"Haha na-miss ko din naman kayo"

Maya-maya pa dumating na din sila Alyssa, Julia, Joshua, Justin, Jennie, then Arth. Syempre sila Marvin, Glazel at Maika din.

Yess kumpleto na yung gang.

Gaya ng ginawa nila Aira at Jessica. Ganun din yung ginawa nila sa akin. Na-miss din nila ako. Pero mas miss ko sila. Haha.

Habang nagkukwentuhan kami dito sa may sahig. Pansin ko lang na parang hindi nag-uusap si Jennie at Glazel. Magka-away ba sila?

Atsaka parang nawala yung closeness nila. Anong nagyare? Nag-away ba sila? Saglit lang ako nawala pero parang ang dami ko ng hindi nalalaman.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now