Chapter 2

3.3K 65 16
                                    

Chapter TWO

"It sucks when no one believes you when you are speaking the truth."

                                                                                                   -LYFAVIE  :)

“OMG! Is this really true?! Boyfriend mo si Ace?!” exclaimed ni Kelly.

“Hindi ko alam na kilala mo pala si Ace Ana?”  doubtful na sabi naman ni Owen.

Ano bang isasagot niya?!

Pinili na lang ni Anang tumahimik. Nahihiya siyang umamin. Baka kasi kung anong isipin nina Kelly at Owen.

“Ba’t di ka makasagot Ana?” tanong ni Owen.

“K-kasi…” napalunok siya. Bakit ba kasi mas mahirap magsabi ng totoo kaysa magsinungaling?

“I get it!” napapitik sa hanging sabat ni Kelly. “She’s lying to us hon!”

“Anong ibig mong sabihin Kelly?” di maintindihang tanong ni Owen kay Kelly.

“Hindi niya talaga boyfriend si Ace! There’s no way Ana and Ace are together! She’s lying Owen!”

“Ana, tama bang sinasabi ni Kelly?” Owen searched for Ana's eyes but she avoided him. Tungo ang ulong nanatili itong tahimik.

“See, she can’t answer because Ace is in fact not her boyfriend.”

“Ana…”

Hindi naman siguro nakamamatay ang umamin di ba? Huminga siya ng malalim saka inihanda ang sarili. Aaminin na nga lang niya.

“Oo –”

“Ana baby…”

Baby?!

Tatlong pares ng mata ang dumako sa lalaking nagyoyosi. Bawat isa ay naglalaman ng iba’t ibang emosyon. Pagtataka. Gulat. Doubt.

Si Ana ang unang nakabawi. Anong pinagsasabi ng tukmol na ito?! Bakit biglang naisipang makisawsaw?!  “Uhm…Sorry, pero may misunderstanding lang.” Pagpapaumanhin niya kay Ace. Tapos ay tumingin siya kina Owen at Kelly. “Di ko talaga siya boyfriend.”

“What are you talking about baby?” confused na tanong ni Ace. Tapos biglang nagliwanag mukha nito na tila ba may naalala. “Tsk…Baby, hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?” madamdaming tanong ni Ace sa kanya. Tinapon nito ang paubos ng yosi sa daan saka tinapakan.

“Nakadrugs ka ba?” maang na tanong niya dito. Baka nakahigh pala ito at kung anu-ano ng pinagsasabi. Bakit nagkukunwari pa rin itong boyfriend niya. Tinutulungan ba siya nito? Eh in the first place, hindi naman na niya kailangan tulong nito. Lalo lang nitong pinapalala ang sitwasyon eh.

Nagulat silang lahat ng biglang humalakhak ng malakas si Ace.

“Si Baby talaga. Can’t you forgive me? I swear. Sila ang lumalapit sa akin. Ni hindi ko nga sila pinapansin eh.”

“Ano bang pinagsasabi mo!” Tumaas na tono ng boses niya. “Hindi nga sabi kita boyfriend eh. Nagkamali lang ako ng tinuro kita sa kanila. Hindi ba maliwanag iyon?!”

“Hindi mo pa ako brineak kaya tayo pa rin.” Ngumiti ito kay Kelly at Owen. “Pasensiya na kayo kay Ana, bad mood siya kanina pa.” Saka siya nito inakbayan.

Nagpupumiglas siya pero hinigpitan nito lalo ang pagkakaakbay sa akin. Tinignan niya ito ng matalim. Yung singtalim ng bagong hasang kutsilyo. Ngunit parang balewala lang iyon dito.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now