Chapter 5: Something weird

5.3K 128 6
                                    


Marvin's POV

"Guys halika dito. Tingnan nyo oh!" Pasigaw na sabi ni Alyssa habang nakaturo ang mga kamay sa bagay na tinutukoy niya

Lahat naman kami ay biglang napatingin sa direksyon na sinasabi niya. Sa puntong yon, medyo nakaramdam ako ng kaba.

"Ano ba yang nakita mo Alyssa?" Tanong sa kanya Arth.

"Tingnan nyo 'to."

Isa-isa naming tiningnan ang tinutukoy niya at bahagyang naguluhan.

"Ano yan? Bakit may ganito yan dito? Eh sa paulit-ulit kong pagpunta dito, ngayon ko lang yan nakita." Sabi ni Samonte.

Oo nga. Kahit yung pagpunta namin dito kahapon, wala yan. Sa katunayan kasi nandito kami sa may malapit sa tangke, kung saan malapit na dito yung gate palabas ng PARANG.

Isang malaking butas lang naman kasi ang nakita namin dito, na kung titingnan mo mula rito ay halata mong malalim ang pagkakahukay.

Dumapa si Arth malapit sa may butas saka sumigaw. "MAY TAO BA DIYAN SA ILALIM?!!!" Habang sinasabi niya yan, rinig namin ang pag-echo ng boses niya sa may ilalim. At sigurado ako kung may tao man diyan, maririnig yon.

"Guys wala namang tao dyan eh. Halika na, labas na tayo!" Singit naman ni Samonte.

"Anong labas? Eh hinahanap pa natin sila Justin, Lloyd at Glazel." Sabi ni Jennie sa kanya na parang naguluhan.

"Ay oo nga pala." Sabay hawak sa batok niya. "Biglang nawala kasi sa isip ko eh. Sorry."

Sa pagkakasabi niya, napansin ko na parang may kakaiba kay Samonte. Parang ang weird niya, ang weird ng kinikilos niya. Diba okay na siya?

"GUYS NANDITO KAMI!!!!!!! TULUNGAN NYO KAMI DITO PLEASEEE!"

Paalis na sana kami kaso bigla akong may narinig na parang may sumigaw malapit sa may butas. Pinakinggan ko yon at sa pangalawang beses ay narinig ko ulit yon. Pinigilan ko sila.

"Guys may naririnig akong sigaw sa may butas. Parang boses ni Justin yon." Sabi ko dahilan para mapahinto sila sa paglalakad at mapatingin sa direksyon ko.

"Huh? Wait." Agad lumapit si Arth sa may butas at saka sumigaw doon nang pagkalakas-lakas.

"JUSTIN KAYO BA YAN?" Sigaw niya sa malaking butas.

"ARTH KAMI 'TO, NANDITO KAMI. TULONG!"

Hindi nga ako nagkakamali. Boses nga ni Justin yung narinig ko doon.

"JUSTIN NANDYAN DIN BA SI GLAZEL?" Tanong ni Jennie sa may butas.

"NANDITO KAMING LAHAT GUYS. TULUNGAN NYO KAMI DITO." Bigla kaming nabuhayan ng dugo ng malaman na buhay pa pala sila. Buti naman.

Tumayo muli si Arth at saka tumingin sa amin. "Masyadong malalim ang butas guys. Mag-isip kayo ng pwedeng paraan para mailabas sila dyan." Suggest ni Arth habang nag-iisip ng paraan para makalabas sila Justin dun.

"Guys may naisip ako." Lahat kami ay biglang napatingin kay Samonte ng magsalita ito. "Sino sa inyo ang may dalang panyo ngayon? Kahapon kasi habang naglilibot tayo ay may nakita akong lubid malapit doon sa may puno. Kukunin ko yon ngayon at doon natin ikakabit ang mga panyo natin. Yon ang magsisilbing lubid natin para mahila sila diyan. At sa tingin ko hindi yan gaano kalalim." Paliwanag niya.

Tumango na lang kaming lahat sa sinabi niya since wala na kaming maisip na iba pang paraan para mailabas sila sa may malaking butas.

"Guys samahan ko na lang siya." Sabay takbo ni Bobby papunta kay Samonte.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now