Paano niya bang nasasabi ito lahat? Kung siya sana ang mahal ngayon. Hindi ba siya nakakaramdam ng selos na kahit ano? "Do you still love him?" Doon ako natahimik sa tanong niyang 'yon.

Pakiramdam ko parang umurong bigla ang dila ko sa tanong niyang 'yon. "Kapag sinabi ko bang Oo? What will you do?" Sinabi ko 'yon. Nakita ko kung paanong bumagsak ang mag-kabila niyang balikat at napa yuko siya. Umangat ang tingin niya sa akin at nagulat ako ng mayroong namumuong luha sa mga mata niya.

"Baby!" Napa lingon ako sa tumawag sa kanya. Sino pa ba ang tatawag non sa kanya? Walang iba kundi si Morgan. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Pinunasan naman niya ang isang butil ng luha na pumatak sa pisngi niya. Lalapit na dapat si Morgan sa kanya pero napa hinto ito ng lagpasan na lamang siya ni Micah. Kunot noo namang tumingin sa akin si Morgan at pagkatapos 'non. Sinundan niya na si Micah.

Parang sinampal na ako ng reyalidad. Oo nga pala. Hindi na ako ang priority niya, Hindi na ako ang mahal niya. Wala na ako para sa kanya. I'm just his ex. Nothing else.

Hindi ko namamalayan nawala na siya sa paningin ko dahil nakalayo na siya. Sino nga na naman ako? Tama lang naman na sundan niya si Micah. Pumikit na lamang ako ng mariin. Ang sakit lang.

Yung tingin ni Morgan sa akin na 'yon. Alam kong galit siya. Galit siya sa akin at doon nasaktan agad ako. Siguro kaya siya nagalit sa akin, nasaktan ko yung babaeng pinagkakaingatan niya ngayon. "Finally, you totally waked up." Tumingin ako sa gilid ko.

"Cherry.." Sabi ko. "You deserve that pain." Galit na sabi niya. "Wag kang umasta na parang ikaw ang kawawa dito. Dahil mas kawawa ang Pinsan ko." Nagulat ako ng sabihin niya 'yon.

"Yes, pinsan ako ni Morgan. Di mo alam diba? Dahil ayokong makilala kita." Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya.

"Ang mga tao na katulad ng pamilya mo ang mga taong pinaka mababang uri sa paningin ko. Ginagamit niyo ang pagpapakasal para lumawak lang ang connections niyo. I pity you." Nanlisik ang mga matang sinabi niya 'yon.

"Kung mayroon kang balak na sirain ang bagong relasyon ng pinsan ko. Itigil mo." Sabi niya.

"Walang wala ka kung ikukumpara kay Micah, you're just his ex." Tiim bagang niyang sabi at iniwan na ako dito.

Hindi na ako nakapag salita sa mga katagang binitawan niya. Tinamaan ako, Oo. Tinamaan ako sa mga sinabi niya. 

**

"Can we talk?" Lumingon ako sa kanya. Sinabi ko na nga ba, dadating yung oras na kakausapin niya ako. "Yes. About what?" Lakas loob kong sabi.

Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko na simpleng usapan lang ito. Pero hindi, alam kong galit siya. Dahil sa tono ng pananalita niya palang sa tingin niya. "Don't get me wrong, Bat mo sinabi 'yon sa kanya? Di mo ba inisip kung ano ang mararamdaman niya? Jess. How selfless you are." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Kahit madilim at tanging buwan nalang ang nag-sisilbing liwanag kitang kita ko parin ang mga mata niyang galit na naka tingin sa akin. "Wala akong sina--" "Anong wala? Sinabi mo s--

"Alam niya! Alam niya yung tungkol sa akin Morgan! Alam niya kung ano yung nakaraan nati--"

"Does not what i mean! Sinabi ko ang tungkol sa atin bago maging kami. Bakit kailangan mo pang sabihin na mahal mo ko? Nasaktan siya." Ramdam na ramdam ko ang galit niya.

"Dahil 'yon ang totoo. Morgan, I still love you!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, naging tahimik ang buong paligid ng sabihin ko 'yon. "I'm sorry.. " yon ang sinabi niya.

"When you dumped me, siya lang ang nasa tabi ko." Sabi niya. "Jessica." Humugot siya ng malalim na hininga.

"I love her, only her." Ang mga luhang pinipigilan ko kanina tuluyan ng pumatak sa pisngi ko. "I moved on, Sana ikaw din." Sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik nalang. Hindi ko alam pero mas tama ang gawin kong tumakbo nalang papaalis sa lugar na to kung nasaan kaming dalawa.

**

Habang tumatakbo si Jessica patuloy parin ito sa pag-iyak. Para siyang bata tuloy na naiwan sa isang parke na hinahanap ang mga magulang niya. Hindi niya namalayan mayroon na siyang naka bangga. Pero alam naman niya kung sino ang nabanggan niyang 'yon. Hindi na siya naka galaw at patuloy na lamang siya sa pag-iyak.

Dinampi na lamang ni Kris ang isa niyang kamay sa likod ni Jessica. "Umuwi na tayo sa Manila. I can't bare to see them." Umiiyak na sabi ni Jessica.

At dahil sa nalaman ni Kris ang tungkol kay Morgan at Jessica. Nagkaroon siya ng kaunting awa dito. "Yes, we will." Sagot naman niya.

**

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon