Nilapitan ko sya at kinuha ang syringe mula sa bulsa ng doctor's suit na ninakaw ko lang mula sa doctor na binugbog ko sa kwarto sa itaas.Tinanggal ko na rin yung lecheng face mask dahil hindi ako makahinga nang ayos. Ipinwesto ko na ang injection sa dextrose at dahan-dahan ipinush.

Huwag kayong mag-alala, hindi ko pa papatayin ang mahal niyong bida. At baka mapatay din ako ng bossing ko. Pampatulog lang 'to mga ugok!

Baka kasi 'pag kinidnap ko 'tong babaeng 'to ay magising at magsusumigaw pa, mabubulilyaso ang plano ko. Tang*na.

Ayan, napapamura na ko. Leshe naman kasi! Bat di pa ko pinanganak na may subong ginto sa bunganga tulad nung Chuck na yun? Tss, e'di sana hindi nya ko utusan ngayon!

Nang masiguro kong tulog na tulog na nga ang prinsesa eh binuhat ko na sya pasakay ng stretcher at saka mabilis na inistokwa palabas ng ospital.

~~

DOM'S POV

"Okay ka na ba dito?" I asked Sophie.

She nodded. "Thank you Babe."

I pat her head, "Matulog ka na."

Nandirito na kasi kami sa condominium na inupahan ko para matulugan namin. Nagmakaawa kasi si Sophie na huwag ko muna daw siyang iwan hanggang sa makatulog sya. Pumayag na ko tutal 'pag nakatulog na naman sya eh pwede na kong bumalik sa asawa ko.

Naaawa lang talaga ako kay Sophie sa sinapit nya, dahil pati sya eh nadamay pa sa gulong idinulot ko. Ang tanong ngayon sa isipan ko eh kung anong pumasok sa kukote ni Tatay at nagawa niyang kidnapin si Sophie. Hindi ko naman mapwersa si Sophie na magkwento agad, dahil mukhang may phobia pa siya sa mga nangyari. Tsaka sabi nya bukas nya nalang sin daw ikukwento lahat-lahat, pati na yung sasabihin nya dapat saken bago sya makidnap.

"Babe," naramdaman ko ang paghawak ni Sophie sa kamay ko.

"Hmm?" hindi ko na sya kinokontra sakung anumang tawag nya saken, masyado na siyang pagod para pagtalunan pa namin yun.

"Salamat ulit."

"Wala kang dapat ipagpasalamat saken. Ako nga ang dahilan kung bakit ka nakidnap nung amain ko eh."

"Ah basta thank you pa rin," she smiles. "Dahil d'yan, ipagtitimpla kita ng gatas. Diba dati hindi ka nakakatulog kapag hindi ka umiinom ng gatas? Habit mo pa rin ba yun hanggang ngayon?"

"Minsan nalang."

"Oh bakit? Hindi ba alam ng asawa mo ang habit mo na yun?"

"Hindi eh, sa dami ng nangyari hindi na siguro importante yun."

"Ay naku, basta ipagtitimpla pa rin kita okAY?" she insisted at saka tumayo mula sa higaan.

Hinayaan ko nalang sya. Kilala ko yang si Sophie, hangga't hindi nasusunod ang gusto, hindi titigil sa pangungulit.

"Higa ka muna d'yan Babe, I'm sure napagod ka ng sobra at stress ka rin, right?"

"Uh-huh," sagot ko while eyes shut. Hindi pa man sinasabi ni Sophie ay kusa nang humiga ang katawan ko. Ang sakit kasi ng likod at ulo ko eh.

"Here," namalayan ko nalang na nasa harapan ko na sya.

"Thanks," at saka kinuha sa kanya yung isang basong gatas. Ininom ko yun ng straight. Alam nya pa rin na maligamgam lang na tubig ang gusto ko sa gatas.

After kong inumin ng isang inuman lang yun ay akma na sana akong tatayo para makahiga na siya't makatulog nang bigla niya kong pinigilan.

"Huwag ka nang tumayo Babe, d'yan ka na rin matulog."

"Ha? Pero—" hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang bigla akong makaramdam ng matinding hilo.

"Pagod ka na Babe, kaya matulog ka nalang asdfghjkl..." yun lang at ang lahat ay naglaho na sa paningin ko.

~~

Andrea's POV

"Argh... Ang sakit ng ulo ko," napahawak ako sa ulo kong tila pinupukpok ng martilyo.

"Hubby?" tawag ko sa asawa ko habang nakapikit pa rin.

"Hubby, asan ka?" nagtaka ako dahil biglang nag-iba ang paligid, "Teka, asan ako? Hubby!"

Natataranta na ko, nasa isang di-kilalang kwarto kasi ako na sa palagay ko'y kwarto ng isang lalaki dahil sa lapad nito at sa kulay ng pintura.

"Hubby ko! Asan ka? Hubby!" tumayo ako at pumunta sa may pintuan. Sinubukang buksan iyon ngunit tila naka-lock mula sa labas. "Hello?! May tao ba d'yan? Papa?! Hubby?!"

"Aish!" lalong sumasakit ang ulo ko. Ano bang nangyayari?  Asan ako?

At nasaan ang asawa ko?!

~~

Pasensya na guys, yan lang nakayanan ng powers ko. :3 Loaded ang sched ko. [wow, lumo-loaded =D] imissyou guys! :*

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now