Chapter 10: Breaktime

4.7K 107 11
                                    

"Marvs punta tayo canteen, bili tayo potato chips" Aya sa akin ni Aira.

"Wait, kunin ko lang wallet ko sa bag ko. Sama mo na din sila Alyssa, Julia, Maika at Jessica" Sabi ko.

"Sigee" Sabi niya.

Pagkapunta ko sa upuan ko, nakita ko naman si Samonte na nagce-cellphone lang sa upuan niya.

"Samonte hindi ka bibili ng pagkain sa canteen?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na be, may pagkain na ako dito. Kayo na lang" Sabi niya.

-
Habang naglalakad kami papuntang canteen, tinanong ko naman sila kung bakit ganun si Samonte "Guys pansin niyo, bakit kaya ang tamlay ni Samonte ngayon, anong nangyari dun?"

"Oo nga eh. Ang hyper-hyper ng babaeng yun, himala ata na tahimik siya ngayon. Bakit nga pala hindi daw siya magb-breaktime?" Sabi sa akin ni Aira.

"May baon na daw siya eh" Yun na lang nasabi ko.

Nang makapunta na kami ng canteen, agad naman silang bumili ng favorite nilang potato chips. Hahaha! Hihingi na lang ako sa kanila, gusto ko kasi Siomai eh.

"Jessica, siomai tayo" Tanong ko kay Jessica. "Sigee, bili tayo Marvs"

Nang makabili na kami, hinintay na lang namin sila dito sa labas ng canteen. Medyo madaming bumibili kaya natagalan sila.

Habang nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano ni Jessica. Nagulat kami ng biglang lumitaw si Samonte sa gilid namin.

"Guys penge naman ako! Damot niyo!" Sabi niya sa aming dalawa, dahil friend naman namin 'to, kaya binigyan na lang namin.

"Para kang kabute, kung saan-saan ka sumusulpot. Diba sabi mo hindi ka pupuntang canteen kasi may baon ka na?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ng siomai.

"Hahaha medyo boring sa room kaya dito na lang ako pumunta" Sabi niya.

"May bibilhin ka ba Samonte?" Tanong ni Jessica.

"Wala naman, hinahanap ko lang kayo" Sabi naman niya.

Maya-maya pa, nagulat kami kasi may biglang tumapik sa balikat namin.

"Guys anong nangyari sa inyo?" Tapik sa amin nila Maika.

Medyo nagulat kami ni Jessica sa pagkakatapik sa amin nila Alyssa, at Maika. At habang si Aira, tawa ng tawa.

"Bakit ba kayo nanggugulat?" Tanong ni Jessica.

"Oo nga, ikaw Aira tawa ka ng tawa" Sabi ko din.

"Hahahaahahahaha para kasi kayong Hahahaha baliwwww!" Sabay tawa na naman ni Aira.

Medyo nagkatinginan kami ni Jessica, at nagka 'Ano-Daw?-Look'

"Huh? Ano bang sinasabi niyo?" Tanong ulit ni Jessica.

"Sino ba kasi kinakausap niyo, para kayong timang na dalawa, saglit lang naman kaming nawala kung ano-ano na nangyari sa inyo" Sabi ni Alyssa. "Oo nga!" Dugtong naman ni Julia, na medyo natatawa na din.

"Kinakausap? Si Samon---. Wait! Jessica asan si Samonte?" Tanong ko kay Jessica. "Oo nga, asan na si Samonte?" Takang tanong din ni Jessica, habang hihanap niya si Samonte.

"Anong Samonte? Shunga! kanina pa namin kayo pinapanuod, para kasi kayong may kinakausap kahit wala naman, sabagay yung hangin naman yung kinakausap niyo" Tawa ulit ni Aira.

Nagkatinginan kami ulit ni Jessica, at nagtataka kami kung bakit nawala bigla si Samonte. Pagtingin namin sa kinakain naming siomai, wala manlang bawas. Eh diba binigyan namin si Samonte.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now