51 - Operation: Balik Dom kay Andrea!

Comincia dall'inizio
                                    

O tuluyan na siyang binago ng panahon?

~~

A week later...

"Madam! Sobrang shocking talaga ang muling pagtatagpo niyo ni Fafa Dom noh? Akalain mong hindi ka na niya—"

"Marvin tumigil ka nga d'yan!"

"Alam mo Helen, napaka-KJ mo talaga! Nakikipagkwentuhan lang naman ako kay Madam eh. Alam mo yung feeling na dasal tayo nang dasal na sana magkita na sila, and then eto na! This is it! Nagkita na nga sila. But the problem is, nagkulang tayo ng dasal. Nakalimutan nating ipagpray na sana love pa rin ni Sir Dom si Madam until such time." sinabayan pa iyon ng buntong-hininga ni Marvin.

"Oo nga eh. Ano kayang nakain nun ni Sir Dom at biglang nagbago kay Ma'am Andrea?" rinig kong sabad ni Bench sa nagtatalong sina Marvin at Helen.

Samantalang ako, walang mai-comment sa kanila dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa naging malaking pagbabago kay Dom. Pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil ang laki ng hirap na naranasan niya sa akin noon. Nagmatigas kasi ako nang sobra at pinilit iwaksi ang sinisigaw ng puso ko. Mas pinili kong sundin ang utak ko noon at yun ang pinagsisisihan ko hanggang ngayon.

"Ay naku guys, huwag na muna nating guluhin si Ma'am ngayon. Hayaan na muna natin siyang mag-isip ng paraan—"

"Korak ka d'yan Helen!" bigla ang panlalaki ng mga mata ni Marvin. "Dapat nga tayong mag-isip ng paraan!"

"Para saan?" balik-tanong ni Helen.

"Halika kayo dito bilis!" nakita kong nag-umpukan pa sila na tila isang basketball team na nagpaplano ng next moves.

After several minutes ay pare-pareho silang pawis na pawis na bumitaw sa isa't isa.

"Haaay! Grabe, ang iinit nyo ha!" sigaw ni Marvin.

"Paano naman kasi ang dami mo pang eching, nagtagal tuloy tayo!" sagot ni Helen na nagpupunas rin ng pawis sa mukha.

"Idiscuss nyo na kay Ma'am Andrea yang naisip mo, Marvs."

"Yes Fafa Bench!" he girlishly winks at Bench.

Then sa akin naman humarap sa Marvin, "Ganto kasi yun Madam Andrea, gagawa tayo ng paraan para muling mapasaiyo si Fafa Dom mo. Payag ka ba?"

I smiled bitterly. "May magagawa pa bang paraan?"

"Opkors! Habang may buhay, may pag-asa! Try and try until you..."

"Die?"

"No Madam! Napaka-nega nyo talaga! You should try and try until you win his heart AGAIN, enchende?!"

Natawa ako nang bahagya. "Ano ba kasi yang plano nyo?"

Bigla ay may inilatag siyang malaking cartolina sa ibabaw ng mesa ko. "Dito natin isusulat ang plano. At ang planong ito ay papamagatan nating..." *drum rolls!* "OPERATION: BALIK DOM KAY ANDREA!"

"Psh! That's impossible, there's no way to win him back."

"Ah, ah, ah!" kasabay ng gesture ng hintuturo niya na tila sumesenyas na mali ang sinabi ko. "There's a LOT of ways to win him back. Actually, we will have 8 ways para sa operation na 'to."

"Okay anu-ano yun?"

~~

Number one! Kailangang magkaroon kayo ng time alone together.


Nanginginig akong kumatok sa pinto ng office ni Dom.

"Who's that?" mula sa loob ay rinig na rinig ko ang boses niya.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora