Chapter 22

2.1K 49 3
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

"Bakit, napapagod ka na ba sa akin?"

                                                 - Ana

Kagagaling lang kumain sa Glen 50's Diner nina Ana at Ace. Isang kilalang resto iyon sa Baguio and like the name itself, upon entering the diner, it will give you a glimpse of the fifties vibes in the past. The old photos and posters of celebrities on that era, memorabilia on that time, jukebox, and even the uniforms of the waitresses set the place in the fifties. Kaya feeling mo rin talaga ay nung year 1950 something ka kumakain.

Aside from the atmosphere, kaya lagi doon hinihila ni Ana si Ace ay dahil rin sa humongous nilang mga servings. Malalaking clubhouses, burgers, sandwiches, at mga platter ng mga pancakes. Pati mga fries nila pagkadami-dami roon. Masarap din ang mga shakes nila at sa bawat punta ni Ana roon ay iba-ibang shake at inoorder nito. Sulit pang kumain doon dahil sa halagang 150 to 200 pesos, busog na busog ka na.

"Andami mong kinain. Takaw mo talaga!" Ace teased Ana habang nasa labas ng diner ang dalawa. Naghihintay sila ng taxi. Hindi kasi dala ni Ace ang kotse nito.

"Eh marami ka rin namang kinain ah!" nakairap na depensa ni Ana.

"Natural lang iyon dahil I'm a guy," reply naman ni Ace.

Nagsalubong kilay ni Ana sa narinig. "What?! Pati ba naman sa pagkain ngayon may gender discrimination na rin?!"

"Oh, oh, ang puso mo ingatan mo!" biglang bulalas ni Ace.

"Ano, sasabihin mong highblood na naman."

Ngumiti ng pilyo si Ace. "Hindi. Sasabihin ko sanang, ingatan mo yang puso mo baka tumalon patungo sa akin."

Nagusot mukha ni Ana sa narinig. "Corny mo talaga!!!"

Tumawa lang si Ace sabay sabing, "Sa iyo lang ako nagiging corny."

Hindi naman pinahalata ni Ana na tumatagos na sa kanya ang mga ganoong banat ni Ace.

Tumingin na lang si Ana sa daan. "Wala pa ring taxi," reklamo nito.

Iginala ni Ace ang paningin sa kabuuan ng daan at napansin nitong madalang ngang may dumaang taxi sa mga oras na iyon. Kung may dumaan man ay may sakay na.

"Maybe we should just walk?" suggest ni Ace.

Pumayag naman si Ana. "Sige, baka doon sa may bandang doon may taxi."

Nagsimula na nga sa kanilang paglalakad ang dalawa. Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad. Medyo padilim na kaya lumalamig pa lalo ang hangin.

"Nakaalis na ba si Ethan?" maya-maya ay basag ni Ace sa katahimikan.

"Oo, kagabi. Sumakay ng bus pa-Sagada. Siguro nakarating na yun dun," pagbibigay-alam ni Ana.

Noong isang araw lang ay gumimik sina Ethan at Ace kasama na sina Bob at Ken. Boys' night out daw kaya hindi nila isinama si Ana.

"Kung ikaw malakas kumain, yung kakambal mo naman, ang lakas uminom," saad ni Ace ng maalala ng makainuman si Ethan. Suko na sila nina Bob pero si Ethan ay naka-ilang bote pa. Ginawa nitong tubig ang alak.

"Kaya nga kami kambal eh," kibit-balikat na sagot ni Ana.

Walang imikan ulit ang dalawa pagkatapos nun. Nakontento na lang sina Ana at Ace na maglakad ng magkatabi, nagpapakiramdaman.

"Sa Saturday na ang laban namin ng basketball," muli ay basag ni Ace sa katahimikan na hindi rin lang nakatiis.

Napasulyap naman si Ana rito. Diretso lang ang tingin ni Ace kaya hindi nito nakita ang pagsulyap dito ni Ana. Binalik na ni Ana ang tingin sa daan at pabiro na sumagot. "Wag mo masyadong galingan para  yung school ko manalo."

From School of Business Management o SABM kasi si Ana. Si Ace naman ay galing sa School of Engineering and Arichitecture o SEA. Sa mga nakalipas na sportfest ay ang dalawang school na iyon ang mahigpit na magkalaban for championship.

This time si Ace naman sumulyap kay Ana. May lungkot sa mga mata nitong habang palihim na pinagmamasdan ang dalagang diretso lang ang tingin. Pabuntong-hiningang ipinamulsa ni Ace ang mga kamay sa bulsa ng jacket nito.

"So, baba ka na bukas?" tanong ni Ace kay Ana. Pababa ng Baguio ang ibig sabihin ni Ace.

Tumango si Ana. "Yup, nakabili na ako ng ticket ko. Bukas ng gabi alis ko."

"I would like to plea na sana ay nandun ka sa Saturday, kaya lang I know how you missed your family. I'm not that selfish para ipagkait sa iyo yung makasama sila."

Natahimik naman si Ana dahil sa narinig. Pagkatapos ay bumaling ito kay Ace sabay siko sa binata. "Ikaw naman! Drama mo ngayon ah!"

"Seryoso ako doon," kaswal nitong wika. "Sama na lang kaya ako sa bahay niyo?" pabirong wika ni Ace para gawing light ulit usapan.

"Over! Kapag sumama ka eh di huhuntingin ako ng mga kateammates mo. Baka rin pagbalik ko ay tambangan na ako ng mga SEANs pagbaba ko pa lang ng bus," natatawang sagot ni Ana.

"Subukan lang nila," sagot naman ni Ace na kahit nakangiti ay seryoso naman sa sinabi.

Napatigil naman sa paglalakad si Ana saka hinarap si Ace. Tumigil din si Ace.

"Umamin ka, hindi ikaw si Ace ano? Ilabas mo na yung masungit at moody na si Ace! Dali!"

"Ako nga ito tisay. Sa iyo lang ako nagkakaganito. Kasalanan mo," sisi nito kay Ana.

"Kasalanan ko pa tuloy ngayon," saad ni Ana na nagpatuloy na sa paglalakad.

"Kailan mo ba talaga ako sasagutin?" tanong ni Ace kay Ana habang pinapanood ang likod ng dalaga na papalayo.

Saglit na muling napatigil si Ana sa paglalakad ngunit muling nagpatuloy rin lang.

"Bakit? Napapagod ka na ba sa akin?" malakas nitong tanong kay Ace na hindi man lang lumilingon.

Walang narinig si Anang sagot, sa halip ay nakarinig ito ng mga yabag na papatakbo patungo sa kanya. Ilang sandali nga lang ay nasa tabi na nito ulit si Ace at kasabay na ulit sa paglalakad.

"Kailanman ay hindi ako mapapagod maghintay basta ikaw ang hihintayin ko," narinig ni Anang halos pabulong na sagot ni Ace.

Nagkunwari si Ana na hindi narinig si Ace and instead ay pinara nito ang paparating na taxi na saktong wala ring laman na pasahero.

=================

A/N: Short update lang muna dahil either bukas, Saturday or Sunday ay ipost ko yung Chapter 23. Basta dun lang sa tatlong day na iyon. Medyo may time kasi ako kanina kaya may nagawa akong outline ng mga upcoming chapters. Hopefully, mas madali na siyang isulat ngayon. ^^

Kung magbabackread pala kayo ng Ana's Ace; dun sa mga lumang readers, mapapansin niyong medyo inedit ko siya. Tinanggal ko yung mga long spaces between paragraphs. Wala lang. Para naman magmukhang presentable at magmukhang book talaga. Pansin ko kasing yung mga English stories dito hindi sila gumagamit ng maraming spaces in between paragraphs. Pinoy lang mahilig sa ganun. Katulad ko! hehehe... andami kasing spaces ng LIZ ko - yung first story ko. Pero ngayon natuto na ako. ^_^

Thanks ulit sa pagbabasa! Pati na sa mga nagvovote at comment! ^^

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now