[26] I do? I don't?

Start from the beginning
                                    

Nagulat naman ito sa inasta ko. "Naku po! Hindi po ma'am. Ngayon lang po." Sagot niya. Tumango na lamang ako at mas nauna na sa kanya. Pinagbuksan naman niya agad ako ng pinto ng sasakyan at sumakay naman narin ako doon. Nag simula naman narin siyang mag drive papunta sa pag aayusan ko.

Di kilalaunan nakarating din agad kami doon dahil wala naman masyadong traffic. Bumaba na agad ako pagka hinto palang. Poker face akong nag-lakad papasok sa loob. Sinuot ko na lamang ang shades ko.

Pumasok ako sa isang kwarto at sumalubong naman kaagad sa akin ang Lola ko. "Jess, Hija!" Tawag nito at niyakap ako agad. Tinugon ko rin naman 'yon. Tiningnan ko naman ang Mommy at Lola niya masaya naman silang ngumiti sa akin.

Nag palit muna ako ng bathrobe sa banyo at lumabas narin. Sinabi kasi sa akin ni Trinity 'yon para maging komportable ako habang inaayusan niya ako.

Sinuklay suklay niya ang buhok ko at isa isa 'yong nilagyan ng pink na rollers. Pagkatapos 'non. Isa isa niya ng ginawa ang pagme make up sa akin.

"So here is the Wedding Gown!" Napa tingin ako sa reflection ng salamin si Miranda. Inilapag niya ang white box sa ibabaw ng kama. Pero wala naman akong naramdaman na kahit anong excitement. Yung mga gown na susuotin ng mga kasama ko dito dala dala rin ng assistant niya.

"Actually, Sorry in advance mga madam." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Yung gown na dapat na susuotin ni Ganda, hindi ko na gawa." Sabi niya.

"WHAT?!" Sabay na sigaw ng tatlo. "Pero don't worry, Nagawan ko naman ng paraan. At bagay na bagay naman sa kanya ang gown." Sabi niya at binuksan ang white box. Ipinakita naman niya ang gown sa amin.

"Wow, it's wonderful. Bilib parin talaga ako sayo Miranda!" Sabi ng Mommy ni Kris.

Hindi ko na lamang sila pinansin pa. Hanggang sa matapos na ang pag-aayos sa akin. Tinulungan nila ako sa pag suot ng Wedding gown ko. Humarap ako sa salamin at ngayon ko lang napag tanto na. Yung gown..

Ito yung pinagawa daw na gown ni Morgan. Habang nilalagay nila ang vail ko ngayon ko lang napagtanto. Hindi ko alam pero bumigat na lamang ang pag hinga ko.

Tiningnan kong maigi ang sarili ko sa salamin, nakita ko namang may namumuong luha sa mga mata ng Lola ko dahil nakikita ko siya sa reflection ng salamin. "Apo.." Napa yuko siya kung kaya't nilingon ko naman siya. Ngumiti ako sa kanya ng pilit at bahagya ko siyang niyakap. "Ikakasal na ang Maomao ko." Napa iyak niyang sabi.

Napa tawa na lamang ako. Kumalas naman na ako sa yakap. Sabi ng photographer kailangan ko paraw ng pictorial. Ugh! Hindi pa ba sapat yung sa photoshoot namin noon ni Kris? Tsk.

**

THIRD PERSON's POV

"Morgan, do you still love me?" Hindi niya sinasadyang marinig 'yon, hindi niya sinasadyang marinig 'yon mula sa babaeng pakakasalanan niya na ngayon. Kumunot ang noo niya matapos niyang marinig ang tanong na 'yon para sa kabilang linya.

'Why?' Sabi niya isip niya. Oo, nag-tataka siya kung bakit tinanong 'yon ni Jessica kay Morgan. Sapagkat, ang alam lang naman nila investor ang pamilya ni Morgan sa business nila Jessica. Pero bakit ganoon?

Tiningnan niya ang lalaking naka puting polo at pumunta sa garden. Hindi siya nakita nito dahil sa kurtinang natatabunan siya. Pagkatapos ng ilang minuto, naka sunod ito kay Jessica na papalabas ng bahay hanggang sa makalabas na ito.

Dahan dahan naman niyang tinungo ang daan papunta sa garden habang naka pamulsa. Tinitingnan tingnan niya ang langit, Tahimik lang niyang tiningnan ang iPhone niya. Nalungkot agad siya ng makita niya ang maamong mukha ni Sandy na naka wallpaper sa iPhone niya. Ayaw niya 'man gawin ang pagpapakasal kay Jessica pero gagawin niya 'yon alang-ala sa kaligtasan ng babaeng iniingatan niya sa lahat.

Napa tingin siya sa puting bench, at naka kuha naman ng tingin niya ang cellphone na puti. Hindi niya na dapat kukuhanin 'yon pero ang mismong kamay niya ang kumuha non.

Napag alamanan niyang Cellphone ito ng babaeng pakakasalanan niya. Umupo muna siya sa bench at wala naman masama kung gamitin niya ang cellphone na ito dahil mapapangasawa naman niya narin ang nagmamay ari nito kahit ayaw niya.

Isa isa niyang tinitingnan ang mga litrato sa album ng Cellphone ni Jessica. Napakunot ang noo niya ng may makita siyang litrato ni Morgan na kasama si Jessica, nag-iisa lamang 'yon litrato. At bakas naman sa mukha ni Jessica na kakaiba ang ngiti niya dito.

Sa sunod na pag slide niya, Nakita niya ang picture na may kasama si Jessica na isang babae na mayroong edad na at hawig na hawig 'yon ni Jessica. Sa isip isip ni Kris sino naman ang babaeng ito?

Umiling iling na lamang siya. Pagkatapos 'non, ibinulsa niya na lamang ang Cellphone nila parehas. Gusto niyang tawagan si Sandy pero alam naman niyang hindi nito 'yon sasagutin. Umiiwas na nga talaga ito sa kanya, lumalayo na talaga sa kanya.

Huminga na lamang siya ng malalim, masakit 'man pero wala na siyang magagawa. Dahil dumating na ang araw na ayaw niya ng sumapit.

"This is the worst day of my entire life." Sabi niya at tumalikod na upang makapunta na sa pag-bibihisan niya.

**

"Are you sure? Andoon na siya." Tanong ng Daddy ni Kris sa kabilang linya. Sumagot naman ng 'Yes, Sir.' Ang nasa kabilang linya. Napa ngiti at nilingon ang babaeng naka upo ngayon sa isang silya at naka palupot ang tali nito sa katawan.

Pati sa paa, at kamay. May tape ang bibig nito kaya wala itong magawa kundi ang tignan na lamang siya. Kinuhanan niya ito ng litrato at sinend sa kanyang na si Kris. "Kayo na ang bahala dito." Malamig na turan niya at nilisan na ang lugar na ito upang makapunta na sa simbahan.

Naka yuko si Jessica na bumaba ng puting sasakyan. Kaagad silang sinalubong ng mga reporters at photographers. Nasa kaliwa niya ang Lola niya at Kanan naman ang Daddy niya. Hawak hawak niyang ang white roses.

Hindi kilalaunan, lumalakad na siya papunta sa Altar. Pirmis lang siyang naka yuko at naiiyak. Maraming tao ang naka rating. Pero may isang tao na naka kuha ng pansin niya bago siya makadating kay Kris.

Si Morgan.. Ngumiti ito sa kanya bago siya tumalikod. Sa pag harap niyang 'yon ang pag tulo ng isang butil na luha sa kanang pisngi niya. Pero si Kris naman? Wala. Blanko ang emosyon. Naka tingin lamang siya sa harap.

Nag simula na ang serimonyas ng Pari na hanggang sa matapos na 'to pati narin sa exchanging vows nila na mga magulang ni Kris ang gumawa. "Jessica Jung, tinatanggap mo ba itong si Kris Wu bilang iyong asawa sa hirap at ginhawa?" Tanong ng Pari sa kanya.

I do? I don't? Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Halos ilang minuto na ang lumipas ng mapadako ang tingin niya sa ama niyang si William. Alam niya kung ano mayroon sa tingin nito. At sa kabila naman si Morgan.

Hindi niya inaasahan na parang namumula ang gilid ng mga mata nito at namumula ang ilong. Akmang tatalikod na siya pero kaagad siyang hinawakan sa braso ni Kris upang mapalingon siya roon. "Are you out of your mind?" Tanong nito na nakapag bigay sagot sa pweding mangyayari kapag tinuloy niya ang gagawin niya.

Wala naman na siyang nagawa pa kundi ang tumingin na lamang sa pari ng ulitin nito ang tanong sa kanya. "I.. I.. I.. I do." Nauutal niyang sagot.

Ganoon rin ang tinanong ng Pari kay Kris at sumagot naman ito ng "I do." Sa malamig na turan.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng halikan na ni Kris si Jessica.

"Welcome to Hell, Jessica." Madilim na mukha na sabi ni Kris.

**

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now