CHAPTER 07
A LITTLE TOO NOT OVER YOU
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“Pwede ba mallows ko, kumalma ka nga muna diyan sa isang tabi at kanina pa kami nahihilo nitong si Khazter at ng anak natin sayo!!!!” saway ni Kuya Yuan kay Ate Rogue na kanina palakad-lakad dito sa may sala. Nandito ako ngayon sa bahay ng mag-asawa habang kandong-kandong si Airah.
Mula yata kasi ng bumisita ako sa mga ito at nagkwento ng tungkol sa naging pag-uusap namin ni Marcus, kanina pa palakad-lakad dito sa sala si Ate Rogue. Tumayo na si Kuya Yuan at hinawakan ito sa magkabilang-balikat, “Mallowsko, pwede, kalma muna???Maupo ka nga muna diyan.” At iniupo nga nito ang asawa.
Napangiti na lang ako sa dalawa na naging dahilan para ismiran ako ni Ate Rogue, “Oh???Ano na namang ginawa ko???” kibit-balikat na tanong ko
“YUN NA NGA EH!!!!WALA KANG GINAWA!!KUMUKULO ANG DUGO KO SAYO AT WALA KANG GINAGAWA!!!!!”inis na bulyaw ni Ate Rogue sa akin, “Alam mo Khazter, yung totoo?? Ang sarap mong gawan ng rebulto sa may EDSA!!!!Ikaw yata yung nawawalng ika-14 na martyr sa Trece Martires!!!!”
I just let out a chuckle. Alam ko naman kasi kung ano ang tinutukoy nito.
“Oh, tapos ngayon tatawanan mo lang ako??WAAAAHHHHH!!!IKAW YATA ANG MAGIGING DAHILAN NG PAGLABAS NG MAAGA NITONG ANAK KO!!!!KALOKA!!!!Wish ko lang talaga wag ikaw ang paglihian ko!!!” sabi nito sabay himas sa nakaumbok na tiyan nito. Buntis na nga pala ito sa pangalawa nilang anak ni Kuya Yuan.
“Bakit naman Ate???Swerte ng anak mo at ang ganda ng genes!!!Haha XD!!!” pang-aasar ko dito na ikinatawa lang namin ni Kuya Yuan.
“Nyenye, nakakatawa..” Ate Rogue said sarcastically as she glared at Kuya Yuan, “At mallowsko, ANONG TINATAWA-TAWA MO DIYAN?!?!?!”
Pinigilan kong mapangiti as I saw Kuya Yuan nervously gulped, “Wala naman po misis!!!!I love you po!!!”masuyong sabi nito habang nilalambing si Ate Rogue
“Oo na, I love you too din.” Sagot naman ni Ate Rogue na kumalma na. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila. Kung hindi kaya nangyari ang nangyari noon, ganito din kaya kami ni Shinby ngayon???
Umiling ako at mapait na napangiti. Paano mo maipagpapatuloy ang buhay mo Khazter kung nananatiling may panghihinayang dyan sa puso mo???Paano ka makakapagsimula kung hanggang ngayon, hindi mo pa din matanggap na ikakasal na si Shinby sa iba???Na imposible nang matupad pa ang lahat ng pinangarap mo para sa inyong dalawa???
YOU ARE READING
THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be Moved
RomanceJERK. A**H**E. Iyan na yata ang mga salitang maitatawag kay Khazter Troy matapos niyang saktan at paglaruan ang puso ni Shinby alang-alang sa kanyang paghihiganti. Ilang taon na din ang lumipas at pinagsisihan na ng binata ang kanyang ginawa at pat...
