Chapter 26: Point of View

3K 89 0
                                    


Marvin.

Dalawang araw na simula ng mawala si Julia.

Hanggang ngayon wala pa din silang idea kung asan si Julia. Katulad lang din sa kaso ni Aira. Pero kami may idea na kami kung anong nangyari sa kanila.

Pero syempre sa amin na lang yun. Napag-planuhan kasi namin na kami na ang gagawa ng imbestigasyon tungkol dito.

Atsaka tama din yung sinabi sa amin ni Jessica nung nakaraang araw na kami lang ang makakalutas nito. Atsaka hindi din namin sinabi sa mga magulang ni Julia ang tungkol sa pulang papel.

Minabuti na lang namin na wag ng sabihin kasi hindi din naman nila kasi papaniwalaan.

Nga pala simula nung lumitaw sa harap namin si Carla Loyola. Yas with surname kasi dalawa Carla sa room namin. Na-curious kami lalo kung paano niya nalaman na kailangan namin yun.

Dalawang araw na din namin siya kinukulit pero ang lagi niyang sinasabi hindi niya daw alam. Diba ang gulo? Alangan naman na hindi niya alam, eh siya nga nagbigay sa amin nun. Atsaka nasabi na din namin sa kanila yung about kay Julia.

Pati magulang ni Julia pinaalam na yung nangyari kay Julia sa mga teachers namin, kaya okay na.

"Guys may malungkot akong balita sa inyo" Sabi sa amin ni Ma'am habang nagsusulat kami ng lecture. Siguro sasabihin lang niya na maraming bumagsak.

"Bakit ba sa section natin marami na ang nawawala. Una si Samonte wala na, pangalawa si Aira, pangatlo si Julia, pang-apat si Bobby"

Lahat kami nagulat ng sabihin ni Ma'am yung huling pangalan.

Napatayo ako pati sila Alyssa,Jessica,Jennie,Glazel,Arth at Lloyd.

"Bobby?" Sabay naming tanong kay Ma'am.

"Oo kanina ko lang nalaman kasi tinawagan ako ng magulang niya. Kaibigan niyo siya diba?" Tugon ni Ma'am.

"Opo" Sabi namin sabay upo.

Bakit si Bobby? Wala naman kaming napapansin sa kanya na kakaiba noon ah.

Bakit ba kasi nila tinatago sa amin.

Ayaw ba nilang tulungan namin sila.

Nakaka-asar na. Eh kung sinabi nila sa amin baka natulungan na namin sila.

Habang nagsusulat ako hindi ko maiwasan na mainis, pati ballpen ko nasisira na sa sobrang diin ng pagkakasulat ko.

"Marvin ano ba?" Tanong sa akin ni Jessica na katabi ko ngayon.

"Bakit ba kasi lagi nilang nililihim at hindi sinasabi sa tuwing nakakatanggap sila ng pesteng note na yun at ang laging kataga ay Susunod Ka Na. Masyado ng over-used yung salita na yun, englishin naman kaya niya" Inis na sabi ko.

Nagulat na lang ako ng tumawa sila.

May nakakatawa ba?

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Loko ka. Hahaha dapat ilagay nung nangunguha You're Next" Sabay tawa ulit nila.

"Syempre para maiba naman. Pero sa totoo lang nakaka-asar na sila"

Habang sila tumatawa si Justin naman kita mo sa mukha na malungkot.

Ano kayang problema nito. Wag niyang sabihin na ...

Joshua.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi anytime pwede na din akong matulad kila Aira. Oo nakatanggap na din ako ng pulang note na nakalagay 'Susunod ka na' pero hindi ko na sa kanila sinasabi.

PARANG (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz