Wow naman.
Ang aga aga, traffic na!

Ilang minuto din ang tinagal ng byahe ko. Pesteng traffic yan, kung kelan ka nagmamadali e.

Nang makarating ako,

Pinagtanong ko kung saan yung covered court nila Eirik sa barangay nila.

Pag napunta kasi ako dito, di naman ako nagala.
Kaya wala pa ako alam na lugar dito kundi kela Eirik lang.

Di nga malabo na magkasunog dito, dikit dikit yung mga bahay.

Tapos yung mga kable ng kuryente, parang pancit sa sobrang labo labo ng direksyon.

Kita mo sa paligid na malaki nga ang sunog na nangyari.
Nagkalat ang mga gamit sa daan at madaming tao sa paligid.

Madaming bahay ang napinsala.
At madami ding siguradong nawalan ng tahanan. Isa na dun sila Eirik.
Masikip ang daan kasi naabutan ko pa dun ang tatlong truck ng bumbero.

Nang nahanap ko na yung couvered court, nakita ako agad ni Sonny kahit nasa kotse pa ako.
Naghanap ako ng pagpa-parkingan ng kotse ko tapos bumaba.

Pagbaba ko, nakita ko si Sonny na sinalubong ako.

"What took you so long?"

Hingal niyang sabi.

"Traffic e, asan sila?"

"Andun, tara"

Sumunod ako kay Sonny at nakita ko si lola Anita ngunit wala si Eirik.

Nagmano ako kay lola pagdating ko.

Kinamusta ko siya at hinanap na din si Eirik.

"Asan si Eirik, Son?"

Tanong ko habang palinga linga ako sa paligid.

"Anjan lang yun, may pupuntahan lang daw"

"Bakit?" - Sonny

Napatingin ako sa kanya.

"Anong bakit? Aba malamang titignan ko kung okay siya"

Tumalikod ulit ako para maghanap.

Asan ka ba Eirik??

"Ahh... sure ka ba?"

May pilyong ngiti to sa mga labi pagharap ko sa kanya.

Aba loko to ah.

Pinagti-tripan pa ako.

Binalik ko ulit ang atensyon ko para magpalinga linga ulit sa paligid nang may narinig akong boses sa likuran ko..

"Ako ba hinahanap mo?"

Humarap ako sa pinangalingan ng boses na yun.

Pagharap ko, nakaramdam ako ng kung ano sa may dibdib ko...

Tila bumilis ang tibok ng puso ko.

Ito ba yung adrenaline rush?

It's good to see you again...

Sinagot ko siya.

"Hindi no,

Sabay talikod ulit sa kanya.

I feel na talagang namula ako dun.

Sinisilip ko lang yung kotse ko.."

Palusot ko.

"Ah akala ko pa naman kaya ka nagpunta dito kasi nag aalala ka sa nangyari"

May tonong lungkot sa boses ni Eirik.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now