Chapter 7

3.2K 54 5
                                    

Chapter SEVEN

"If my target moves just as I want them to... Now that's a real hunt" 

                                                                     -Hunter X Hunter

PARADISE. 10 PM.

“F*ck!” Inis na umupo si Ace sa isang bar stool. “Give me Vodka.” Utos niya sa bartender. Agad namang nagsalin ang bartender at binigay order niya.

Nagpupuyos na ininom niya ng straight ang vodka. “Give me another one.” Order niya ulit sa bartender. Muli naman siyang binigyan nito. Ininom ulit niya iyon sa isang lagok lang.

Hindi siya makapaniwalang hindi siya sinipot ni Ana. But he expected that somehow. With their brief encounter, he concluded that she disliked him. A lot. Bad for her, he wants her. Ang sarap lang kasi nitong galitin at tuksuhin. Alam niyang mag-eenjoy siyang inisin ang dalaga kung sakali. Walang boring na moment kapag ito ang GF niya.

Wala naman talaga siyang balak makisakay sa maling akala ng mga kasama nito noong una niya itong makita sa labas ng Paradise. Wala nga siyang pakialam dito eh. Kaya lang napansin niyang nahihirapan ito sa sitwasyon nito. Hindi siguro nito inakalang siya pala yun nang ituro nito sa mga kasama. Akala nito ay siguro ay kung sino lang.

Bored na rin lang siya ng gabing iyon, naisipan niyang maging isang good samaritan for that night. Sinabi tuloy niyang boyfriend nga siya nung babaeng nagngangalang Ana. Napansin din niyang dapat ay aamin na  si Ana sa mga kasama nito tungkol sa pagsisinungaling at pagkakamali, kaya lang naunahan niya ito. Well, masyado itong mabagal umamin eh. Hayan tuloy. Wala na itong magagawa pa. Isa pa, nagulat din siya sa naging reaction ng dalaga. Akala niya ay magpapasalamat ito sa pagsalba dito mula sa kahihiyan. Sa halip, dineny ba naman siya? No denies Ace. No one. Kaya sorry na lang si Ana.

At higit sa lahat, hindi niya inakalang tatakbuhan siya ni Ana! Kaya ngayon ay pinaghahanap talaga niya ito. Kailangan itong turuan ng leksiyon sa ginawa nito.

Pero paano nga ba niya hahanapin si Ana? She’s Ana what? Ang alam lang niya ay ang pangalan nito. Sa physical features, ang masasabi lang niya ay maganda ito at cute din. Wala man lang bahid ng kolorete ang mga mukha nito pero maganda pa rin talaga. Unlike other girls na nagiging maganda lang dahil sa magic ng make-up. Si Ana ay natural lang. May lahing ‘Kano din siguro si Ana dahil may pagkatisay ang dalaga. May katangkaran din ito.

Kahit alam niya lahat ng iyon sa dalaga, wala rin lang iyong silbi. Hindi naman puwedeng magpasketch siya ng mukha ng dalaga sa police station at sabihing wanted ito para lang mahanap.

Ang ginawa na lang niya, nagpapaskil tuloy siya ng mga poster sa lahat ng universities sa Baguio. Letter iyon para kay Ana. He knows that when Ana will see that poster, she will understand that it came from him immediately.

“Ace?”

“I said I don’t need a company right now!” iritadong wika niya. Kanina pa siya iniistorbo ng mga kung sinu-sinong mga babae.

 “Ace, ako ito – si Kelly!” excited na pakilala ng babae.

Kelly? Wala siyang natatandaang ganoong pangalan.

Kunot-noong tinignan ni Ace ang babae. Pamilyar sa kanya ang mukha pero di niya matandaan kung saan niya ito nakilala o nakasama man lang.

“Ah, ako si Kelly. Remember?” ulit uli ng babae.

Nanatili lang siyang blangkong nakatingin dito.

“Kelly…uhm…yung pinakilala sa iyo ni Ana diyan sa may labas ng Paradise dati.”

“Ana?” Sa lahat ng sinabi nito, iyon lang ang tumatak sa kanya.

Nagliwanag mukha ng babae. “Naalala mo na ba ako? Kelly…Remember?!” todo smile na paalala ulit nito sa kanya.

Hmmm… He might get something useful from her in finding Ana.

“Yeah… I remember you’re…” What’s her name again?

“Kelly!” masiglang pagpapatuloy nito. Umupo ito sa katabing bar stool.

“Asan yung boyfriend mo?” usisa niya ng mapansing mag-isa lang ito.

“Ah si Owen ba. Nandiyan lang yan.”

Nice! Mas makakausap niya ng mabuti itong si Karen.

“Give her a drink," uos niya sa bartender. “What do you like?” baling niya.

“One Bleu Che na lang.”

Agad namang kumilos ang bartender at minixed ang drink na nirequest. Inabot nito iyon sa dalaga after.

“Thanks for this," sabay sipsip ng drink nito. “Teka lang…” Luminga-linga ito na tila ba may hinahanap. “…asan si Ana?”

Good!  That’s my cue!

“Well…” he paused then acted to breathe heavily. “…she’s still mad at me.”

“Awww…Ganun lang talaga si Ana. She can be moody. Not sometimes but most of the time. And she’s so serious about everything.”

She fell for his act! Lihim na napangiti si Ace.

“We’re not in good terms for a few days already. She’s not answering my calls. I don’t know how she is doing in the past days.”

“About Ana, I just saw her yesterday sa school. She looks okay naman!” nagtatakang puna nito.

“School?”

“Oo sa Anne Heights. Come to think of it, bakit di kita nakikitang sunduin man lang si Ana doon?”

Anne Heights! Pareho pala silang sa SBU nag-aaral ni Ana. Yun nga lang sa Anne Heights campus pala ito.

“Ana don’t like people to know na kami na.”

“If that’s coming from Ana, I don’t doubt that. No offense meant but di ko inimagine na si Ana at ikaw…” Tumawa ito. “Ako pa siguro at ikaw Ace, pwede! Pero kayo ni Ana…” Napailing ito. “But dahil kayo nga, then anything is possible nga siguro.”

“Maybe we are just meant to be together.” He joked.

“Maybe…maybe not…Who knows di ba? Pero I already feel sorry…” she takes another sip of her drink.

“To Ana?”

“Kelly!”

Lumingon ito sa pinanggalingan ng sigaw saka kumaway ng makitang si Owen pala iyon. “I’m coming there hon!!” ganting sigaw nito.

“I better go. Andiyan na si Owen.” Inubos nito ang natitirang Bleu Che saka nagpasalamat. “Salamat ulit sa libreng drinks!”

“No worries.”

Nakatalikod na ito ng muli itong lumingon na tila ba may naalala. “Oh, I’m feeling sorry for you…it’s not for Ana.”

“What do you mean by that?” confused niyang tanong.

“Kelly!!!”

“Naghihintay na si Owen ko. Sige bye, bye!”

“Wait –”

Ngunit agad na itong nakalayo at wala na siyang nagawa pa.

The hell! What does that supposed to mean?

Shouldn’t it be the other way around?

=========================

A/N:Malapit na pasukan... huhuhu... kainis... parang tinatamad na tuloy akong mag-aral ulit.. hehe.. joke lang! Sayang naman binayad ko sa tuition ko for 2 sems kung sakali.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon