Kasalukuyang pauwi na ako at nagdadrive ng tumunog ang telepono ko agad kong sinagot iyon nang makita ko sa screen ang pangalan ni Dindo. Siya yung hinire ko para isagawa ang plano kong saktan si Miguel sa pamamagitan ng mga taong malapit sa kanya. Matagal tagal ko nang minamatyagan yang Fransisco na yan. Siguro may balita na ito sa pinapatrabaho ko sa kanila.

"O anong balita Dindo?"

"Boss Franc, nagawa na namin. Siguradong tusta na yung mag lola dun. Wala na silang kawala at sigurado ako na pinaglalamayan na yung bangkay nila ngayon hehehe."

Napaisip ako dun, hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa. May isa pa akong espiya na binabayaran para mag matyag kay Miguel. At huling balita neto sa akin noong isang araw na nakita daw neto na buhay na buhay pa ang mag lola at nandoon sila ngayon nakatira sa condo ni Miguel sa Makati.

"Gaano ka naman kasigurado na sila nga ang pinaglalamayan at hindi ibang tao aber? Pwede paki linaw hindi kase klaro sa akin Dindo," medyo naaasar na ako sa dalawa kong espiya. Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa mga gungong na to?

Narinig ko ang pigil na paglunok ni Dindo sa kabilang linya bago ito nakasagot.

"Ahh.... ehh... boss Franco. Hindi ba ang iniutos niyo lang eh ang sunugin namin ang bahay ng mga Rivera?"

Pinipigilan ko ang magalit.
Nagtatangis na ang bagang ko sa tingin ko na kapalpakan ng mga gungong na to.

"Oo yun nga ang pinapagawa ko sayo. At alam ko naman na nagawa mo iyon. Ngayon, ang tinatanong ko, kung nailigpit mo na ang mag lola."

"Ahh.... ehh.."

Bago pa man nakasagot si Dindo. Naihampas ko ang kamay ko sa manibela. Sabi ko na nga ba, palpak nanaman ang mga gungong!

"Wala talaga kayong silbe!!!"

"E boss franc, nagawa naman namin ang pinag uutos niyo, nasunog naman namin ang bahay nila. May bonus nga kasi maraming nadamay."

Ang tanga tanga talaga! Puta nanggigigil ako sa mga ugok na to.

"Wala akong pakelam sa ibang tao. Ang utos ko siguraduhin ninyo na mamamatay sa sunog ang mag lola! Gungong!!!"

"Ay sorry po boss Franc, di ko kase ganong naitindihan ang utos niyo"

"Sayang lang ang binabayad ko sa inyo! Noong una sa bar, pumalpak kayo na pabugbog yang si Fransisco, tapos ngayon, palpak nanaman!!"

"Pasensya na boss Franc, tao lang"

Putangnang to. Akala siguro neto naglalaro lang ako.

"Ayusin niyo ang maayos yang trabaho niyo! Kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na palitan kayo!"

"Sorry na po boss Franc. Naexite lang ako" Tangang to puro pera lang ang gusto. Parang di pa sinsero ang paghingi ng tawad.

Pero naiisip ko, madami pa namang pagkakataon para makaganti jan kay Miguel. Sabi nga nila, lahat ay may tamang panahon.

FLASHBACK

Napag usapan namin ngayon ni Coach Vince at ng buong team na may bago daw siyang ipapasok sa team namin.

"Boys be ready ha, I want you all to meet the newest addition to our team, later you will meet him after ng break."

"Bagong salta coach? malapit na ang laban natin baka di yan makahabol sa game plan," angal ng isa kong ka team.

"Oo nga coach Vince, since bago yan, malamang tuturuan pa namin yan ng mga tricks, mahirap na coach, baka mangangapa lang yan sa umpisa," sabi pa ng isa.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now