Chapter 16

3.2K 85 15
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"You are everything I never knew I wanted."

                                          - Unknown

***Louder! Louder! Louder! Louder! I’m staring out my window, and the rain is pouring down. When you left, I was so low, But I'm not gonna drown...***

Ana woke up because of the non-stop ringing of her cellphone. Hirap ang matang dinilat ni Ana ang mga mata. Madilim pa sa labas at wala pang araw. She looked at the alarm clock at her bed side table. Nalaman niyang four am pa lang ng umaga.

Four am?

Sinong tumatawag sa kanya ng four am in the morning?!

Arghhh! Kung sino man yun, humanda ito sa kanya!

Inaantok pang kinuha niya ang cellphone.

TUKMOL Calling…

Nawala antok ni Ana ng makita sa screen na si Ace pala tumatawag. First time siyang kinontact ni Ace mula ng magpromise itong hindi muna siya guguluhin. Oo nga pala ano, Saturday nga pala ngayon. Tapos na yung deadline ng hindi nito pagkulit sa kanya.

So kukulitin na naman siya nito. Grabe lang! Ke aga-aga.

Sinagot ni Ana ang tawag.

“Bakit ka napatawag?”

“Goodmorning baby!” narinig niya ang baritonong boses ni Ace mula sa kabilang linya. “Oh, wala man lang ba akong goodmorning?”

“Paano naging good ang morning kung inabala mo ang pagtulog ko?” iritadong tanong niya. “What’s so important about calling me in four in the morning? Di na ba makapaghintay yan? Kung about lang ito dun sa party, I have not forgotten about it.”

“Get out…”

“Huh? Anong get out?”

“Get out. I’m waiting outside.”

Agad na napabalikwas ng bangon si Ana at sumilip sa bintana. Nakita nga niya si Ace at ang sasakyan nito. Mula sa munting liwanag na nagmumula sa streetlight, aninag ni Ana si Ace habang nakasandal sa labas ng kotse nito. Naninigarilyo pa ito habang kausap siya.

“Anong ginagawa mo sa labas ng apartment ko?” she demanded.

“Just get out Ana. It’s freezing here.”

“Sino ba kasing nagsabi sa iyong magstay diyan ng alas kuwarto ng umaga?”

“Just get out here or else bubulabugin ko mga kapitbahay mo,” banta nito.

The nerve! Tinakot pa siya nito ha.

Effective nga lang dahil may nakatirang mag-asawang matanda sa kabilang apartment lang. It would be very rude kapag nagambala nga tulog nila dahil kay Ace.

“Pumasok ka na lang kaya dito sa loob?”

“Really Ana? I would gladly come inside then,” he said, his voice teasing her.

“On second thought, huwag na lang. Wait me there. I’ll be there on 5 minutes.”

Before Ace could protest, she hangs up.

Mabilis siyang nagtoothbrush at naghilamos at nagpalit ng simpleng damit. Sinuot rin niya ang isa sa kanyang jacket. Pinili niya yung medyo makapal dahil siguradong malamig sa labas ng ganitong oras. Pagkatapos ay lumabas na siya ng apartment.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now