Chapter 6

3.2K 59 7
                                    

Chapter SIX

"Even a hare will bite when it is cornered."

                                           - Chinese Proverb

“Namiss? Ikaw? Hahaha…In your dreams!” nakapamaywang na tugon ni Ana kay Ace.

“Nahiya pa si Ana baby ko.”

“Yuckkkkk! Stop calling me Ana baby. Kinikilabutan talaga ako! Promise!” Umakto pa talaga siyang kinikilabutan.  “Ano bang ginagawa mo dito sa Anne Heights? Ganun ka na lang ba kadesperate sa akin? Mind you, you’re such a stalker!”

“Kasalanan mo rin lang. Tinakbuhan mo ako nun sa Paradise. At hindi mo ako sinipot kagabi.” May bahid ng galit ang tono ng boses nito.

“Sino bang nagsabing sisipot ako? Wala naman di ba?”

“When I tell you to meet me. You meet me.”

“Says who?” taas kilay niyang tanong.

“Says by your boyfriend.”

“Boyfriend mo mukha mo. Argghhh! Naasar na talaga ako sa iyo! Ano ba talagang gusto mo sa akin?”

“Pag-uusapan natin yan sa daan.” Tapos tinuro nito sa kanya yung nakapark nitong kotse.

Isa pala yung sasakyan nito sa mga nakita niyang part ng covoy na natanaw niya mula sa eight floor ng classroom nila kanina. Napansin niyang wala na dun yung mga sasakyang kasama nitong dumating. Nauna siguro silang umalis.

Nang di siya tuminag ay muling nagsalita ulit si Ace.

“Gusto mo bang maging bagong headline ng campus news mamaya?” banta ni Ace kay Ana.

“Ngayong nag-uusap pa lang tayo ngayon, I’m already part of the current news around SBU. At kasalanan mo ito eh!” sisi ni Ana sa binata.

Totoo iyon dahil as of the moment ay maraming pares ng mga mata ang curious na pasulyap-sulyap sa direksyon nila. Wala nga lang naglalakas loob na lumapit. Pero alam niyang nag-aassume na silang lahat at gumagawa ng sariling conclusion.

                                                  *Isn’t that Ace?*

                      *Anong ginagawa ni Ace dito sa Anne Heights?*

                                    *Sino yung kasama niyang girl?*

                                          *Ang guwapo ni Ace! *

                                            *Di ba si Ana yan?*

                                  *Papicture tayo kay Ace maya! *

                                    *Bakit kasama  ni Ana si Ace?*

                                        *Are they two together?*

                                           *Nag-aaway ba sila?*

                                 *I hate that girl! Akin lang si Ace!*

Sumimangot si Ana sa huling narinig. Nagkaroon pa tuloy ito ng hater dahil sa tukmol na Ace na ito.

“Kung ayaw mong pag-usapan pa lalo, sumakay ka na lang,” utos nito.

Inirapan niya ito. Kainis kasi kung makapag-utos kala mo kung sino.

“Ayoko nga!” pangmamatigas niya.

“Kung di ka sasakay……” binitin nito ang sasabihin saka ngumisi.

“Kung di ako sasakay, anong gagawin mo ha? Pipilitin ako?! Sasampahan kita ng kasong kidnapping! Maraming witness kung sakali!”

“…….hahalikan kita.”

“Ano kamo?”

“Ang sabi ko, kung hindi ka sasakay ngayon din, hahalikan kita.” Pagkatapos ay ngumiti ito ng nakakaloko at inilapit pa talaga ang mukha nito sa mukha ko.

Naiinis na umiwas siya dito. Patawa-tawa lang ito after. Tinignan niya sa mukha si Ace kung seryoso ito sa banta nito. Mukhang capable nga itong gawin ang banta nito sa mga oras na iyon. Itong si Ace pa mandin ay nasa personalidad na walang pakialam kahit maraming nakapalibot at nanonood na tao.

Argghhh! Naisahan ako ng tukmol na Ace na ito!  And she hate it!

Walang imik na binuksan niya ang back seat ng kotse at sasakay na sana ng pigilan siya ni Ace.

“Ooooppss… Dun ka sa harap. Di mo ako driver………ANA BABY!” tapos ay humalakhak ito ng malakas.

Sarap talaga tiris-tirisin ang tukmol na ‘to!

Padabog niyang sinara ang pintuan ng back seat at binuksan ang pintuan ng front seat at pabalibag din niyang sinara iyon. Kung masira eh di masira. Maganda ngang masira kasi kay Ace ang kotseng ito. Kapag nasira iyon at least nakaganti siya kahit paano.

Pinaandar na ni Ace ang sasakyan.

“Oh, sabihin mo na kung anong kailangan mo sa akin. Bilis! Sinasayang mo oras ko.”

“Patience Ana…patience…”

“Patience is not in my vocabulary kapag ang pinag-uusapan ay IKAW.”

“Simple. Just add back it in your vocabulary then," pilosopong sagot nito.

“Tumigil ka nga! Teka paano mo pala nalamang sa Anne Heights ako nag-aaral?”

“Madali lang iyon. Pasalamat ka sa friend mong….uhmm Kerstain? Kendra?” napakunot-noo ito at nag-isip pa ng malalim.  “Never mind…basta yung kaibigan mong girlfriend na ngayon ng ex mo.”

“Si Kelly? Di ko kaya friend yun.”

“Yah, Kelly nga pala name niya.”

Nagkamali siya sa akala niyang maasahan niya si Kelly. Sabagay, si Kelly ba naman ang pinag-uusapan.

“Kung iniisip mo na Kyla betrayed you, well the answer is No.”

“Kelly hindi Kyla," pagtatama niya dito. “And what do you mean by that?”

“Ana naman. Syempre kapag I ask her directly about all the info about you, makakahalata itong hindi kita kilala ng lubusan. As far she knows, you are my girlfriend.”

Yan kasi napapala ng sinungaling!

“So, paano mo nalaman kay Kelly?” tanong niya.

“Well.....”

========================

A/N: Hohoho! Salamat po sa votes niyo sa Chapter Five :) Pati din dun sa mga nagcomment. Wag kayong magsawa ha... hehehe.. nagparinig ba? XD

Sa totoo lang, naaamaze ako ngayon sa sarili ko. Ang bilis kong mag-update! Di ba? Di ba? Yun nga lang maiikli lang talaga per update. ^__^

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now