CHAPTER 06
THE ONE WHO STAYED & THE ONE WHO WAITED
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Halos isang buwan na din ang nakalilipas mula nang maganap ang naging operasyon ko kay Marcus. Sa may East Wing naka-assign ang naging kwarto nito kung saan siya ikinonfine. Sinadya kong pakiusapan si Kuya Trevor na sa East Wing na lang ito i-assign at hindi sa West Wing kung saan ako naka-assign. Ginawa ko ito para maiwasan ko na din ang pagkukrus ng mga landas namin ni Shinby.
Bumalik na din mula sa seminar ang mga Seniors namin at pinakiusapan ko ang Head Nuerosurgeon namin na ito na ang humawak ng kaso ni Marcus. Tutal naman at natapos ko na ang operasyon dito at check-ups na lang ang kailangang gawin. Nang tanungin nito kung bakit, minabuti ko na lang sabihing tambak pa ang mga kasong hawak ko at baka hindi ko na ito gaanong maasikaso pa. Sa kabutihang palad, pumayag naman ito.
Sa ginagawa ko, inuumpisahan ko na ang tuluyang paglimot sa nakaraan namin ni Shinby at pagsisimula ko ng bagong buhay. Iniisip ko lang kung paano ko gagawin ang isang bagay na hindi ko ginusto ni minsang gawin.
Kasalukuyan akong nagra-rounds sa mga pasyente ko nang matigilan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nakasalubong ko ngayon si Shinby. Hindi ba dapat ay nasa kabilang Wing ito??
“Shi-Shinby….”
“Can I borrow some of your time??? I just wanted to tell you something…”
Tumango na lamang ako. Iniabot ko kay Nurse Veron ang files na hawak ko. Tumango naman ito na simbolo na alam na niya ang dapat gawin.Muli kong binalingan si Shinby.
“Sure, let’s talk in------“
“Can we talk outside?? Di ko kasi talaga feel ang ambiance ng mga hospital eh..If you don’t mind???”
Ngumiti na lang ako at tumango. Tumuloy kami sa isa sa mga benches sa may garden. May hinala na ako sa sasabihin nito kaya minabuti kong hindi sa msimong bench kung saan ko ito laging hinhintay dalhin.
“Wha-what do you want to talk about???” tanong ko.
Ngumiti ito at ibinaling ang tingin sa malayo, “About everything…the past and currently, the present…” bumaling ito sa akin, “Ikaw kasi eh!!!! Hindi mo ko hinayaang magsalita noon!!!Ngayon, ikaw naman ang makinig sa akin huh???”
YOU ARE READING
THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be Moved
RomanceJERK. A**H**E. Iyan na yata ang mga salitang maitatawag kay Khazter Troy matapos niyang saktan at paglaruan ang puso ni Shinby alang-alang sa kanyang paghihiganti. Ilang taon na din ang lumipas at pinagsisihan na ng binata ang kanyang ginawa at pat...
