CHAPTER 01
WAITING IN VAIN
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[AFTER 6 YEARS]
“EEEEeeeeeeEEEEHHHHhhhhh >___<!!! Ang gwapo talaga ni Doc!!! Nakakakilig!!!”
“Sinabi mo pa girl!!! Makalaglag panty ang kagwapuhan ni Doc!!!”
“And at his very young age, isa na siya sa pinakahot na bachelors sa buong Pilipinas!!!”
“Oo nga!!! Tatanga-tanga na lang talaga ng babaing aayaw sa kanya!!!”
“Pero maiba tayo, ang sabi kasi, ni wala pa daw girlfriend yang si Doc. Hindi kaya---“
“BRUHA KA!! Sa gwapong iyan ni Doc, iisipin mong baklush siya??”
“Oo nga saka ang usap-usapan kasi dito, may girl daw na hinihintay si Doc bumalik.”
“Doon nga daw niya nakuha ang bansag sa kanyang, THE MAN WHO CAN’T BE MOVED”
“How can I move on when I’m still in love with you?”
“Hoy pare!!!” bored na tinanggal ko ang headset na nakasalpak sa magkabilang tenga ko saby binalingan ng tingin kung sinumang umistorbo ng pananahimik ko. May hinala na naman ako kung sino -____- “Ano nag-eemo ka na naman diyan???” ngising-ngising sabi nito sabay tinabihan ako mula sa pagkakaupo ko dito sa may bench.
I just glared at him, “Ano namang pakielam mo??Tss -__-“
“Yun nga eh. Hindi nga sana kita papakielaman Khazter kung hindi lang napupunta sayo lahat ng atensyon ng mga nurses dito na dati naman eh sa akin lahat!!! Ano ba kasing nakita ng mga iyan sayo at kahit napakasungit mo, eh ikaw ang pinapantasya nila huh?? Ano bang sikreto mo dude???”
Noon ko lang napansin ang isang kumpulan ng mga nurses sa may malapit sa kinauupuan ko. I just scoffed, “The hell I care with them. Basta hindi nila ako pinapakielaman at hindi nila naiistorbo ang trabaho ko, I don’t care a damn about them.”
Malalim lang itong napabuntong-hininga, “Hanggang ngayon pa rin ba, hinihintay mo pa rin si bunso???Ilang taon na ang nakakalipas..kailangan mo na ding mag-move on sa buhay mo Khazter..”
Nanatili lang akong tahimik sa sinabi nito. Ilang taon na din ang nakakaraan mula nang umalis si Shinby ng bansa. Ni isang balita wala na akong narinig mula dito. Tuluyan na nga yata niya akong kinalimutan. Swerte na lang kapag may balita akong nahahagilap mula kina Kuya Yuan at Ate Rogue tungkol sa mga kwento nito sa kanila.
Ni hindi nga din ito sumipot sa mismong kasal nila Kuya Yuan at Ate Rogue nang malamang ako ang napili ni Kuya na maging best man niya. Nagpaabot na lang ito ng bati sa mag-asawa.
Pinilit ko namang ipagpatuloy ang buhay ko. Nakapagtapos na din ako ng pag-aaral ng Medisina sa isa sa mga sikat na unibersidad dito sa Pilipinas. Pinilit ko din ang sarili kong kalimutan ito, gaya na din ng payo nila Kuya Yuan at Ate Rogue. Sinubukan ko na ding makipag-date sa ibang babae pero tanging ito lang yata ang magagawang makakuha ng puso ko ng buo.
Hindi ko na yata magagawa pang magmahal ng iba kaya pinili ko na lang hintayin ang pagbabalik nito. Ayoko nang pilitin pa ang sarili ko na kalimutan siya dahil alam kong hinding-hindi ko naman iyon magagawa.
Yun din ang dahilan kung bakit dito ko napiling magtrabaho sa mismong hospital kung saan namin napagpasyahang maghiwalay. Sa tuwing lunch break o vacant ko, dito ko pinipiling magpahinga sa mismong bench kung saan ko siya huling nakita. Umaasa na isang araw, maiisip niyang balikan ako.
YOU ARE READING
THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be Moved
RomanceJERK. A**H**E. Iyan na yata ang mga salitang maitatawag kay Khazter Troy matapos niyang saktan at paglaruan ang puso ni Shinby alang-alang sa kanyang paghihiganti. Ilang taon na din ang lumipas at pinagsisihan na ng binata ang kanyang ginawa at pat...
