“H-hindi ka galit sakin?”

Her face sharply turned to me with that icy look on her eyes. “Galit ako sa’yo, Shinie. Galit na galit! Kasi dahil sa’yo kaya hindi ko makuha si Marco! DAHIL SAYO!”

Kitang-kita ko ang pagkamuhi sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang galit niya sakin. Pero bakit? Hindi ko siya maintindihan.. Nasa kanya na si Marco. Nasa kanya na ang taong hindi ko maabot-abot.

“Hindi.. hindi ko maintindihan.”

"Hindi mo maintindihan o sadyang nagpapaka-inosente ka lang dyan?! KAHIT KAILAN HINDI AKO MINAHAL NI MARCO!”

I was speechless. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. All this time, tumatak sa isip ko na kaya nanligaw sa kanya si Marco ay dahil may gusto ito sa kanya. At bagay na bagay sila. Ano ‘tong naririnig ko?!

Tumingala siya. Ayaw niya sigurong makita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya kahit papaano ay nagpapakatatag siya.

“I forced him.. I forced him to be mine dahil alam kong wala na siyang ibang choice kundi gawin yun. And you know what hurts the most?! Alam mo ba ang sakit na nararamdaman ko everytime na magkasama kami at mahuhuli ko siyang tumitingin sa ibang babae?! Everytime he talks about that girl and how wonderful she is right infront of my face?!”

“Alam mo ba ang pakiramdam na kailangan mong hayaan siyang gawin ang kung anong gusto niya dahil ako itong WALANG KARAPATAN. I have no right to be jealous! Wala akong karapatang sabihan siya na umiwas sa babaeng yun! Dahil sino ba naman ako?!”

I’M JUST A  SHOW-OFF GIRLFRIEND. I volunteered myself to be his fake girlfriend para lang maprotektahan ang babaeng gusto niyang alagaan.”

Bumuhos na ang kanyang mga luha nang hindi man lang niya napapansin. Lalapit sana ako sa kanya upang siya’y pakalmahin nang ikinabigla ko ang sunod niyang sinabi.

“AND THAT GIRL IS YOU, SHINIE!”

Her words rang in my ear like a broken recorder. A-ako yung babae? Ang babaeng pinoprotektahan ni Marco? Ang babaeng tinitingnan niya tuwing magkasama sila ni Bea? Ang babaeng ikinukwento niya rito?

Ako.. ako ang dahilan ng paghihirap ni Bea. Ang dahilan kung bakit hindi niya maabot si Marco..

I was toungetied and dumbfounded. Tinitingnan niya ako ng sobrang nakakatusok ngunit saglit lang yun dahil napalitan yun ng pagsuko at panghihina. Pinikit niya ang kanyang mata at tuluyan nang umupo habang umiiyak.

“Akala ko.. akala ko nung pumayag siya sa sinabi ko. Akala ko.. magkakaroon na ng pag-asa.” Nilapitan ko siya at inalo sa likod. I can feel her pain, her sufferings.. And I really felt guilty for causing those. “Wala pala.. Dahil mas importante ka sa kanya..Mas gusto ka niyang protektahan kaysa sakin!”

Humagulgol na siya sa harap ko.  “P-pinoprotektahan? Bakit? Saan?”

Marahas niyang pinunas ang kamay niya sa basa niyang mukha. “Wait here. Wag kang umalis dito.”

Sinunod ko ang sinabi niya. Hinintay ko lang siya sa labas ng nakaupo, ni hindi ko man lang naramdaman ang lamig ng hangin. Tumingala ako at naghanap ng bituin sa makakapal na usok ng Maynila. Nung nakakita ako ng isa ay bahadya akong nakaramdam ng tuwa.

Dapat masaya ako sa narinig ko diba? Pero bakit ako nalulungkot?

Siguro dahil alam ko ang nararamdaman ni Bea. Alam ko kung paano ang masaktan, ang magsakripisyo sa maling lalaki, ang magpakatanga para lang mahalin ka din. Naranasan ko lahat ng yun. And the feeling is so painful..

Thirty minutes na ang nakakalipas ngunit wala pa ding Bea na dumadating, aalis na sana ako nang biglang may naglanding na notebook sa paanan ko. Pagkatingala ko, sinalubong na naman ako ng malamig na mata ni Bea.

“Nandyan lahat.. Kung gusto mong malaman, basahin mo yan.”

Kinuha ko agad ang notebook at tiningnan ito. Math notebook ito ni Marco base na din sa nakasulat na pangalan sa harap nito. Simula grade school ako, ang pinakaayokong klase ay Math pero lahat yun nagbago nung pagtuntong ko sa ikalawang taon ko sa kolehiyo. Nung panahon na kaklase ko siya..

Ang dating hatest subject ko, ngayon ay paborito ko na. Dahil kung hindi doon, baka hindi ko siya makilala.

I browse the blue notebook and sure enough, may mga nakita nga akong mga notes sa gilid nun. Minsan sa may taas o kaya sa likod basta every page siguro may malililiit o mahahabang notes na sulat niya.

Tumayo ako at diretsong tumingin sa mga mata niya. “Salamat, Bea.”

Yan na lang siguro ang masasabi ko. Ayokong magsorry sa kanya dahil alam kong mao-offend lang siya.

Nakita kong tumingin siya sa kanyang relos at ngumiti. “Don’t thank me, Shinie.”

I gave her a puzzled look.

“Sa mga oras na ‘to, panigurado nasa airport na si Marco.” Seryoso niyang sabi sakin ngunit hindi maikukubli ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kanyang labi.

“A-ANO?!”

“Kaya siya nagsinungaling na wala siyang nararamdamang sa’yo ay dahil aalis na din siya. His parents want him to continue his studies abroad. That’s why he said that to you.. Ayaw ka niyang paasahin. Ayaw ka niyang paghintayin.”

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi maaari.. Kung kelan nalaman ko na ang totoo. Kung kelan alam ko na may pag-asa pala kami tsaka mangyayari ito..

“And this is my revenge, Shinie.. Kahit papano, ako naman ang manalo sa huli.”

Yung awa na naramdaman ko sa kanya kanina ay napalitan ng galit.

“Kahit sa pagkakataong ito makaramdam man lang ako ng kasiyahan. Kasiyahan sa isipang kahit sa huling pagkakataon ay hindi kayo magkikita…”

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now