Chapter 3: House

6.5K 151 7
                                    


"Puntahan natin si Samonte dali." Tarantang sabi ni Arth.

Shit ano na naman ba 'to. Sana lang ligtas siya.

"Halika na Marvs!" Sabi sa akin ni Jennie.

Agad naman akong sumunod sa kanya. Sinundan lang namin yung sigaw ni Samonte, kung saan ito nanggagaling. Shit sana hindi totoo 'tong kutob ko.

Maya-maya pa nakita na namin si Samonte. Naka-upo sa lupa na maraming tuyong dahon na nakapalibot sa kanya habang umiiyak. Halos nanlaki din ang mga mata namin sa nakita. Isang aso na wala nang lamang-loob at wala na ding ulo ang nakita namin. Nakasabit yung ulo ng aso sa isa sa mga sanga ng puno.

Agad namang nilapitan ni Arth si Samonte sabay takip sa mata niya. Dahan-dahan din niyang tinayo si Samonte at pinalapit sa amin. Agad naman siyang niyakap ni Bobby, pagkarating.

"Okay ka lang ba? Saan ka ba kasi galing, bigla-bigla ka na lang nawawala." Alalang tanong ni Bobby sa kanya.

"Hindi ko din alam eh, nagulat na lang ako na nandito na ako. Promise hindi ko talaga alam." Sabay iyak niya sa balikat ni Bobby.

"Shhhhh, tama na yan." Sabay hagod sa likod ni Samonte.

"Marvs, sana mali 'tong iniisip ko." Sabi ni Alyssa na katabi ko ngayon.

"Sana ako din." Sabi naman ni Joshua

"Ano ba kayo. Tigil-tigilan nyo nga yang mga iniisip nyo. Buhay pa sila." Sabi ko, para kahit papaano hindi nila isipin yun. Buhay pa yung dalawa na yun at hindi pwede na hindi namin sila makita.

"Guys balik na tayo ulit doon sa bahay na sinasabi ni Julia." Sabi ni Maika.

"Tama si Maika bumalik na tayo doon. Huwag na tayong magtagal dito sa labas." Pagsasang-ayon naman ni Arth.

"Sigurado ba kayong ligtas tayo doon?" Tanong ni Glazel na para bang walang tiwala sa amin. Napailing na lang tuloy ako.

"Ano ka ba Glazel, tumigil ka na nga. Syempre ligtas tayo doon, wala ka bang tiwala sa amin?" Sabi ni Jennie.

"Wala kasi kayong alam!" Sigaw nito kay Jennie.

"Oo na Glazel kami na ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to. Pero ginusto ba namin 'to? Oo ginusto talaga namin na pumunta dito, pero hindi naman namin ginusto na mangyari 'to. Alam mo ba yun?" Medyo naiiyak na tugon ni Jennie.

"Pwede ba tigilan niyo na yan. Bumalik na lang ulit tayo doon." —Joshua

"Tama si Joshua, halika na." Sabi ko.

Agad na kaming naglakad pabalik doon sa sinasabing bahay at kahit isa sa amin ay walang gustong magsalita. Lahat kami tahimik na bumalik.

"Tao po! May tao po ba dito?" Katok ni Arth.

Hay naku Arth, kung may tao man dyan kanina pa lumabas, kaso wala. So isa lang ang ibig sabihin niyan, wala talagang tao dyan.

Maya-maya lang ay biglang bumukas ng kusa yung pintuan. Kahit natatakot ay wala na kaming nagawa kundi pumasok na lang. Pero sino kaya ang bumukas nito?

"Guys alam kong natatakot kayo. Pero wala na tayong pagpipilian ngayon kundi pumasok dito, at magpalipas ng gabi hanggang bukas." Sabi ni Arth na nauuna sa amin. "At bukas na bukas din ay makakauwi na tayo na kasama sila." Pagpapatuloy nito.

"Sa totoo lang, natatakot na ako." Sabi ni Alyssa at Julia.

"Mukha namang walang tao dito, kaya pwede na tayo matulog sa kwarto na yun." Sabay turo ni Maika sa kwarto na wala man lang kama, sahig lang.

"Guys matulog na tayo ngayon at bukas na bukas hahanapin pa natin sila." Pagkasabi ni Arth nun, lahat kami naghanap ng pwesto. Doon ako pumwesto sa may gilid kasi feeling ko komportable ako doon.

"Guys alam nyo ba, buong buhay ko, hindi ko inisip na mangyayari 'to. Kasi akala ko sa mga movie lang may ganito." Pangbabasag naman ni Maika sa nakakabinging katahimikan.

"I feel you Maika." Sabi ni Alyssa.

"Lahat naman ata tayo ngayon lang 'to na-experience. At wala isa man sa atin ang may gusto nito, siguro kung sinunod lang natin si Glazel sa sinabi niya na hindi na dapat tayo tumuloy dito, sigurado kasama pa din natin mga magulang at kapatid natin." Sheteee ngayon ko lang nakita na umiyak si Arth ngayon. Pakiramdam ko tutulo na din  ang luha ko.

"Oo nga eh." Napatingin kami kay Samonte. "Sana pala hindi na lang 'to yung sinuggest kong lugar. Kasi naman eh, hindi ko inakala na sa tagal ko nang pabalik-balik dito sa PARANG mangyayari pa 'to sa atin." At nagsimula ng maluha ulit si Samonte.

"Guys sorry kung sinisisi ko kayo. Alam ko naman na walang may gusto nito."

"Alam naman namin yun Glazel. Atsaka sorry na din bff kanina ah, bati na tayo." Sabi ni Jennie. Maya-maya pa nagyakapan na yung mag-bestfriend.

"Sorry na din Glazel." Sabi naman ni Arth.

"Guys tama na yung drama, matulog na tayo, para bukas maka-alis na tayo dito at ng makapagtinda pa ako." Hahaha gaig talaga 'tong si Joshua eh. Pati ba naman dito puro business pa din iniisip.

"Hahaha oo nga. Baka malugi pa yung negosyo nyan ni Joshua." Singit naman ni Aira at lahat kami hindi na napigilang hindi matawa.

Actually yung position naming lahat ay pabilog. Ako dito sa gilid katabi si Aira, at Jessica. Si Alyssa, Maika, at Julia naman yung magkatabi. Si Arth, Jennie, at Glazel naman yung magkatabi sa kabila at si Samonte at Bobby din ang magkatabi.

Pagkatapos naming magtawanan ay unti-unti na rin kaming nakakaramdam ng antok. Lahat naman kami ay nakatulog ng may ngiti sa aming mga labi.

Itutuloy ...

PARANG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon