25 - Bekimon Club

Start from the beginning
                                    

"Ano yun? Tau gamma ba? Alpha something? Or what?"

"Gaga! Hindi naman ganun kasosyal yung club namin noh!"

"Club nyo?!" nagningning ang mga mata nya. "Kasali ka?"

"Oo."

"Member?"

"Leader! Nakaka-offend ka ha!" pinalo ko siya nang super slight sa braso niyang kaya akong ipaglaban kahit kanino. Laki eh, haha!

"Hehe sorry naman, wala ka naman kasing nababanggit saken eh, ngayon lang."

"Hindi ka naman kasi nagtatanong, ngayon lang."

"Oh sige na, anong org or club ba yun?"

"Bekimon Club. Bawat ka-member, ka-Bekimon ang tawag."

"WHAT THE?! BEKIMON??!" may pagka-OA ang reaksyon niya.

Tsk, ano namang nakakagulat dun?

"Oo bakit? Masama?" tugon ko.

"Pero—"

"Hindi lang naman mga bakla members nun. Syempre all genders welcome dun. Saka hindi lang pambading yun, binuo ang club na yun para magpasaya ng tao. Pag may prob ka, punta ka lang sa kuta nila at sasaya ka na."

"Ganun? Hindi ko alam yun ah. Ilan na kayo sa club nyo?"

I shrug my shoulders, "Medyo wala na rin kasi akong balita simula nung ikasal tayo. Pero yung pinaka-recent na alam ko, nasa 3 hundred thou, ewan ko nalang ngayon kung nadagdagan sila."

"Hala!" OA na naman niyang reaksyon, "Grabe? Seriously 300K?!"

"Oo naman, worldwide kaya yun!"

"Wow! International tapos ikaw pa yung leader! Ang galing naman ng asawa ko, I'm so proud of you! Pa-kiss nga!" *tsup!*

Nainitan ako bigla. Yung mukha ko lang to be specific.

"Uy, hindi nya na ko sinasabihang manyak! Kasi gusto na nya ko! Hehe."

"Tss. Tara na nga search na natin mga ka-Bekimon ko," I held her hand paupo sa swivel chair sa tapat ng PC.

"Ikaw nalang mag-search. Search mo, uhm, www.BekimonClub.org"

"Ah, s-sige." tss, nailang ata. Inalis yung kamay kong nakahawak sa kanya.

Tinype nya yung sinabi ko, pero kumunot ang noo nya. Hindi nya ata ma-search.

"Wala naman eh."

"Hala, pano nangyari yun? Alam ko may site kami eh."

Teka, ano ba exactly yung website namin?

PInilit kong alalahanin ang exact site address namin, "Ah! Alam ko na!"

"Ano yun?"

"Lagyan mo pa pala, ng mwah mwah tsup tsup happy birthday beki, kasunod nung club."

"Grabe, ang haba naman."

"Syempre chuchal nga yang club namin eh."

Hindi na sya sumagot instead ay tinype nalang yung sinabi ko.

"OhMyGosh!"bigla niyang sambit.

"Oh bakit? Wala namang nude d'yan eh, maka-ohmygosh ka naman."

"OMG, Dom! Tama ka nga, worldwide ang club niyong 'to. Imagine, umabot na sa 400K ang members!" tuwang-tuwa niyang pahayag.

 "Talaga?! OMG, di ko akalain! Sikat na talaga kami, mehehe! Tabi nga d'yan, kakamustahin ko ang mga ka-Bekimon ko especially ang mga Admins Amiga ko!" tinulak ko na sya at ako na ang humarap sa monitor.

Marry Me, Beki! #Wattys2017Where stories live. Discover now