The One With the Mask

Start from the beginning
                                    

Ngumiti lang si Jessie.

"Mas lalo kitang nagugustuhan," sabi ni Jessie.

"Gusto mong empowered na ako?" sabi ko.

"Oo," sagot ni Jessie.

"Sinabi rin sa akin yan ni Gabriel," sabi ko.

"Ang laki na nang pinagbago mo," pansin ni Jessie.

"Pansin ko din," sabi ko. "Ganun pala iyun. Kapag nasasaktan ka, wala kang magagawa kundi i-adjust ang mga bagay-bagay sa buhay mo para malampasan ang sakit. Tiis lang nang tiis hanggang sa makayanan. At kapag na kaya na, nagiging mas malakas na. Mas empowered. Tulad nang napapansin ninyo sa akin ngayon."

"Dami mo ring natutunan," sabi ni Jessie.

Natahimik kami nang kaunti. Bumalik ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa parador. Tumayo si Jessie at tinulungan ako. Napatabi siya sa akin at naramdaman kong nagtama ang aming mga braso. Ang aking medyo patpating braso sa namimilog niyang biceps.

"Ako na lang," sabi ko. "May sarili akong ayos."

Totoo naman yun. Magkakasama ang magkakakulay at ang mga okasyon na isusuot ko.

Bumitaw si Jessie sa mga damit. Pero hindi siya umalis sa tabi ko. Naupo siya doon at nagpatuloy sa pagtingin sa akin.

"Hinalikan kita kasi baka iyun na lang ang huling pagkakataong pwede kong gawin iyun," sabi ni Jessie. "Kasi alam kong seryoso na si Papa kay Tita Veron."

Hindi ako nagsalita. Ako ang nagbring up ng usapin na ito. Hindi ko naman alam na tutuloy. Natigil na nga.

At itinuloy pa ni Jessie.

"Pero pinagsisihan ko iyun," tuloy niya.

"Hala," sabi ko. "Bakit? Iyun ba yung turning point mo?"

"Pinagsisihan ko kasi, ang sarap pala," sabi ni Jessie. "Gusto ko pa. Hinanap ko pa. At alam ko na hindi na pwede."

Tumayo ako at inilagay ang mga nasalansan kong damit sa aparador.

Tumayo na rin si Jessie at umupong muli sa kama.

"Sorry dahil sa akin, naging bakla ka," sabi ko kay Jessie.

Natawa lang si Jessie

"Sana pala, hindi ko binigay ang best ko sa pagkiss back," tuloy ko. "Ganun pala ako kagaling, parang si Prince Charming. Nagising ang sleeping beauty sa loob mo."

Natawa ako sa joke ko. Natawa din si Jessie. Pero sandal lang. Yung tawang nabibilang, na 'pag sinabing andami kong tawa, twelve, parang twelve lang talaga ang tawa niya.

"Nasabi ko na naman iyun sa iyo, bago pa kita bugbugin, gusto na kita, interesado na ako sa'yo," sabi ni Jessie. "Baka nga mahal na kita noon pa. Hindi ko lang alam tulad ngayon. Mahal na mahal kita."

"Thanks," sabi ko.

Tumabi ako kay Jessie. Huminga nang malalim. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang hinliliit niyang dumidikit sa kamay ko.

"You're welcome," sabi ni Jessie at naramdaman ko ang hiniga niya sa buhok ko, bago ang kanyang halik.

"Ehem,"

Napaupo ako nang tuwid, bigla nang marinig namin si Tito Raul.

"Good," sabi ni Tito Raul. "Nagba-bonding na kayong magkapatid. Siguro next time, labas na lang tayo."

Uhm, wag na lang po. Yung huli nating labas.

Nabasa yata ni Tito Raul ang iniisip ko.

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Tito Raul. "Hindi na mauulit kung anuman ang nangyari nung huli tayong magkasama-sama."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now