CHAPTER 27: THE KISS

Magsimula sa umpisa
                                    


Lumabas kaming dalawa at walang nakakaalam kundi kami lang! Nagjoy ride lang naman kami at napunta kung saan-saan. Natatawa pa nga ako kapag naaalala kong naflatan pa kami ng gulong. Hindi lang iyon, pinagtulak ko din siya ng kotse dahil nasiraan kami bigla at tumirik sa daan ang kotse ni dad. 


Ilang beses niya akong sinadista dahil sa inis niya sa akin at pinagtitripan ko lang daw siya. Nahirapan pa akong paamuhin siya kasi di ko alam na grabe pala talagang magtampo ang babaeng iyon. Grabeng panunuyo na ang ginawa ko, lumuhod na at bumili ng kung anu-ano wala pa din. Kung hindi pa ako nasugatan mula sa pagkakadapa hindi pa ako papansinin. 


Pero okay lang, ang cute naman niyang magtampo kaya sulit pa din. 


"Mr. Evangelista!!! I said please come forward!" 


Tapik sa balikat ang nagpabalik sa naglalakbay kong diwa kaya taka akong napatingin sa harapan. 


Lukot na ang noo ng instructor namin sa itaas ng stage habang nakapamewang at nakatingin sa akin. Napapahiya naman akong tumayo sa aking silya at mabilis na umakyat sa stage at nakipagkamay kunwari sakanila.  


Kasalukuyan pala kaming nasa gymnasium ngayon at nagpapraktis para sa last rehearsal namin para sa nalalapit na graduation rites. Kanina pa kaming ala una dito at last na ngang round ito ng practice.


Bumaba ako ng stage kasabay ang iba pang mga estudyante at agad ko namang namataan si Shane sa may pinto nitong gymnasium. Nakatingin na siya sa akin nang makita ko siya at nagngitian kami sa isa't-isa.


Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya at tinakbo ang kinaroroonan niya. "Busy na kayo be?" bungad niya sa akin nang makalapit. 

"Medyo lang naman, last rehearsal na rin naman ito be." nakangiting sagot ko sakanya tsaka hinawakan ang kamay niya't nilaro-laro ito. 


"Bumalik ka na muna 'dun. Baka mapagalitan ka pa 'nung instructor niyo."  


"Hindi yan. Matagal pa na~..." 


"MR. EVANGELISTA! Mamaya na 'yang paglalandian at bumalik ka na dito!" nagtawanan naman ang mga estudyante sa gymnasium dahilan para mapahiya kaming dalawa ni Shane. 


Badtrip naman oh!


"Ahh sorry be...Susunduin na lang kita mamaya sa room mo, okay?" naiilang na turan ko sakanya at tumango lang siya sa akin. Bumaba na rin ako at lumapit ulit sa stage tsaka naupo sa silya ko. 


Nagtuloy-tuloy ang practice namin hanggang alas singko at isa-isa na kaming umalis pagkatapos. Nagsabay lang kami palabas ni Cris, Eric at Ken sa gymnasium pero agad din naman kaming humiwalay sa isa't-isa pagkarating ng parking lot.


"Bukas ulit pare." ani Eric. 


"Ge. Ge, ingat kayo pauwi!" paalam ko naman sakanila. 


"Ikaw din." sabay-sabay naman nilang sabi bago sumakay sa mga sundo nila. Kumaway pa ako nang bumusina ang driver nila at umalis din pagkatapos dahil susunduin ko pa si Shane sa room niya. 

PERVERT MEETS SADIST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon