The One With Four Days

Start from the beginning
                                    

Madaldal pa rin si Mama. Kwento nang kwento. Sa trabaho niya. Sa mga kaopisina niya. Sa mga tawag na natatanggap na ginagawa niya. At nakapagbigay lang ako ng totoong atensyon nang magkwento siya tungkol sa magtatay.

"Kumusta ka naman sa dalawang ito?" tanong ni Mama. "Hindi ka na ba inaaway?"

Deretsahan naman kasi. Napatingin ako kay Tito Raul. Inabangan ko ang reaksyon niya. Tumingin muna si Tito kay Mama. Natakot ako. Pero nawala rin agad nang tumawa siya.

Tumawa na lang din ako.

"Ito ngang si Jessie," sabi ni Mama. "Gustung-gusto bumawi. Akala ko, kay Honeybunch ko galing ang roses sa mesa pag-uwi ko, sa kanya pala."

Andaming nasabi ni Mama. Honeybunch na ang tawagan nila? At may roses si Mama. Bakit? Tumingin ako kay Jessie. Naramdaman ko ang tuhod niyang tumama sa tuhod ko. Parehas kaming naka-shorts kaya't balat niya ang dumikit sa balat ko. Naramdaman ko pa ang pagdidikit ng mga mga balahibo namin sa hita. May kuryente itong kasabay at nakuryente ako. Ngumiti na naman si Jessie.

Nag-usap ang mga mata namin. Ang lokong ito, nililigawan ang mama ko. Napangiti na rin ako. Pero may taas ng kilay na kasama.

"Inggit ka, no? Ikaw wala," biro ni Mama. "Huwag ka nang umasa dahil bawal na ang mga kalokohan ninyo."

"Pero pwede naman silang magmahalan bilang magkapatid," sabi ni Tito Raul. "At hindi magtatagal, konting panahon na lang. mangyayari na iyon."

Doon ako nagising sa usapang iyun.

Iba na namang level ito. Nakakadalawang araw pa lang si Jessie, pero parang kailangan na niyang tumigil. Malaking hadlang ang Tatay niya sa relasyon namin kung nagkataon. At parang sang-ayon na si Mama kay Tito Raul.

Ngumiti lang si Jessie. Ngumiti na lang din ako.

Inabutan ko si Jessie sa entertainment area ng bahay. May dalawang malaking sofa set doon, at bean bag. Nakaupo si Jessie sa pangdalawahang sofa habang nakataas ang mga paas sa table. May popcorn siyang kinakain habang nanonood ng mga spaceships na naghahabulan.

"Akala ko ginagawa mona yung paper natin," sabi ni Jessie.

"You need help with yours? Tara, gawin natin," sabi ni Jessie.

"Hindi naman, hindi pa rin ako nagsisimula," sabi ko. "Tinatamad pa rin ako. "Mamayang gabi na. Sa Monday pa naman yun. Kahit bukas ko pa gawin."

"Nice," sagot ni Jessie. "Ako bukas pa rin."

Umupo ako at nakinood. Every once in a while, tinitingnan ko ang phone ko. Wala pa rin kasing paramdam si Gabriel. Hindi rin naman ako sumusuko sa pangungulit. Hindi pa naman ako nagagalit.

"Have you seen this, nagma-marathon ako ng episodes 3-5. Start pa lang," sabi ni Jessie.

"Hindi pa," sagot ko. "Pinanood namin ni Mama yung 1, 2 and 3. Pero hindi ko na rin maalala ang mga nangyari. Tagal na rin kasi noon at bata pa ako."

"Huwag mo nang tingnan ang phone mo," sabi ni Jessie. Nakita niya akong dinukot na naman ang phone ko sa bulsa. "Hindi na magre-reply yun."

Ngumiti na lang ako at sinamahan ko siyang manood.

Inabutan niya ako ng popcorn. Merienda na naman. Kumuha na rin ako.

"Will you sit beside me kung yayayain kita sa tabi ko?" tanong ni Jessie.

Hindi na ako sumagot.

Umalis ako sa inuupuan ko at naglakad patungo sa tabi niya. Ipinatong ko na rin ang ulo ko sa balikat niya.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now