The Princess

10.4K 236 102
                                    

Allow me to dedicate this chapter to my two first voter and reader:

Elydiareyes  & skyliereyes 

******

"Hindi ko na alam ang gagawin sa'yo Xein Margaret." Hinagod ni Don Antonio ang kanyang batok pagkatapos na magbuga ng hangin mula sa kanyang dibdib.

Nasa library sila ng kanilang bahay, sya at ang kanyang unica iha na si Xein Margaret Veranda. Nakatanggap ng tawag si Don Antonio mula sa kaibigan nito na syang Presidente ng unibersidad na pinapasukan ng kanyang nagiisang anak.

Expelled na naman si Xein sa eskwelahang pinapasukan. Ayon sa kanyang kaibigan ay nakipag-away si Xein sa isang kaklase nitong babae, Xein uttered the forbidden word sa loob ng klase "fu***** wh***".

"Pakiusapan ka na lang sa university na pinapasukan mo." Kunot na kunot ang noo ng Don habang kinakausap ang anak.

"E bakit hindi nyo muna kaya ako tanungin kung ano talaga ang nangyari?" kandahaba ang nguso ni Xein. Pasalampak syang nakaupo sa couch ng kanilang library.

Humugot ulit ng isang malalim na buntonghininga si Don Antonio bago inokupa ang couch, tinabihan nya ang kanyang anak. Ipinatong ng Don ang isa nyang braso sa sandalan ng upuan at pagkatapos ay tiningnan ang anak at nagsalita "Alright, what happened?" parang walang ganang sabi ng Don.

"Intresado ba kayo talagang malaman ang kwento o napipilitan lang kayo?" nakasimangot pa rin si Xein, hindi sya tumitingin sa ama.

"Xein, will you please tell me what happen?" nakikiusap na ang tono ni Don Antonio sa anak.

Kabisado ni Don Antonio ang kanyang anak, kapag binitawan na nito ang salitang 'gusto nyo bang malaman kung ano talaga ang nangyari' at hindi nya ito pinagbigyan ay bubuhanglit na ito nang iyak at habang nagagalit sya dito ay mas lalakasan pa ni Xein ang pag atungal.

Minsan ay gusto nang mainis ng Don sa kanyang unica iha, beinte-dos anyos na ang kanyang dalaga pero para pa rin itong bata kung umasta. At masasabing kasalanan nya ang lahat. Anim na taon si Xein nang mamatay ang Mama nito, altapresyon ang naging dahilan nang pagpanaw ng kanyang maybahay. Simula nang naulila sa ina si Xein sa Mama nitong si Donya Marlita ay si Don Antonio na ang tumayong ama at ina ni Xein.

Sunod sa luho ang kanyang dalaga, lahat nang gusto nito ay kanyang ibinibigay. Pero madalas ay parang kulang pa rin ang iniuukol nyang atensyon at pagmamahal kay Xein. Nakaka-tatlong kurso na si Xein, una ay kumuha ito ng kursong Electrical Engineering, naka-isang semestre lamang si Xein at huminto na. nahihirapan daw kasi itong unawain ang ohm's law at power law.

Dahil sa ohm's law at power law ay tambay si Xein sa bahay ng sumunod na semestre at nang magpasukan ay nag-enroll muli ang dalaga ng kursong Political Science, pero naka-isang semestre lang din ulit si Xein. Nakipag-away ito sa kanyang guro dahil pinagbintangan itong nango-ngopya sa isang kaklase sa kanilang mid-term examination.

Nang sumunod na taon ay muling nag-enroll si Xein, kursong Business Administration naman ang kinuha nito. Naka-isang taon naman ang kanyang anak sa nasabing eskwelahan, nang sumunod na taon ay nakipag-away na naman ito sa isang estudyante na naging dahilan ng pagkaka-expelled na muli ni Xein sa nasabing paaralan.

Simula ng magkolehiyo ang kanyang anak ay naka-anim na eskwelahan na ito. Lahat ng unibersidad na pinasukan ng kanyang anak ay may naiiwan itong di magandang record at nai-expelled. Kahit nung nasa elementary pa lamang at high school ay madalas ng makipag-away si Xein. Pero ngayong nagkolehiyo na ito ay parang mas lumalala pa ang kanyang anak.

"Tell me your side of the story." Hinagod ni Don Antonio ang ulo ng anak.

"She started it." Tumanaw sa kawalan si Xein ng may galit sa mata, "she accused me of flirting with her boyfriend pagkatapos... kung ano-ano pa ang sinabi nya." Patuloy ni Xein at andun pa rin ang galit sa kanyang mga mata.

"And the things she had said...does she deserved your answer , fu***** wh***?" malumanay na nagtanong si Don Antonio.

"E totoo naman na wh*** sya Papa, kaya lang naman nya naging boyfriend yung lalaking yun sinedyus nya sa isang party." Kandahaba na naman ang nguso ni Xein.

"Kahit na." malumanay pa rin ang boses ni Don Antonio, "hindi mo dapat binigkas ang mga salitang yun. Ngayon ikaw tuloy ang expelled, sya ang tama at ikaw ang mali." Paliwanag pa ni Don Antonio.

Nagpakawala nang bahagya at walang ganang tawa si Xein pagkatapos ay sinabing: "As usual, kasalanan ko na naman." Tumingin si Xein sa kanyang Papa, "Kelan kaya mangyayaring ako naman ang kakampihan nyo?" may pagdaramdam na sa tono ni Xein.

"Paano ko naman kakampihan yung mali?" Sagot naman ni Don Antonio.

"Mali nga na sinabihan ko ng forbidden language ang classmate ko, pero mali din na insultuhin at pagbintangan nya ako." Nangingilid na ang luha ni Xein pero pinigil nya ang kanyang sarili. "You really have no idea what I am going through Papa basta ang alam nyo lang laging ako ang may kasalanan at ako ang mali."

"Xein anak." Parang nahihirapan na sabi ni Don Antonio, "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo kaya lang iha..."

Hindi na naituloy ng Don ang sasabihin pa nya sana sa anak. Tumayo si Xein mula sa couch at lumakad patungo ng pintuan ng library. "Tell me Papa, kung talagang alam nyo talaga kung ano ang nararamdaman ko hindi ako lalabas ng silid na ito at tatanggapin ko lahat ng sermon nyo." Tumulo ang isang luha sa kaliwang pisngi ni Xein pero mabilis nya itong pinahid. "Tell me ... why am I acting this way?"

Hindi nakaimik ang Don, hindi nya alam ang tunay na dahilan kung bakit pala-away ang kanyang anak. Tumitig lamang si Don Antonio sa kanyang dalaga wala syang maapuhap na salita.

"I thought so." Nailing na sabi ni Xein at iniwan na ang kanyang Papa sa library.



Her Butler...His Princess (kilig, luha at saya ng umiibig Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon