"Easy.. Okay, Why don't you just ask Micah? Or Morgan." Giit niya.

Muling sumagi sa isipan ko ang mga sinabi noon sa akin ni Sandy. "Boyfriend mo noon si Morgan, Then.. Girlfriend ni Kris si Micah." Dagdag niya.

Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan ko kung kaya't lumagok ako ng inorder ko. "Micah knows what will happen, the fixed marriage. Natakot siya kung kaya't nakipag hiwalay siya agad kay Kris." Kwento niya. "Micah is so easy to give up. Hindi siya marunong lumaban. Duwag kumbaga." Aniya niya.

"Ibig sabihin.. Matagal ng alam ni Micah na ikakasal si Kris sa akin noon pa?" Tanong ko. Habang tumatagal ang pag-uusap namin ni Kai mas lalo akong naguguluhan. "Yes, but she doesn't know anything about you." Sagot niya.

"Pero paano silang nagka-kilala ni Sandy?" Tanong ko. "In our school. Noong una inis na inis sa kanya si Kris. Hanggang sa tumagal he realized it." Naka ngiting sagot niya.

"Kai.. Paanong naging mag bestfriend si Morgan at Kris. Pero bakit hindi ko alam?" Tanong ko muli.

Tumikhim muli siya. "I bet.. Nasa ibang bansa noon si Kris." Sagot niya.

Pero hindi parin sapat sa akin 'yon bakit pakiramdam ko parang merong nawala. Merong ninakaw, merong nilayo. "I suggest just kindly ask your ex." Ngumiti siya at pagkatapos lumagok ng kape niya.

Napa bugtong hininga nalang ako. Matagal tagal narin na hindi kami nagkakausap ni Morgan, siguro ang huli non ay ang nilinaw niya na ang lahat sa amin. Pero malinaw na ba talaga yon para sa akin? O baka sa kanya lang?

"Jessica.. Bat hindi ka nalang pumayag? Bat hindi mo nalang siya tulungan tutal naman ka-- Nevermind." Pinutol niya ang dapat niyang sasabihin pero alam na alam ko naman na kung ano 'yon.

Ngumiti nalang ako ng mapakla sa kanya. "Kasalanan ko naman diba?" Pag-tuloy ko sa dapat ay sasabihin niya. "Bat mo pa pinutol? Everyday is a struggle. Kahit di niya sabihin, nararamdaman ko." Mapakla akong napa ngiti.

Narinig ko ang merong halong inis na pag tawa niya. "Friendly advice lang. Puntahan mo lahat ng pwedi mong puntahan. Doon mo lahat makukuha ang mga sagot sa mga tanong na nasa isipan mo." Makahulugan niyang suhestyon sa akin.

Tinignan ko na lamang siya at hindi ko na nagawang sumagot pa. Bakit pakiramdam ko? Merong nawala. Gusto kong malaman kung ano 'yon pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang ako ang masasaktan nanaman at merong isang masasaktan ng sobra?

"You guys should take a risk." Sabi ng nasa harap ko bago humigop ng kape niya.

Humugot na lamang ako ng malalim na hininga. "Oh.. You're not wearing your wedding ring." Para pa siyang nagulat ng makita niyang wala akong singsing na suot.

"Kris always wear the wedding ring." Totoo ba? Pero iyong akin palagi lang nasa drawer naka tabi lang doon.

Bahagya pa siyang hindi naka-sagot. "Kapag merong lalapit sa kanyang babae kapag nasa bar kami. Itataas niyang ganito yung kamay niya." Kwento niya at itinaas ang kamay ma merong singsing sa ere.

Hindi ko alam pero dahan dahan na lamang akong napa ngiti ng malaman kong parati niya palang suot suot 'yon. "Jessica.. Hindi siya mahirap mahalin." Nawala ang ngiti sa labi ko ng sabihin niya 'yon.

"H-hindi ko naman siya mahal at hindi ko naman siya mamahalin dahil meron akong ib--"

"Meron kang ibang mahal?" Tumango tango pa siya ng sabihin niya 'yon. "Well.. Minsan pakiramdaman mo rin yang dibdib mo. Baka malay mo iba na pala laman niyan." Ngumiti pa siya.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Pero ibinalik ko rin 'yon. "It means kaibigan niyo rin si Morgan?" Tanong ko.

Tumango siya muli. "Meron kaming rules sa frienship namin, para respeto narin sa isa't isa." Sabi niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko naman. "Kapag ex na ng kaibigan hindi na dapat ano.. Alam mo na." Ngumiti pa siya. "At?" Tanong ko.

"Well.. Lahat kami nainis sa ginawa niya pero naintindihan naman namin na nag-kagusto lang siya. But.. Wala na kaming magagawa. Rules is rules." Sagot niya.

"Micah's fault. She's the one who ruined the Fifthteen frienship." Lumawak ang paningin ko dahil sa nalaman ko. "W-what? Fifthteen?!" Nabigla kong tanong. "Yes, Baby." Sagot naman niya.

**

Tinignan ko siya ng buksan niya ang pinto ng sasakyan niya. Bumaba naman agad ako sa kanya. Kinuha niya agad ang dala kong mga paper bags. Naisipan ko kasi mag groceries dahil wala na kaming stock.

Kasunod ko siya habang papasok sa pinto. Hahawakan ko na dapat ang door knob pero agad na itong bumukas. Tinignan ko naman agad siya malamig ang buong pagkatao niya ramdam ko agad.

Mag-sasalita dapat ako pero kaagad niya akong hinablot palayo kay Kai. "Hoy baba! Wala akong ginawa dyan." Punto agad ni Kai at inabot sa kanya ang dalawang paper bag.

Tumango na lamang si Kris sa kanya hindi naman siya nag-tagal. Umalis rin siya agad. Bumusina pa nga siya bago niya tuluyang pinaandar ang sasakyan niya.

"Bat ka nag grocery mag-isa?!" Kamuntikan na akong mapa talon sa gulat dahil sa pag-singhal niya. Humarap agad ako sa kanya. Nag-iwas agad siya ng tingin. "Sa susunod ayokong meron kang kasamang ibang lalaki!" Inis na dagdag niya at padabog na inagaw sa akin ang dalawang paper bag papunta sa kusina.

Hindi ko alam pero kusang mga paa ko ang sumunod sa kanya. Nakita ko naman na inis niyang nilapag ang dalawang paper bag sa counter at itinukod ang dalawang kamay niya sa counter. Nakita ko kung paano siyang mag buntong hininga.

"T-totoo bang d-dating mong Girlfriend si Micah?" Nauutal kong tanong. Nakita ko kung paano siyang nanigas sa kinatatayuan niya pero nawala lang 'yon. "Totoo bang dati mong kaibigan si Morgan? Sa labing limang taon?" Magkatapat na kami pero merong harang na counter.

Dahan dahan siyang humarap sa akin. Nakikita ko nanaman ang mga mata niyang blankong ekspresyon, mga matang wala nanamang emosyon. "Yes."

"Do you still remember the story I've told you?" Makahulugan niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. Tumaas ang sulok ng labi niya. Bahagya siyang lumapit. "Why don't you just ask your dearly ex?" Malamig na turan niya sa ako iniwan mag-isa dito sa kusina.

Napa upo na lamang ako dito sa upuan. Bakit ba parang ang daming nawala? Bakit ganoon ang pakiramdam ko? Bakit parang merong nawala.

Humugot ako ng malalim na hininga saka ko siya tinakbo para puntahan. "Sabihin mo na Kris." Pigil ko sa kanya ng papanik na siya.

"Naguguluhan na ako!" Hindi ko napigilan ang sumigaw dahil pakiramdam ko sasabog na ako.

Dahan dahan siyang humarap sa akin. "Hindi mo dapat sa akin malaman ang sagot. Just ask your dearly ex." Pabalang na sagot niya saka tuluyan na siyang pumanik.

Oh fck..

**

Vote and Comment po salamat!!! :)

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now