Chapter 57: The Promise

Start from the beginning
                                    

As of now, pretend is the best to hide the truth. "Hija, hindi ako boto sa'yo." diretsa niyang sabi. Tumango ako at pilit na ngumiti pero gusto ko ulit mag 'po' na parang wala ulit akong naintindihan, kaso sobrang linaw na eh. Kanina pa malinaw ang lahat pilit ko lamang pinapalabo at inililihis sa iba ang usapan para sa ganon ay mabawi niya ang kaniyang sinabi, pero wala, ito ang katotohanan. Ang katotohanang tutol siya sa relasyon namin.

"Race, kain na!" sulpot ni Kitian sa likod ko. Ganiyan kaya kalakas ang boses niya kahit nasa tabi na niya ako upang ipaglaban ako, upang ipagyabang sa lahat na mahal niya ako. Pero tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango.

Sa kalagitnaan ng pagse-senti ko ay bigla akong napaisip… mahal mo ba talaga ako, Kitian? Iiwan mo ba ako? Nangingilid na ang mga luha ko sa kakaisip. Sa mga mangyayari na totoo na talaga, na kailangan ko ng sumuko at ipaubaya sa iba ang taong mahal ko.

Tumingala ako at ipinaypay ang palad ko sa akin. "Huwag kang iiyak, huwag na huwag." suway ko sa sarili.

"Race, you okay?" tanong ni Kitian. Agad ko namang pinunasan ang namumuong luha ko at tumawa. "Ha? Oo, okay na okay ako. Maalikabok lang kasi rito sa nililinisan ko kanina kaya napuwing ako," pagdadahilan ko sabay tingin muli sa kisame upang pigilan ang luha ko.


Hinawakan niya ang mukha ko dahilan upang mapaubo ang lolo niya, alam kong sadya iyon pero ewan ko lang kay Kitian kung napansin niya ba iyon o hindi dahil nakatingin lamang ito sa akin. Inilapit niya ang kaniyang mukha at akmang iihipan niya ang mata kong napuwing nang tabigin ko ang kamay niya na ikinagulat niya. "Ah! Hindi na, ayos lang ako,” sabi ko at pinunasan ang papatulong luha ko sa kanang mata.

Kumunot lang ang noo niyang tumingin sa akin. “Haha. Baka malagyan pa ng laway 'tong mata ko eh, baka mabulag pa ako't mapatingin sa iba." biro ko. Muli kong naramdam ang pamumuo ulit ng luha ko sa kaliwa kong mata. Ang hirap magpigil ng luha, ipinagdadasal ko na lang na 'wag pang tumulo, ayokong masaksihan niya ito.

Napa 'tch' siya sabay higit sa akin palapit sa kaniya. "Ayan! Sinabi ko ng huwag kang maglinis dahil ako na ang bahala, ang kulit-kulit mo!" galit niyang sabi ngunit napangiti ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang lumayo sa kaniya. "Huwag ka ng magalit, okay? Parang napuwing lang naman saka hindi naman mababawasan ang kaguwapuhan mong taglay sa paningin ko." biro kung muli na napangiwi dahil alam kong nako-kornihan na ang lolo niya sa palitan namin ng salita rito sa harap niya.

"Ehem!" tumikhim nang kay lakas ang lolo niya kaya naman napaatras ako at tumalikod upang kunin ang bag ko sa katabi niya. Kukunin ko na ang bag ko nang higitin ako paharap ni Kitian. “Tara, kain ka muna. Kain tayo nina lolo, para naman makapag bonding kayo.” nakangiting paanyaya niya subalit nang lingunin ko ang lolo niya ay nakangiwi itong nakataas ang isang kilay na tila ayaw niya ang ideya ng kaniyang apo.

Agad akong umayaw at nag-isip ng dahilan. "Kitian, uwi na ako. Si mama kasi nagluto rin at naalala ko pala na nakapag-promise na akong may family lunch kami.”

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Where stories live. Discover now