Chapter 25

2.2K 60 26
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

                                  "The unexpected always happen."

"Ana?" gulat na bulalas ni Ace.

"Shhhhh..." saway ni Ana sa binata at lumingon-lingon ulit para makatiyak na walang nakarinig.

At bago pa magkausap ang dalawa ay tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na half-time.

"Paano - Baki-"

"Captain, tara na!" 

"Ace!" 

"Pare, game na!"

Nilingon ni Ace ang mga kasama saka nalilitong muling tumingin sa kaharap na mascot na kaboses nga ni Ana. Sumenyas naman si Ana kay Ace umalis na ito dahil start na nga ng game. Walang nagawang nagpatianod si Ace.

Habang patungo sa mga kasama ay palingon-lingon pa rin si Ace sa direksyon ni mascot Ana.

Is that really Ana?

Then biglang pumasok sa isip ni Ace ang naging pag-uusap nila ni Ken kani-kanina lang. Na hinahanap nito si Ana sa audience dahil manonood nga daw ito.

Napailing si Ace.

But why she is wearing our team's mascot? takang tanong ni Ace sa sarili. Nagkibit-balikat na lang si Ace at sa huling pagkakataon ay muling lumingon kay Ana. Napangiti ang binata dahil sa presensiya ng nililigawan. Aminin man niya o hindi, malaking bagay iyon sa kanya.

Nang makita ni Ace na masayang nagthumbs-up sa kanya si Ana, nakangiting nagthumbs-up din siya dito bilang tugon.

Tuwing nakakashoot si Ace ay hindi maiwasang pumalakpak din ni Honey kasama ang mga kaupo niyag mga miyembro ng Student Council.

"Wow! Ang galing talaga ni Ace!" wika ng katabi kay Honey. "Pinagbigyan niya lang yata yung mga taga SABM maka-score!" dagdag pa nito at napakagat-labi ng mapagtantong mula nga pala sa SABM si Honey na kalaban ng school nina Ace. "Ay, sorry Honey. SABM ka nga pala."

"Okay lang. Magaling naman talaga si Ace eh," sagot naman ni Honey sa katabi.

"Ahhhhh... Naalala ko na. Di ba kababata mo nga iyang si Ace?" tanong ng nito kay Honey.

Tumango si Honey. 

Napatingin ang kausap kay Honey.

"As in childhood friends kayo?" puno ng curiosity nitong tanong.

Tipid na ngumiti si Honey. "Yup..."

Naaintrigang pinagmasdan ng katabi si Honey. "Naging kayo?"

"What's this? Baka mamaya feature na ang usapang ito sa school paper ha," pabirong wika ni Honey.

"Uy, hindi ah. Pero kung gusto mo, pwede rin," pilyang balik nito. "Kaya ano, naging kayo ni Ace?" sabay turo sa naglalarong binata.

Muling pinagmasdan ni Honey si Ace na naglalaro sa court. Pagak na tumawa ito sa katanungan ng katabi. "We're just friends," sagot ni Honey.

Yeah, friends lang. Period.

Tumaas naman kilay ng kausap. "Gasgas na yan 'te!"

"Oo nga. Friends lang kami. Kung kami eh di sana lam na ng buong SBU."

"Sabagay..." nakumbinse kaagad ang kausap ni Honey. Iyon nga lang ay hindi pa pala ito tapos sa pang-iintriga. "Pero may gusto ka kay Ace?" nanunukat ang tingin na bato nito kay Honey.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now