"Oo."

"Depende..." maiksing tugon nya.

"Paanong depende?"

"Depende kung sobra siyang mahalaga saken, syempre di ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko lalo na kung sobrang mahal ko siya. Masasaktan rin ako nang sobra-sobra..." napansin kong natulala na sya.

"Andrea mahal mo pa ba si Dom?" diretsahang tanong ko na sa kanya.

"Ha?" tila nabalik sya sa kasalukuyan. "Ano ba namang klaseng tanong yan."

"Just answer me with yes or no, mahal mo pa ba sya?" just say no Andeng, and I won't let you to get hurt. Hindi ko na sasabihin sayo ang pag-alis nya, just say no. "Andrea?"

"Ay naku Itan, gabi na masyado umuwi ka na. Baka kung mapano ka pa sa daan."

"Pero Andeng hindi mo pa sinasagot yung tanong ko."

"Ano ba yung tanong mo? Nakalimutan ko na nga eh," humikab sya. "Inaatok na rin pala ako. Sige na uwi ka na, pagod na rin ako. Ingat ka sa daan ha."

Marahan na niya kong tinulak palabas ng pinto.

"Andrea wait!"

"Bye Itan, goodnight!" sabay sara ng pinto.

"Andrea!" I tried to knock on the door and call for her. "Andeng please open the door! Andrea!"

~~

ANDREA'S POV

"UMUWI KA NA ITAN, BUKAS NALANG ULIT TAYO MAGKWENTUHAN. PAGOD NA TALAGA AKO PASENSYA NA!" sigaw ko habang nakasara pa rin ang pinto.

"Andrea!" rinig ko pa ring tawag nya.

"No Tristan, hindi mo na dapat malaman pa. Ayokong saktan ka..."

"Andrea mahal mo pa ba si Dom?"

Mahal ko pa ba siya?

Oo, mahal na mahal pa rin hanggang ngayon. To the point na iniistalk ko pa rin ang facebook niya, twitter and the other things na may kinalaman sa kanya. Hindi ko nga lang magawang bumisita sa site nilang Bekimon Org, madedetect kasi nila ako dun. Malalaman pa ni Dom na may care pa rin ako sa kanya. Malalaman niya pang mahal ko pa rin sya. Hindi kasi pwede eh... hindi 'pa' pwede. Marami pa kaming dapat asikasuhin sa kanya-kanyang buhay namin. Ako, sa pagre-reinvestigate sa kaso ni mama. Habang siya naman, kelangan niyang alagaan ang nanay niyang may sakit

Kelan ba ko magiging handa na tanggapin siyang muli?

Hindi ko alam... I really don't know how and when. Maybe kung kami talaga ang para isa't isa, tadhana na ang gagawa ng paraan para makabalik kami sa isa't isa.

I still do really love him... but I just can't be with him right now.

~~

6:25 AM

*ring!*

"Hello, Papa?" inaantok ko pang sagot sa telepono.

"Anak, hindi ka pa ba papasok sa opisina?"

"SHT." 

"WHAT?!"

"Ay sorry po Papa! Eto na po mag-aayos na ko! Sorry po papa, nalimutan ko lang."

"Okay bilisan mo. Male-late ka na, ang kupad-kupad mo pa namang kumilos—"

"Ito na nga po Papa, sige na po. Bye!"

Tumayo na ko sa higaan at saka chineck ang alarm clock kong hindi nag-alarm, "Pesteng alarm clock ka, ngayon ka pa nasira! Kainis!"

I headed towards the bathroom. Nag-toothbrush at pagkatapos ay agad na tumapat sa shower. Ligong pato nalang ang ginawa ko. Shampoo, soap at banlaw.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now