Chapter 20: Transfer Student

3.5K 98 8
                                    

JENNIE.

"Good morning guys!" Bati ko sa kanila pagkapasok ko ng room.

Kahit na nginitian lang nila ako, bakas pa rin sa mukha nila ang kalungkutan.

Simula kahapon hindi pa din namin nakikita si Aira. Hindi namin alam kung nasaan siya. Wala ni isa sa amin ang nakaka-alam.

Pagkalapag ko ng bag ko agad ko naman nilapitan si Jessica para i-comfort. Halata sa mukha niya ang kalungkutan at pag-aalala.

"Yo! Okay ka lang?" Bati ko sa kanya.

"Hindi ako okay, alam mo yan"

Sabi ko nga. Ano ka ba naman Jennie alam mo naman na hindi siya okay tinatanong mo pa.

"Wag ka na malungkot, mahahanap din natin siya" Sabi ko.

"Oo nga!" Sabat naman ni Glazel na kakarating lang.

Maya-maya pa dumating na yung adviser namin. Pagkadating ni Ma'am agad naman kaming umayos. As usual lagi kaming nasa likod ni Glazel. Wala eh gusto namin dito.

"Class may ia-announce muna ako bago tayo magsimula" Sabi ni Ma'am.

Hmm? Ano kaya ia-announce niya?

"Meron kayong bagong kaklase. Actually transfer siya dito. Galing siya sa ibang school. Kaya behave kayo sa kanya. Be good to him"

So lalaki yung new transfer dito sa section namin, 'him' daw eh.

Maya-maya pa pumasok na yung lalaki na sabi ni Ma'am na transfer dito.

"Introduce yourself" Sabi sa kanya ni Ma'am.

"Hi ako nga pala si Jerome Sanchez, nice meeting you all!"

Yun lang? Edad? Saan nakatira? Bakit nag-transfer? Favorite food? Bakit yun lang? Kabitin. Hephep ano sinabi ko? Hayss nevermind.

"Dahil sa wala ng masyadong bakante at dun lang sa upuan ni Miss. Petil ang may vacant sit. Pwede ka ng umupo katabi siya"

Miss. Petil? Surname ko yun ah. Wait tama ba yung dinig ko? Sa tabi ko siya uupo. Oh nooo??

Pagka-upo niya, amoy na amoy ko agad yung pabango niya. Shitee ang bango. Huhuhu mamatay na ata ako.

"Jennie okay ka lang?" Kalabit sa akin ni Glazel.

"Oo okay lang ako" Okay lang talaga ako.

Habang nagle-lesson si Ma'am, hindi ko maiwasan na hindi tumingin kay Jerome. Hindi ako makapag-concentrate sa lesson namin at naka-focus lang ako sa mukha ni Jerome.

Ang gwapo niya kasi ehhhh!!!!!! Ang puti pa, medyo matangos din ang ilong, yung buhok niya para kahawig kay Jb. Shitt crush ko na ata siya.

Sa katanuyan natutulog siya sa armchair niya kaya nakatitig ako sa kanya.

"Kung nakakalusaw lang ang titig mo, baka kanina pa ako lusaw"

Nagulat ako ng magsalita siya. Omggg!! Nakita niya? Juskoooo kainin mo na ako lupaaaa!!!

"Ah-eh ano may dumi sa mukha mo?" Sabi ko na lang.

"Sus! Sabihin mo naga-gwapuhan ka lang sa akin" Tugon niya.

"Ay kuya pakipatay nga nung mga electric-fan na nakakabit sa katawan mo"

Bigla naman siyang nagtaka sa sinabi ko.

"Huh? Bakit?" Tanong niya.

"Hangin eh!" Sabi ko.

Akala mo ah. Akala ko pa naman mabait, hindi pala. Tse!

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now