Chapter 11

2.9K 55 9
                                    

CHAPTER ELEVEN

"Worrying is like a rocking chair, it gives you something to do, but it gets you nowhere."

                                                              ~Glenn Turner

“Okay lang kaya itong ginawa natin Ana?” kagat labing tanong ni Chichi kay Ana.

Kumuha muna si Ana ng fries saka ginamit iyong pangscoop sa ice cream. Gawain kasi iyon ni Ana. Imbes na sa catsup, sa ice cream sinasawsaw ang fries.

“Charap, charap talaga!” bulalas ni Ana ng masubo ang fries.

“Ana, I’m worrying here,” wika ni Chichi.

“Why are you worrying Chi? Papangit ka lang niyan kapag panay ang pagwoworry mo. Kain ka na lang kasi. Libre ko kaya ito. Akala mo ha, minsan lang akong manlibre.”

Chichi snorted. “Alam na alam ko anoh! Ikaw kaya reyna ng kakuriputan. Ewan ko ba sa iyo, sobra-sobra pa kaya binibigay sa iyong allowance ng Nanay at Tatay mo. Ba’t mo kailangang magtipid? Para saan?”

“Hay naku Chi! Di ko naman kailangang gumastos kung hindi naman kailangan talaga. Bakit ako maghahanap ng pagkakagastusan ko? Kaya kung wala din lang naman talaga akong pagkakagastusan, itatago ko na lang pera ko.”

“Hmmmp! Sabihin mo, kuripot ka lang talaga. Tignan mo, manlilibre ka na nga lang, dito pa sa Mcdo,” kantiyaw ni Chichi kay Ana.

“Tinatanong kita kanina kung saan mo gustong kumain, ang sagot mo kahit saan. Oh, ngayong dinala kita dito sa Mcdo, magrereklamo ka.”

“Malay ko bang libre mo pala,” reklamo nito. “Kaninang magbabayad tayo sa cashier mo lang sinabing libre eh. Unfair mo Ana!”

“Well, sorry ka na lang. Ganyan talaga ang buhay. Now you know that if I ask a question kung saan mo gustong kumain, ibig sabihin lang nun, libre ko.” Balewalang tugon ni Ana saka muling sumubo ng fries.

“Tatandaan ko talaga yan Ana. Kala mo ha.”

“Hehehe… Tatandaan ko ding hindi na ako magtatanong nun,” biro ni Ana sa kaibigan.

“Ana naman eh! Puro ka talaga kalokohan,” pabirong sumimangot si Chichi. “About sa pinagwoworry ko, hindi ka ba talaga nag-aalala man lang? Kahit katiting?”

“Kung makapagsalita ka naman parang nakagawa tayo ng isang napakalaking kasalanan. Eh, wala naman eh. Ano bang ginawa natin? Pumunta lang naman tayo dito sa town para kumain ah.”

“Pumunta tayo dito sa town para kumain…kahit na alam mong nasa Anne Heights si Ace.”

“Oh…”

“Anong oh?! Pambihira naman Ana! Magagalit sa iyo niyan si Ace!”

“Eh di magalit siya. Masaya nga kapag nangyari yun.”

“Lalo ka lang hindi bibitawan ni Ace niyan Ana. Sabi ko na kasing maging mabait ka kay Ace, di ka naniniwala sa akin.”

“Paano ako magiging mabait sa tukmol na iyon kung araw-araw rin lang niya akong iniinis at ginagalit?”

“Pagtiisan mo nga lang muna kasi.”

*Beep* *Beep* *Beep*

Hindi man lang tinignan ni Ana kung cellphone nito ang tumtunog o hindi. Dahil sigurado itong hindi kanya iyon. Inoff kasi niya ang cellphone kanina pa ng paalis silang school para hindi na niya marinig paboses ni Ace.

Pinanood ni Ana ang kaibigan sa pagbabasa ng textmessage. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Ana ang pagliwanag ngmukha ni Chichi.

“Ana – ”

“Nagtext si Charles. Magmemeet kayo,” agad na putol ni Ana sa sasabihin ni Chichi.

“May lahi ka bang psychic? Paano mo nalaman?” manghang-manghang tanong ni Chichi.

“Hindi ko kailangang magkaroong ng lahing psychic para malaman iyon ano. One word. Obvious!”

“Obvious na kung obvious. Pero Ana, okay lang bang mauna na ako?” pakiusap nito kay Ana.

“Paano kapag sabihin kong hindi okay?”

“Eh…” Hindi makasagot si Chichi sa tanong ni Ana.

“OKAY!”

“Thanks Ana!” Napangiti si Chichi sa narinig.“Pero okay lang ba talaga?”

“Okay na nga. Gusto mo pa yatang bawiin ko. Isa pa, hindi na ako bata. Keri ko namang mag-isa.”

*Beep* *Beep* *Beep*

“Sige, sige Ana. Hinihintay na ako ni Charles! Babush! Ingat sa pagbalik sa school.”

“Ingat din kay Charles!”

“Ana ha…” saka tumalikod si Chichi ngunit muling lumingon. “Remember, be nice to Ace.” Pagkatapos nun ay nagmamadali na itong umalis.

Tse! Be nice to tukmol?!

Naiinis na inubos na ni Ana ang natitirang pagkain. Tumingin ito sa relong nasa bisig.

“May dalawang oras pa pala ako,” ani Ana sa sarili.

Tumayo na siya at naglakad-lakad na lang muna sa SM. Natigilan siya ng mapansin ang isang pamilyar na bulto ng tao. Nakatalikod ito mula sa kanya ngunit pamilyar talaga kaya nilapitan ni Ana iyon.

“Kung ganoon daan tayo sa Starbucks. Let’s have some coffee there.” Narinig ni Ana na wika ng babaeng kasama ng taong pamilyar ang likod sa kanya.

Napakunot-noo si Ana ng marinig ang boses ng tumugon sa babae. “Maybe that’s not a good idea Honey.”

Well, well, well… Ang liit nga naman talaga ng Baguio. Andito rin pala sa SM si tukmol ngayon. Dumiretso din pala ito dito pagkagaling nitong Anne Heights. At may kasama pa talaga ha.Nagworry lang sa wala si Chichi kanina. Eto at harap-harapang nambabae. Certified playboy talaga. What a flirt! Pa-honey honey pa!

“Last na ito Ace. Wala ka naman ng klase di ba?”

Pinagmasdan ni Ana ang likod ng dalawang wala pa ring kaide-ideya na andun lang siya sa likod nila.

Biglang napangiti si Ana ng may maisip.

Why don’t I have some fun?

Nagpaskil ng isang matamis na ngiti sa mukha si Ana at saka tinawag ang pansin ng dalawa.

“Ace!!! Bebe ko!”

==========================

A/N: Surprise update! Wahehe... Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi ko mapigilang mag-update. Masama yun sa totoo lang. Pero yung next update yun na talaga ang matatagalan dahil magstart na akong magreview. I know, most of us here are may mga kanya-kanyang exam na. Busy busy tayong lahat. Sana pumasa tayong lahat! hehehe... :)

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now